62 - Indenial

41 9 2
                                    

Messenger

Bakit? Vloggers Kami, Eh!
MARCH 12 2021, AT 9:42 PM

Nicko Robin: May napansin ako.

Seen by everyone except Kayden and Ian

Anong napansin mo?

Na gago ka?

Matagal na naming alam 'yan.

Kino: HAHAHAHAHA

Jander: Buhay ka pa ba, Ribo? Hahaha!

Legend: Nicko Robin Ramos, natagpuang sinunog ni Kairus Cross Velasquez. Hahaha!

Nicko Robin: Ayan, ayan ang napansin ko.

Nicko Robin: Bakit ang sungit ni Kairus lately?

Killian: Hindi naman kasi talaga maingay si Kairus katulad nyo.

Nicko Robin: Kian, iba ang maingay sa masungit. Mag-aral ka nga. Tsk!

Killian: Coming from you na ML lang ang alam gawin.

Nicko Robin: At least ako, kumikita sa paglalaro ng ML.

Buti na lang talaga may pakinabang ka.

King Russel: Awit naman yun, lods. Hahaha!

Jander: Sakit mo, Kuya. Hahaha!

Yuan: In fairness, tama naman si Ribo sa observation niya. Parang ang sungit nga ni Kairus, samantalang lagi yang nakangiti last week. Haha!

Legend: Napansin ko rin, actually.

Dami nyong alam.

Wala talaga kayong magawa sa mga buhay nyo, ano?

King Russel: Interesting kasi ang buhay mo, p're, kaya ikaw ang gusto naming pag-usapan. Hahaha!

Kino: Mukhang alam ko na kung bakit ganyan si Boss Kairus. Haha!

Nicko Robin: Bakit?

Kino: Ang magic word ay...

Hindi ko alam kung anong sinasabi mo, Kirk Iñigo.

Killian: Hiraya.

King Russel: Raya.

Jander: Raya.

Legend: Hiraya.

Kino: See? Alam na nila agad. Hahaha!

Nicko Robin: So... nag-away ba sila ni Hiraya? Kaya mas masungit ngayon si Kairus?

Yuan: Yan ang hindi namin alam... at kailangan nating alamin. Haha!

Legend: Paano natin aalamin?

Killian: Eh, di tanungin nyo si Kairus. Bonak talaga.

King Russel: Para namang magsasalita ang isang yan.

Nicko Robin: Kairus, nag-away ba kayo ni Hiraya?

Seen by everyone except Kayden and Ian

10:03 PM

Jander: O, di ba? Wala talaga tayong mapapala kay Kuya. Haha!

Nicko Robin: Wala ba talaga kayong alam kung nag-away sila o hindi?

Kino: Wala, eh. Bukod sa ilang araw ng hindi nagpupunta dito si Raya.

Tangina nyo rin talaga, eh, no?

Kung makapagkwentuhan kayo parang wala ako dito.

Yuan: Ayaw mo raw kasing magkwento, eh. Hahaha!

Eh, kung mga buhay nyo na lang pakialaman nyo?

King Russel: Hmm, mukhang matindi ang LQ. Extra sungit si Kairus eh. Haha!

Legend changed the group name from Bakit? Vloggers Kami, Eh! to Mga Tsismoso ng Taon

Jander: Magkaaway nga kayo ni Raya, Kuya?

Hindi.

Legend: Eh, bakit hindi napunta dito si Ate Raya?

Ewan ko.

Yuan: May ginawa ka bang kasalanan kay Raya?

Wala!

Kino: Sure ka?

Tangina naman!

Kung ayaw nyong maniwala, wag na kayong magtanong!

Nicko Robin: Wag ng init ng ulo, Boss. Haha!

Kino: Mahirap pa naman pag ulo ang uminit, baka biglang pumutok. Hahaha!

Tangina nyo talaga!

Yuan: Hahaha!

Nicko Robin: Pero, Kairus...

Ano?

Nicko Robin: Nami-miss mo?

Seen by everyone except Kayden and Ian

10:11 PM

Kino: Oopps, mukhang nami-miss nga. Hahaha!

Hindi!

Jander: Sigurado ka dyan, Kuya?

Legend: Kami kasi, miss namin si Ate Raya, eh.

Ah, talaga ba?

Eh, di puntahan nyo! O kaya papuntahin nyo!

Kino: O nabasa nyo? Papuntahin daw, sabi ni Boss Kairus. Hahaha!

Gagu ka, Kirk Iñigo!

Kino: Hahahaha!

Killian: I-chat mo na, Kairus, bago ka pa maunahan ng mga ugok na yan.

King Russel: Suyuin mo kasi, Boss Kairus, kahit wala ka namang ginagawang kasalanan.

Nicko Robin: Kausapin at suyuin mo para di mo na ma-miss.

Hindi ko nga nami-miss!

Yuan: Walang naniniwala sayo dito, Kairus.

Mga ulol kayo!

Kino: Hahahaha!

Seen by everyone except Kayden and Ian

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon