47 - Confusion

117 12 4
                                    

Kairus'

Hindi ko alam kung ilang beses ko ng namura si Kino sa isip ko. Pero mas marami ang mura ko para sa sarili ko.

I was caught off-guard habang nagvi-video for my vlog nang mabanggit ni Kino iyong babae na nakita ko sa talk namin sa SPU. Honestly, hindi ko na masyadong naaalala these past few days dahil si Raya lang ang tanging laman ng isip ko.

But I must admit, iba talaga ang naging epekto sa akin ng babae sa talk. Hindi talaga siya maalis sa isip ko. She had the most beautiful face I've ever seen. At bukod sa mga sulat ni Raya, siya lang ang nakapagpakaba sa akin nang ganoon.

Kung hindi nga lang ako aasarin ng mga kaibigan ko, nakapagpatulong na sana ako kay Killian para hanapin ang babae sa talk sa SPU. Pero dahil alam kong mga dakilang tsismoso ang mga kaibigan ko—daig pa ang mga babae sa pagsagap ng tsismis—alam kong malalaman at aasarin nila ako.

Well, I want to see her again. May gusto lang din kasi akong i-confirm... for myself. Masyado akong naguguluhan. Nakakabwisit na nga, eh. Hindi ko naman pinoproblema ang mga ganito dati. It's so new to me. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko para sa kanila ni Raya.

Parang gago lang kasi, eh. Haha! Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Para akong mababaliw na ewan.

The girl in the talk, the moment I laid my eyes on her, iba iyong naramdaman ko. Bumilis talaga ang tibok ng puso ko. Kinabahan ako. Para akong nakakita ng anghel nang mga sandaling iyon. And when she smiles at me, parang nawala lahat ng alalahanin ko. She's like a fresh of breath air, nakakawala ng problema.

Si Raya, I never saw her, pero iba iyong impact na dinala niya sa buhay ko. She made me see the beauty of life. I learned a lot from her. It's like matagal ko na siyang kilala kahit hindi pa kami nagkikita dahil sa mga kuwento niya. Bumibilis ang tibok ng puso ko every time na magbabasa ako ng sulat na galing sa kanya.

Iba-ibang emosyon ang dinala ni Raya sa akin the moment I started reading her letters. Ako ang nagagalit kapag nasasaktan siya. Masaya naman ang puso kapag masaya siya sa mga sulat niya sa akin. At gusto ko, nandoon ako nang mga panahong nasasaktan siya. I want to hug her.

Gusto kong sabihin kay Raya na okay lang mapagod, okay lang maging mahina. Natural lang iyon, kasi okay lang na maging tao. Gusto kong sabihin na kamahal-mahal siya. At masaya ako na nakilala ko siya through her letters. At kapag may mga times na gusto niyang mag-vent out, nandito lang ako para sa kanya. In good times and in bad times. Raya's an inspiration. I want her to know that I'm so I'm proud of her.

I'm so confused. But after Kino gave me a picture of the girl in the talk—na hindi ko alam kung saan niya nakuha—at nang dumating ang sulat ni Raya na ibinigay sa akin ni Daina, nakakuha na ako ng sagot sa gumugulo sa isip ko. Sana... tama ang nakuha kong sagot.

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon