CHAPTER 85: THE FOX IS IN

380 23 7
                                    

I walked to him at inayos nya naman ang pagkakatayo nya pulling something out from his pocket.

"Here." tinignan ko ang flash drive na iniabot nya.

"You asked me for the CCTV footage, right? It's not easy to sneak into 404 room as well as his computer but I did it somehow." tinanggap ko ang flash drive at tinignan muna ito.

"What do you expect from a well-known hacker. . ." wondering how he got it.

"True. Kelangan ko pang lagyan ng malakas na pampatulog yung isang litrong gatas nya sa fridge kasi pakiramdam ko di talaga natutulog ang taong yun. And then there's also the door of his room na mabubuksan lang through voice recognition and in different language. I have to climb to his window para makapasok. I also have to bet in luck na sana lang ay mapabayaan nya yung computer nya and lucky, I guess his sleep deprivation saved me." I know he's being sarcastic sa huling linya nyang yun, but I still find it funny kaya tumawa ako ng mahina.

"Still, thank you for this. Tsaka, you don't have to climb the window. Don't ever risk your safety. Baka kung nahulog ka at napano, ako malalagot sa kanya. Besides, hindi naman ako nagmama-"

"You're not, but I am. Sa tingin mo natutuwa ako sa pagtulong sayo kahit na ako mismo nag-offer na I'll atleast give you a hand if you needed to? Kahit noon pa hindi ako naging komportable sa set up na to. Pero nang dahil sa utang ko sayo ang mga mata ni Czera, this is the least I can do to repay you." tinignan ko sya diretso sa seryosong mga mata nya.

"I understand. Ayoko din namang abusuhin ang alok mo. Telling me about her daily plans and problems were enough. But I never thought she'll be desperate to know me this soon. At pareho nating alam na ayaw magpapigil nun once she set her mind into it. I have to keep watching her from behind at hindi ko na magagawa yun if she's already aware of who I am." umiwas sya ng tingin at napabuntong hininga as he put his hands inside his pocket.

"Just. . .just don't let me do this kind of thing. I'll still keep you well-informed. . .but I don't think I can betray her any more than this. Sana maintindihan mo despite offering you a hand." tumango ako and gave him an assuring smile.

Before I asked him about the footage, inasahan ko nang tatanggi sya. Kaya nung magtext syang makipagkita sa kanya, it was a surprise for me. Gusto ko mang tanungin kung ano ang nagpabago ng isip nya ay di ko na lang ginawa. I don't think I'll ask him to do something like this again. Ayokong masira ang pagkakaibigan nila nang dahil sa akin. If I could, I shouldn't be involving myself with him. Tama na yung sinasabihan nya ako tungkol kay Czera.

"Thanks. Still, you have to remember that my loyalty will always belong to my bestfriend. If ever the day will come, when it leaves me no choice, I won't hesitate to tell her who you are. But for now, sa ngalan na din ni Yue, I'll do what I can to keep you in the shadows. . .away from her sight." tumango ulit ako.

"Thank you. Makakaasa kang I won't let anything happen to her. My life will always be hers." pangako ko sa kanya.

"You shouldn't be saying that to me. Tell her that last sentence personally one day. Not as a mask rider, but the real you." will I be able to?

"Anyways, marami ding mga mata ang babaeng yun. It's best na hindi na tayo magtagal dito at baka may makakita pa satin at umaot sa kanya. Matalas ang utak nun magconnect the dots." I agree. Kung connections ang pagbabasehan, mas malakas ang sa kanya kesa sakin.

Pareho na naming pinaandar ang mga sasakyan namin. And when I thought we're both good to go our seperate ways, nilapitan nya ulit ako sakay ng motor nya.
"The reason I changed my mind. . .doesn't concern you. Or about helping you." he looks worried.

Hindi muna ako nagsalita at hinayaan syang magpatuloy.

"It scares me." napasampok ako ng kilay trying to understand what he meant.

"Did you know she already met your uncle?" tukoy nya kay Tito Nato.

Tumango ako.

"He told me over the phone kaya di ko nasagot ang tawag mo kanina." paliwanag ko.

Bumuntong hininga sya tsaka diretsong tumingin sa harap.

"And it went well according to plan. It scares me. My guilt scares me. Naguguilty ako because it looks like na pinagkakaisahan natin sya. That the only person she chose to depend-" I don't know if he's mad, but I can feel the shakiness in his voice. It's as if pinipigilan nyang umiyak at the same time so he had to stop mid-sentence.

"I promise I'll tell her everything one day. I won't let her turn her back on you. That will be my promise to you." he shook his head while giving me a sad smile.

"No matter what you do, the deed has already begun years ago. Betrayal is betrayal."

"It isn't betrayal when you're doing it for her sake. She will understand. You know her more than I do." agad kong sinagot ang pahayag nya.

"The only person she will hate is me." pagtatapos ko.

Mukhang naiintindihan na nya ngayon ang pagkakaiba naming dalawa.

"Atleast there's one thing we have in common. . ." saad nya sa hangin.

". . .we're both in big trouble." napangisi ako sa pagtatapos ng pangungusap nya.

"You should go to her now." at humarurot na palayo.

Will I ever have the courage to tell her who I am?

CZERA POV

"Cess. . .Princess. . ." minulat ko ang mga mata ko sa liwanag ng bintana ng sasakyan.

"Dito na ba?" I asked squinting and blinking my eyes. Di ko namalayang nakatulog pala ako sa byahe pauwi at mukhang hindi lang ako ang nakatulog, pati na rin sina Aron, Soul at Jun.

As for Hope na di namin kasama ngayon, nagpaiwan na muna sya para samahan si Cas in case he needs a hand dun. Babalik din tong sina Jin at Aron, pinagmaneho kasi kami ni Jin, and Aron said he's going to bring his work dun sa funeral home kesa sa wala syang ginagawa dun. The three of us, on the other hand, since kami ang nanatiling dilat straight hours hanggang sa sumikat ang araw, napagdesisyonan naming bumawi muna ng tulog sa dorm lalo na ako na di pa tuluyang nakakabawi ng pahinga since ilang araw pa lang ang nakakalipas nang matapos ang taping. Kahit na may silid-tulugan naman dun, as well as shower room, kelangan pa din naming magpalit ng damit.

"Naaamoy nyo ba yun?" tanong ni Jun habang isa-isa na kaming umaakyat ng hagdan papasok.

See? Kaya kelangan din namin magpalit. Nangangamoy-

Suminghot ako ng maigi sa hangin at ganun din naman ang ginawa ng iba. Nang mapagtanto kong nangangamoy sunog, kumaripas na si Jin paakyat.

How the h3ll did he do that?

The Jin who's not that very athletic. The precious kind-hearted, considerate, caring, selfless, and mother-like Jin. How could he passed the four of us up the stairs with the speed like that?

Nang nagsitakbuhan na din paakyat ang tatlo, sumunod din agad ako.

It just surprised me that even with all these years I spent with them, patuloy pa din akong nakakatuklas ng kung anu-ano sa pagkatao nila.

"Vein, anong ginawa mo?" nag-echo sa buong sala ang boses ni Jin kaya nagmadali na din kaming maglakad papuntang kusina.

We were frozen in place nang makita namin ang sitwasyon ng kusina.

"N-Nagugutom na ko eh. . ." paliwanag ni Vein at dahan-dahang inabot ang mug nya na sa tingin ko ay may lamang mainit na timpla.

He looks like a kid na nahuling may ginawang kababalaghan which is kind of true.

The whole kitchen is a mess. Nagkalat ang mga cooking utensils sa lababo, pati na din mga balat ng itlog at hotdog. Sa lamesa naman ay may mga bakas pa ng harena, asukal, chocolate o coffee powder, milk powder din, at kung anu-ano pang durug-durog, may sunog pang tinapay sa gilid. Sa bandang stove naman sila parehong nakatayo ni Jin at may umuusok pa sa likuran nila.

Sinubukan kong abutin ng tingin ko ang laman ng kawali habang hinihigop ni Vein ang inumin nya. Kahit medyo may distansya sa pagitan namin ay kitang-kita ko na ang nangingitim nang kawali both inside and out, pati yung itlog na niluluto sa loob, yung dilaw mukhang brown na. May dalawa pang maitim na pahaba sa gilid.

"Hotdog ba yun?" pabulong kong tanong kay Jun na katabi ko lang.

"Baka." pabulong din nyang sagot.

Isa pang tunog ng paghigop ni Vein ang muling umalingawngaw sa katahimikan ng kusina.

"And to think na dinaanan pa kita dito kagabi para sumabay na samin kumain sa lamay. Sabi mo you can handle yourself pero yung kusina hindi mo mahandle." napahilot na lang sa noo nya si Jin.

"Nangyari na, let's just call for a delivery. Vein, fix this up." utos ni Aron sabay talikod para tumawag.

"Ako na magliligpit. Tapon mo na lang yung laman ng basurahan." atas naman ni Jin as he started moving.

"I'll help out." pagboboluntaryo ko at wala namang tumutol kaya niligpit ko na din ang mga kelangan itabi.

In the end, kaming anim na ang naglinis ng buong kusina. Around 8am na dumating ang food delivery kaya mga alas nwebe na din kami nagsipasukan sa kanya-kanya naming mga kwarto. As for me, ayun na-knockout agad.

Nagising ako nang may tumawag sa phone ko. Sinubukan ko pang kapkapin kung saang lupalop na ng ert lumanding yun.

"Oh?" sagot ko na hindi na natignan ang caller ID.

["Wow, bedroom voice. If I knew, I should've hit the record button. Shall I do it?"]

Sumampok agad ang kilay ko sa kung sino mang kurimaw tong nang-iisturbo ng tulog.

Dahil feeling ko na may pagkapamilyar yung boses, chineck ko na ang caller ID pero numero lang ang nakikita ko sa screen.

"Who-?" inaantok ko pa ding sambit trying to remember kung sino nabigyan ko ng number ko recently.

None.

"Who're you?" masungit kong tanong pero tumawa lang yung kurimaw sa kabilang linya.

["You should check your social media often. Because of that, the production team got this interesting idea."]

Napangiwi ako. Sino ba to? Production team?

Pamilyar yung boses. Pamilyar din yung way ng pangbbwesit.

And then it finally hit me.

Napabuntong hininga ako ng napakalalim.

"Wala ka talagang pinipiling oras mambwesit Ranchee, ano?" again, tumawa na naman sya. He really like this kind of stuff. Yung nababaon talaga sa kaluluwa mo yung pang-iinis nya.

"How'd you get my number?" sinugurado kong maririnig nya sa boses ko na hindi ako natutuwa na kausap sya.

["Like I said, the production team came up with an interesting idea. So, I got your number from your manager. Picking you up at 2 later."]

Napabalikwas ako ng bangon sa gulat. Hindi ko na nga maintindihan ang sinasabi nya, napakalabo pa ng nangyayari.

"What!? The f***ck are you saying?" Cas just giving my number to a KT member? Nagbibiro ba sya?

["Relax. Kaya nga susunduin kita for a brief meeting with Franz so he can explain to you. But, if you check your social media right now and smart enough to get a hold of the situation, then you'll get the agenda. Better come, Franz rarely make time for things like this."]

He's using a playful tone kaya di ako sigurado if he's talking business or just pushing himself at me.

"Bakit kasi di na lang sumagot ng diretso?" napahilot na lang tuloy ako sa parehong sentido ko.

["Well, if I do-"]

May narinig akong tumawag sa kanya kaya siguro napatigil sya sa pagsasalita.

["I gotta go now. Remember, I'll pick you up."]


And he ended the call just like that.

I was left with the sound of the air conditioner of my room. Ilang araw na nga din naman ako di nakakabukas ng social media so kung seryoso man o hindi si Ranchee, wala namang mawawala kung bubuksan ko to ngayon.

But the moment I opened the app, yun na mismo ang bumungad sa akin.

I know this will happen. It just slipped my mind because I didn't thought of it to be such a big deal since hindi naman talaga kami nakunan ng malapitan nang gabing yun sa ospital.

News about spotting me and Ranchee are all over the internet. Nung isang gabi lang to nangyari, trending na agad-agad. Dahil dun sa larawan na nakasakay ako sa kotse ni Ranchee ay nagsilabasan na din ang iba pang mga stolen shots namin mainly sa taping.

Kahit talaga may batas na bawal kami kunan sa taping, marami pa ding nakakahanap ng paraan makakuha lang ng litrato.

So, if this is the clue Ranchee gave me, most likely ang pinaplano ng production team is something concerned to the both of us. Ang di ko lang makuha ay bakit pinipilit nyang sunduin ako dito. The only thing I can do ay umalis bago mag-alas dos. The thing is, hindi nya sinabi sakin kung saan yung meeting. Pero kung feeling nya matalino na sya nun, feeling nya lang talaga.

Sinubukan kong tawagan si Cas pero in my second attempt, hindi pa din nya nasasagot ang tawag ko. Oh well, tatawag naman yun kung makita na nya ang mga calls ko. He might gone to work.

Bumaba na lang muna ako sa kusina para kumain just to pass time. Sana lang ay matawagan na nya ako asap. Cas calls back if he missed a call. He misses a call kung busy sya but once na mapansin nya na may tumawag sa kanya, he always remember to call back kapag may pagkakataon na.

Habang nag-iisip ako ng lulutuin, may bumulaga na sakin na mga nakahanda nang pagkain na naka-cling wrap sa loob ng ref. May mga pangalan pa namin nina, Jun, Soul, at Vein na nakasulat sa sticky note. Maliban sa mga pangalan namin, meron pang isang sticky note na nakadikit sa may tray that says, "Microwave before eating."

Obviously, this is Jin's doing and seeing there are only four names, mukhang bumalik na sila sa Moving Ground.

I grabbed mine at nang ipapasok ko na sana sa microwave ay naramdaman kong may bumababa ng hagdan kaya inabangan ko muna kung sino susulpot in case na gusto na din nyang kumain.

"Oh Cze-Cze, gising ka na pala." bati ni Vein pagpasok nya ng kusina.

"Yeah, ginutom eh. Naka-lunch ka na? May iniwan si Jin sa ref." pagpapaalam ko.

"Hindi pa, lulunch na din." simpleng sagot nya.

"Great, sasabay ko na lang din initin yung sayo." boluntaryo ko na tinugunan nya ng isang tango at maliit na ngiti.

Habang nilalagay ko na din ang parte nya sa loob ng microwave, kumuha naman sya ng tubig sa loob ng ref at dinala sa mesa. And while waiting, kumuha na din ako ng pinggan namin at kutsara't tinidor, tsaka ipinwesto sa mesa.

Umupo ako sa tapat nya habang umiinom sya ng tubig.

"Cze-Cze?"

I'm actually staring at him while he's drinking water!

And now he's giving me this confused look. Sino nga naman matutuwa kung tinititigan ka na umiinom ka lang naman ng tubig?

Inuntog ko na nga lang noo ko sa mesa at mukhang napalakas pa dahil rinig na rinig ko yung lagapak na sinundan pa ng mahabang tunog na sa tingin ko ay sa loob na ng tenga ko.

"Cze-Cze!? Anong ginagawa mo!?" nang mawala na ang tunog sa tenga ko ay inangat ko na agad ang mukha ko para-

Oy, bat parang. . .ang lapit. . . lapit ng mukha ko sa kanya? Did I moved forward? I can feel his breath.

Then a memory flashed. Isang alaalang akala ko'y nabaon ko na. Na akala ko'y iniwan ko na sa resort na yun. And as weird as it is, parang nararamdaman ko na naman ulit ang labi nya sa labi ko.

Ting!

Napatayo agad ako nang marinig ko na ang tunog ng microwave.

Dali-dali kong pinuntahan at kinuha ang mga ininit kong pagkain, only to realize na wala pala akong naisuot na mittens kaya napatalon ako sa init nang mahawakan ko ang lagayan. Buti na lang hindi ko pa naiangat kundi baka mas malala pa ang nangyari.

"Czera, ayos ka lang ba?" rinig ko ang paghakbang ni Vein.

"Yes! I'm fine, upo ka lang dyan." sagot ko agad dahil baka kung lumapit pa sya hindi titigil tong maingay na tunog sa puso ko.

Bakit kasi bumalik pa ang alaalang yun? Okay na sana eh. Kalma, self. That was just a drunk accident. No use overreacting over it. Hindi mo naman na first kiss yun to make it big of a deal.

Buti na lang at mukhang sinunod naman nya ang sinabi ko.

Pinilit kong ayusin ang isip at puso ko while taking care of our foods nang tumunog ang phone ko sa bulsa.

"Hello?" sagot ko nang makita ko ang pangalan ni Jin sa screen.

["You're awake? May iniwan pala akong pananghalian nyo sa ref."]

"Yeah, I saw it. Ito nga at kakainit ko lang. The best ka talaga." yung bumabagabag sa isip at ingay sa puso ko ay dahan-dahang naglaho nang marinig ko ang boses nya. Napangiti tuloy ako.

["Buti naman. Naalala ko kasi yung note nailagay ko sa loob ng ref instead na sa labas. Baka kako di nyo mapansin."]

Cute.

"It's fine. I got it. Ito na nga at kakain na kami ni Vein." sagot ko pa habang nilalagay isa-isa yung pagkain sa mesa.

["Tulog pa din ba sina Jun at Soul?"]

I wonder what's that pause before his question?

Ano ba tong nangyayari sakin? Bakit halos lahat na lang even the minor ones ay nagiging big deal sakin ngayon?

I shook the thought off.

"Seems so."

[By the way Princess, can I ask you a favor with Vein?"]

With Vein?

"Of course, ano yun?" is that what that pause was all about?

["Can you perhaps. . .try to convince him? Na atleast bumisita dito? Kahit hindi na sya makipagpuyatan. I just thought he might listen to you kapag ikaw yung makiusap."]

Oh.

"Well. . .I'll try? Hindi naman sa mapipilit ko to, you know. . .with the situation."

["Atleast nasubukan, okay na yun."]

Pagkatapos ng tawag na yun ay parang nakalimutan ko na yung ilang ko at diretso na ulit umupo sa tapat ni Vein.

Kinakabahan na talaga ako sa epektong to ni Jin sakin. Every time I talked to him, gumagaan na agad yung pakiramdam ko and I can feel myself again.

"May problema ba?" pagkatapos ko syang tignan and realized that he's still worried sa kilos na ipinakita ko kanina, napaiwas ako ng tingin at umiling na lang na may kasamang maliit na ngiti.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon