66 - Travel Goals Part Two

29 2 0
                                    

Kairus’ Vlog Content

March 18, 2021

Kairus: Wazzup, mga trops. Today, today, today! Today… ay ready na kaming mag-ikot dito sa Cebu. Nakapagpahinga na kami kaya naman may energy na ulit para ikutin ang magagandang lugar dito. Kaya tara, samahan n’yo kami.

Kairus: First stop, Bantayan Island! Para sa kaalaman n’yo, mga trops, ang Bantayan Island ay matatagpuan sa Northernmost tip ng Cebu. Kilalang-kilala ang Bantayan Island sa magagandang beach at eco-tourism sites, pati na rin sa cliff diving, kayaking at sky diving.

(Kino on the background)
Kairus, mag-i-sky diving ba tayo?

Kairus: Anong tayo? Kami lang ang mag-i-sky diving.

(Nicko Robin on the background)
Aruy! Hindi ka naman pala kasama. 'Wag kasing mag-expect nang sobra, p’re.

Kairus: Hindi ka rin naman kasama, Ribo.

(Legend on the background)
Hahaha! Mga bonak talaga.

Kairus: Well, puwede naman pala kayong mag-sky diving…

(Kino on the background)
'Yon! Sabi na, eh, hindi mo kami matitiis. Ang bait mo talaga, Boss Kairus.

Kairus: Basta sarili n’yong bayad at gastos.

Maze: Hahaha! Nice one, Kuya.

(Kino on the background)
Ganyan ka na talaga ngayon, Kairus. Por que may nagpapasaya na sa 'yo.

Kairus: Ah, gusto mong sumaya?

(Kino on the background)
Siyempre naman, Boss.

Kairus: Daina!

(Daina on the background)
Yes, Kairus? 'Wag kang mag-alala, nandito lang si Raya sa tabi ko, hindi ito mawawala dito. Haha!

Kairus: Huwag mo na raw awayin si Kirk Iñigo. Magbati na raw kayo, para daw sumaya na siya.

(King Russel on the background)
Hahaha! Hayup ka talaga, Kairus!

(Kino on the background)
Gago ka talaga, Kairus Cross!

Kairus: Alam ko. Hahaha! Teka lang, ginugulo n’yo ang vlog ko, eh. Paano, mga trops, aalis na muna kami. Don’t worry, imo-montage ko ang biyahe namin para makita n’yo pa rin kung gaano kaganda ang Cebu. So, ano, let’s go!

***

Hiraya: Alright! Vlog take over muna tayo. I’m right here with Maze, Reign and Daina!

Maze: Girl power! Haha!

Daina: Hi sa mga trops ni Kairus diyan. I’m Daina, Hiraya’s friend at number one supporter ng KaiRaya love team. Haha!

Reign: Naku, huwag na tayong mag-ranking sa kung sino ang number one supporter ng KaiRaya love team, Ate Daina. Kasi, hindi rin ako papayag na hindi ako ang number one. Haha!

Hiraya: Puro kayo kalokohan diyan. Tara na nga, maiiwan na nila tayo.

Daina: Kalokohan daw, pero kinikilig naman siya. 'Wag ako, Hiraya!

Hiraya: Alam mo, ikaw, Daina…

Maze: Hep! Time out na muna sa asaran. So, saan tayo unang pupunta?

Hiraya: Sa St. Peter and Paul Parish. Siyempre, kailangan muna nating magpasalamat kay Lord since natuloy tayo dito at makakapagbakasyon pa. We’re blessed enough because of Him. 'Tapos hingi na rin tayo ng guidance for this trip, 'di ba?

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon