CHAPTER 19: THE PROTECTOR

11.5K 294 19
                                    

Dedicated to: EironJohn17

***

"Pero kakagising mo lang. Baka mabinat ka nyan." saway ni mom.

"But mom, I want to see him. Please?" pagmamakaawa ko.

"I don't know honey. We should call the doctor muna to check on you, ok? Tsaka naghihintay ang mga kaibigan mo sa labas." hindi na ako sumagot pa kay mom.

Binuksan nya ang pinto at pumasok na sina Jin, James, Jun, Hope and Cas at tinawagan na ang doktor dun sa maliit na telepono na nakadikit sa dingding. Naalimpungatan yata si Vein dahil gising na ito at kiinukuskos ang mga mata nya tsaka tiningnan ako na inaantok pa.

"Czera!-"

"SSSSSHHHHHHH!" saway ng mga bagong pasok sa pagsigaw ni Vein na sinabayan pa ng pagtayo nya bigla at umupo sa kaninang inuupuan ni mom.

"Gising ka na. May masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo?" sunod-sunod na tanong ni Vein.

"Vein ayos lang. Medyo masakit pa yung mga tama ko pero so far ayos na ako." sagot ko.

Magsasalita pa sana ulit si Vein ng dumating na yung doctor at lahat sila ay humawi pagilid.

Maraming chineck ang doctor sa akin at pagkatapos nya ay tinanong ko sya agad.

"Doc, pwedi ko bang makita ngayon si Aron? I just want to see how he is."

"I'm sorry iha pero kelangan mo pa ng pahinga. Baka kasi mabinat ka." sagot ng doktor sakin.

Nagpaalam na ang doctor at sumabay na rin sina mom and dad sa kanyang paglabas upang makapag-usap naman kami.

"C!" sa pagsigaw na yun ni Hope ay hudyat na ng lahat at nagsimula ng magtanong ng sunod-sunod sa akin tungkol sa aking nararamdaman.

Or shall I say nag-iingay na sila?

Well, according to my condition, napahilot ako sa sintido ko dahil sumakit ang ulo ko kung sino ang uunahin kong sagutin. Nag-aagawan ng silya sa tabi ko sina Vein at Hope at halos dinadaganan na nila ang isa't-isa para lang makauna sa silyang yun.

Natigil lang ang kaguluhan ng tumikhim si Cas.

"Hindi ko na papatagalin ang sasabihin ko sayo C but... you might have to face the media after you and Aron recover. NGR can't reason out tungkol sa nangyari sa inyo since alam ng lahat na dumating lang kami pagkatapos na ng nangyari sa inyo at baka ipamukha pa ng mga tao especially the media na nagsisinungaling ang kompanya. So, kelangan talagang sa inyo magmula yung kwento. Don't worry, Ms. Reese will give you a little briefing kung ano ang sasabihin mo sa harap ng camera."

"Ok-"

"Gising na ang babae?!" naputol ang sasabihin ko ng biglang pumasok si Ren at mukhang may kasama pa pero tinulak nya ito palabas. Hmmmm. Girlfriend?

"Oh, you're here. Czera?" at binaling ko ulit ang atensyon ko kay Cas na nakangiti na ngayon.

"We got someone for you. As requested... Ren?" at pumasok na ng tuluyan si Ren na may hinihila.

"Patricia." sambit ko sabay ngiti sa nahihiyang Patricia.

"Si-C. Ka-kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong nya.

"Maayos naman Patricia. So, are you willing to be my personal assistant? And a friend?"

"F-friend? Kinagagalak kong magtrabaho sayo C tsaka maraming salamat sa pagkuha sa akin."

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon