18 - Special Day

100 13 1
                                    

March 4, 2020

Hi, Kairus!

I'm back again with another video and letter. At ang featured video ngayon ay "Special Day."

Matatawa ka ba kung sasabihin kong umiyak ako habang nag-a-unbox ka ng silver play button mo? Kung noong naka-100k subs ka, abot langit ang ngiti ko, ngayon namang dumating na ang silver play button mo at ini-unbox mo, umiyak talaga ako. Parang tanga, ano? Hindi naman ako ang nagkaroon ng silver play button, pero ako iyong umiiyak. Haha!

Sobrang proud lang talaga ako sa 'yo at sa achievement mo. Hindi madali ang magkaroon ng ganyan, lalo na at marami na ang nagsusulputang mga content creator ngayon. Well, ibig sabihin lang niyan, gusto ka ng marami. Mahal ka namin, that's why. And you deserved all of that, Kairus. Sobrang deserved mo iyan. Let's go for one million subs! Yay!

Pero teka, maiba ako. Iyong last letter ko sa 'yo, 'di ba sabi ko, naiinggit ako sa mga Cebuano fans mo kasi na-meet ka na nila. Well, mabuti na lang at nag-post ka sa Facebook account mo na may gaganapin kang event na medyo malapit sa amin two days after na masulat ko ang letter ko about your Cebu event. Nakakita ako ng pagkakataon para makita ka na nang personal. At may isang linggo pa ako para maghanda sa event mo. Pero ang problema, hindi ko alam kung paano ako magpapaalam sa bahay. You know, baka kapag sinabi kong sa event ng paborito kong vlogger ako pupunta, saktan lang ulit ako ni Daddy. Haha! So, isa lang ang naiisip kong paraan—ang tumakas.

Don't worry, hindi ka naman bad influence. Baka kasi isipin mo at ng iba na dahil sa 'yo, tatakas ako. Sarili kong desisyon ito. I'm just dying to meet the person who saved me from misery without him knowing. The person who makes me smiles with his videos. Kaya gumawa talaga ako ng paraan. So, nagpunta ako sa event mo.

Luckily, napili pa ako sa twenty persons na puwedeng magpa-picture at magpa-autograph sa 'yo. It felt surreal, actually. Siguro, it meant nothing to you, but it means the world to me. Kasi finally, mami-meet ko na iyong taong naging life line ko. Iyong taong nakatulong sa akin para muling bumangon. Ang saya-saya lang.

'Ayan, ha? May clue ka na kung sino ako. Isa ako sa mga nakasama sa meet and greet mo. Char! Haha! Iyong gift ko, sana nagustuhan mo. It was not expensive, pero ginawa ko talaga iyan para sa 'yo.

Anyway, back to your event. Umiyak na naman ako nang finally, lumabas ka sa stage. Rinig na rinig ko ang sigawan ng mga taong humahanga sa 'yo. Kairus, it felt really nice. Sobrang saya ko nang sandaling iyon. Pakiramdam ko, sandali akong nakalaya sa mga problema ko. Iyong pakiramdam na nandoon ako kasama ng mga taong humahanga rin sa 'yo. Ang saya sa pakiramdam. Sobrang proud na proud talaga ako sa 'yo. Words are not enough to explain my feelings that moment. Basta, ang saya, ganoon. Haha!

At ito nga, habang pinapanood ko ang uploaded video mo tungkol sa event na iyon, umiiyak na naman ako. Huwag kang mag-alala, tears of joy ito. Lol!

Pero, Kairus, hindi ko maintindihan kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kita sa video mo habang nakatingin ka sa amin, sa mga fans mo. Kitang-kita ko nang umiling ka at bumulong.

Surreal. Iyan ang sinabi mo. Pagkatapos kong makita iyon, bumilis na ang tibok ng puso ko. Epekto siguro ito ng pag-iyak ko? Haha! Ikaw kasi, eh, pinapaiyak mo ako. Char!

Anyway, see you sa next event mo... kung makakatakas ulit ako. Sana makatakas ulit, 'di ba? Haha! Ang saya pala kasing magpunta sa gaanong mga event. Sana malapit lang ulit iyong next event mo para makapunta ulit ako.

It was nice seeing you smile genuinely at us. Finally, nakita ko na nang personal ang mga ngiti mo. Narinig ko na nang personal ang boses mo. It was nice seeing you, Kairus.

'Ayun lang, till next letter and video ulit.

Ps: Di ako napagalitan sa pagtakas ko. Hindi naman kasi nila nalaman. Wala naman kasi silang pakialam sa akin. Haha!

-Live, laugh, love

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon