89 - Saved

7 2 0
                                    

Hiraya’s Blog Post

Saved by: Keep the Faith
1 day ago— 7-minute read

Read More >>

They say, life is a bitch. It can make or break you. It depends on how you can dwell on it. Its either mas maging bitch ka to survive o maging mahina ka at magpatalo sa buhay.

As for me, alam ninyo naman na I've been in my highs and lows. I've experienced rock bottom. At akala ko, hindi na ako makakaahon pa. But I did. I've overcome those obstacles. Alam ko, may mga parating pang mga pagsubok na kailangan kong lagpasan. Marami pa akong kailangang harapin.

Parang sa mga video games lang din iyan, eh. Kapag nalagpasan mo na ang unang obstacle, may mga bagong obstacle at boss ka pa na makakaharap. Habang patagal nang patagal, pahirap nang pahirap ang mga obstacles na kailangang lagpasan.

Life is not easy. But it is not always hard either. You just need to see the positive side of things. Alam kong mahirap magsalita, lalo na kapag wala ka sa sitwasyon kung saan mahirap talagang bumangon. Pero hindi naman masamang sumubok bumangon at lumaban para maging masaya, 'di ba?

In my case, muntik na akong magpatalo sa mga obstacles sa buhay. Ayaw ko ng bumangon, eh. Napagod na ako. Kasi aminin man natin o hindi, nakakapagod naman talagang lumaban araw-araw. Nakakapagod magpanggap na okay ka. Pero mabuti na lang talaga, may mga resbak ako na tumulong sa akin para mas maging bitchy ako sa pagharap sa mga pagsubok. And I'm always grateful for that.

Na-realized ko na hindi naman masamang humingi ng tulong at aminin na hindi mo na kaya. Makakatulong din talaga na magkaroon ka ng support system mo during hard times. Pero kung wala ka talagang taong puwedeng pagsumbungan, iyakan, puwedeng yakapin, nandiyan si Lord. Sigurado ako, hindi ka Niya iiwan. Hindi ka Niya pababayaan.

I've been saved.

Saved by my family. By my friends. By Kairus' videos and Kairus himself. By myself. And mostly, I'm saved because of my faith. Iniligtas ako ni Lord.

My family's always been there for me. Hindi man kami naging okay nang nagdaang mga taon, naging part man sila kung bakit ako muntikan ng lumubog sa kumunoy, pamilya ko pa rin sila. Hindi ako pinabayaan nina Mommy at Daddy. Yes, medyo naging malupit sila in terms of dealing with me, pero they provide all of my needs. And they were really sorry sa mga pagkukulang nila sa akin.  At... bumabawi sila nang todo sa akin ngayon.

Si Kuya Hunter. Kahit na akala namin, wala na siya, he saves me without him knowing. Kapag pasuko na ako sa buhay, pagkatapos maaalala ko kung paano ako ngitian noon ni Kuya, kung paano niya ako ine-encourage na abutin ang mga pangarap ko, nagkakaroon ako ng will na magpatuloy. Kahit matagal ko siyang hindi nakita at akala ko hindi ko na siya makikita pa, hindi siya nawala sa isip at puso ko. Never ko siyang sinisi sa mga pinagdaanan ko, instead isa iyon sa mga nakapagpatibay sa akin. Kasi alam kong gusto ni Kuya na magpatuloy ako.

Daina and the Team Wam-Pataas. Noong mga panahong nasa dilim ako at hindi malaman ang gagawin, isa si Daina sa mga nag-awang ng pinto para makita ko ang liwanag ng buhay. Kahit sobrang aloof ko noong mga panahong iyon, hindi niya ako sinukuan. Instead, she break those walls. Kaya sobrang thankful ako kay Daina. She's a treasure. Napakabuti ng puso niya. She befriend me kahit alam niyang mahihirapan siya sa akin. A friend for keeps.

The Team Wam-Pataas, they made me smile and laugh noong mga panahong wala akong kakampi. Watching their videos alongside with Kairus' videos helped me a lot. At nang makilala at makasama ko na sila? Sobrang saya sa pakiramdam. Hindi nila ako itinuring na iba. Sobrang bait nila kaya ganoon na lang agad ako kakumportable sa kanila. Mababait sila on and off cam, walang halong biro at bias iyan. They treat me like I'm family.

And then, Kairus. Grabe lang iyong naging impact niya sa akin. Napatunayan ko talagang hindi ako nagkamali ng paghanga at pag-idolo sa kanya. Other people may laugh at me or mock me for idolizing him this much. For sure sasabihin nila, for the content lang naman ang ginagawa ng mga vloggers na iyan. Pinagkakakitaan lang kayo ng mga iyan. Nagpapauto lang kayo sa mga corny na iyan. People may say nasty things about them, about Kairus, but they can't do what Kairus and the Wam-Pataas done to us, to me. Sure, its just a video or a content, but it saves us, it saves me.

Kaya hindi na rin ako magtataka kapag may narinig o nabasa ako from other fangirls or fanboys na nakatulong sa kanila ang mga idol nila, especially in KPop and PPop community. Dati, hindi ko rin kasi iyon mapaniwalaan. Napapatanong ako kung paano. But when I experienced it first hand, doon ko nasabi na, "ah, oo, puwede pala. Tama sila."

Music can heal us. Our idols can save us. Mahirap i-explain sa mga taong sarado ang isip. Mahirap ding ipaliwanag hanggang sa hindi sila ang naka-experience. Pero totoo iyon.

Minsan, sa sobrang lungkot natin, sa sobrang desperation natin at iyong pakiramdam na wala tayong kakampi, sa ibang bagay tayo kumakapit, katulad nga music o sa mga hinahangaan nating tao. Sa kanila, nararamdaman natin na may halaga tayo. Napapatawa nila tayo kaya panandalian nating nalilimutan ang lungkot at mga problema, hanggang sa naging inspirasyon na natin sila para magpatuloy.

Kaya sobra ang pasasalamat ko kay Kairus. He and his videos helped me a lot. Nagpapasalamat ako na dumaan sa recommended videos ko ang vlog niya. That one vlog of his changed my life. Kung hindi ko napanood ang video na iyon ni Kairus, baka wala na ako dito. Baka nawala ako nang hindi kami nagkakaayos ng parents ko. Baka hindi ko na nalaman na buhay pala si Kuya Hunter. Baka hindi ako nagse-share sa inyo ngayon ng mga ganap ko sa buhay.

And... I can say that I saved myself, too. Yes, may mga factors at mga tao na tumulong sa akin para makaahon at maniwala na kaya kong malagpasan ang mga pagsubok na kinaharap ko. But I gotta give it to myself for being alive. Because I'm strong enough to face it all.

Minsan ko lang purihin ang sarili ko, ibigay ninyo na sa akin ito. Haha! May mga pagkakataon kasi talaga na sukong-suko na ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Kaunting-kaunti na lang, ayaw ko na talaga. Pero heto pa rin ako, o. Buhay, humihinga at patuloy na lumalaban.

Proud ako sa sarili ko. I did it, even if I thought I couldn't. I'm proud of myself for doing my best to be okay even if I'm not. I'm proud because I fight for myself when I have no one to hold on to. And I will keep on saying that I'm worth fighting for.

And of course, I am saved by the love of God. Hindi Niya ako pinabayaan kailanman.

Aaminin ko, dumating ako sa point na hindi na ako naniniwala sa Kanya. Kinuwestiyon ko talaga ang pagmamahal Niya sa akin. Kasi, puro na lang problema ang dumarating sa akin. Puro sakit, luha na lang. Hindi ko na maramdaman ang saya at kaluwagan ng dibdib. Kaya naman tumigil akong magdasal, magsimba at magpuri sa Kanya.

Pero sinubok Niya lang pala ako kung gaano ako katatag at kung gaano katindi ang faith ko sa Kanya. Kasi noong mga oras na ayaw ko na talaga, doon Siya gumalaw para gisingin ako. Doon Siya nagpadala ng isang milagro.

Dahil doon, nagising ako nang todo. Hindi dahil puno tayo ng problema, pinabayaan na tayo ni Lord. He's always there, never Siya nawala. Tayo lang minsan ang naliligaw ng landas. At kapag naligaw na tayo, gagawa ng paraan si Lord para maitama tayo.

That's why I'm thankful na nahanap ko na ulit iyong tamang daan, iyong daan pabalik kay Lord sa tulong ng mga taong mahal ko at nagmamahal din sa akin. Mas tumibay na iyong faith ko kay Lord at alam ko na magkaroon man ulit ng unos sa buhay ko, never na akong maliligaw.

I am saved. With the help of my family, friends, Kairus and with my faith in God.

They are my saving grace. And I am forever grateful for that.

"For it is by grace you have been saved, through faith." -Ephesians 2:8

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon