25 - Angel

96 10 1
                                    

April 3, 2020

Hi, Kairus!

I'm back at it again with another video and letter. At ang featured video ngayon ay "Angel."

First of all, nakikiramay ako sa pagkawala ng isa sa matalik n'yong kaibigan. The moment I heard the news, napaiyak din talaga ako. Knowing na iyong isa sa mga tao na nagpapasaya sa akin ay wala na, nasaktan din ako. Pero alam ko naman na kung masakit sa akin—na fan niya lang—ang pagkawala niya, mas masakit siyempre iyon para sa inyo. Kaya nga hindi na ako nagtaka nang halos isang linggo kayong walang upload na videos. I understand that you were mourning.

Alam ko kung gaano kayo ka-close ni Marc. Nakikita ko iyon sa bawat content na inilalabas n'yo. Kaya naman kahit hindi kita nakikita at nakakasama, alam kong you were in so much pain.

I want to hug you because of that. Gusto ko sanang ipahiram ang kaunting lakas na mayroon ako para malaman mo na may karamay ka sa lungkot na nararamdaman mo. Gusto kong sabihin na masaya na si Marc sa piling ni Lord, wala na siyang mararamdaman pang sakit. Hinsi na siya mahihirapan pa. Isa pa, hindi n'yo naman kasi siya pinabayaan, eh. Inilaban n'yo talaga si Marc. Saksi kami sa labang iyon, kasama rin kami sa laban n'yong iyon.

Know what? Pinakaayoko talagang pag-usapan ang kamatayan. I'm scared of death itself, not for me, but for my love ones. Hindi ako takot mamatay, eh. In fact, handa na akong mamatay kung kukunin man ako ni Lord ngayon. Mas hindi ako handa kapag isa sa mga mahal ko ang biglang mawawala. Just like my kuya. It was so sudden that I'm not ready for it. At alam mo ba? Kahit na parang hindi na yata ako mahal ng mga magulang ko, natatakot pa rin ako na isang araw, bigla na lang nila akong iwan. Kaya nga gusto ko sana, mas mauna akong mawala sa kanila. Kasi parang hindi ko na kakayanin kapag naiwan na naman ako.

Pero ito na nga, after a week na wala kang upload, nagulat ako sa bago mong video, iyong "Angel."

I love it, Kairus. Actually, ang gaan lang naman ng video mo na ito. It's all about Marc. Ikinuwento n'yo lang kung paano n'yo siya unang nakilala at ano ang pinaka-memorable na sandali n'yo with him. Magaan iyong video, pero mula umpisa hanggang matapos, umiiyak ako. Alam mo kung bakit? Kasi kitang-kita ko na kahit nakangiti ka sa video, ang lungkot-lungkot ng mga mata mo. Alam kong hindi ka talaga okay. But despite of that, pinili mong ngumiti, maging matatag at alalahanin ang masayang alaala n'yo kay Marc.

Kaya naman pagkatapos kong mapanood ang video n'yo na iyon, pinunasan ko ang mga mata ko at nagsimula ring alalahanin ang happy moments ko with Kuya. This video of yours gave me the strength and courage to do that. Tama ka naman, eh. Nawala lang sila physically, pero forever silang nasa mga puso natin. Hindi sila nawawala roon. At kapag nalulungkot at naaalala natin sila, we just have to think of happy thoughts na kasama sila para ma-divert ang isip natin. Oo, malungkot kasi hanggang happy thoughts na lang tayo, hindi na natin sila makakasama talaga. Pero at least, may naiwan naman silang masasayang alaala para sa atin.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto mo sa akin, Kairus. O, huwag kang kiligin, ha? Happy crush lang kita, walang ibang ibig sabihin ito. Char! Haha! Pero seryoso, I'm so grateful to you. Hindi ako magsasawang magpasalamat sa 'yo. Marami akong learnings from you.

Thank you so much, Kairus. Sana, one day, maka-bonding naman kita. Na-meet na kasi kita, kaya bonding naman ang hiling ko ngayon. Haha! Wishful thinking lang, ganern! Hehe!

Till next letter and video ulit.

-Live, laugh, love

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon