CHAPTER 4: THE INTRODUCTION

20.1K 445 96
                                    

Pagkatapos naming magchikahan ng bestfriend ko ay sinimulan ko ng ilagay ang mga gamit ko sa mga kanya kanyang pwesto ng may kumatok sa kwarto ko.

Pinuntahan ko kaagad ang pintuan ko at binuksan ito ng tumambad ang bungisngis ng grupo. Simula kasi kanina, malalawak na ngiti lang ang nakikita ko sa kanya.

"Yes?" tanong ko.

"Oh, hi. Uhhmm, handa na ang banyo para sayo. Mauna ka na samin." sagot nito na nakangiti. I don't know, but there's something in his smile. Every smile na ginagawa nya ay abot tenga.

"Ha? Sure? Nako, uhmmm, sige. Mabilis lang naman akong maligo eh."

Naligo nga ako ng mabilisan, nakakahiya naman sa kanila. Kung gugustuhin ko lang eh magbababad ako dito sa tub ng isang oras. Pasalamat sila at pinapabango ko ang sarili ko upang maging matagumpay ang misyon ko sa grupong to.

Just like the other rooms, ang tiles nitong banyo ay black and white din. The tub and the sink are white but the shower is black. The other chichiborichis ay itim na.

Mga sampung minutos lang ako naligo at lumabas na. Buti at nadala ko ang bathrobe ko. Di ko kayang isipin na naglalakad akong nakatapis sa harapan nila. Naiimagine kong para silang mga aso na may rabies na naglalaway sa magandang katawan ko. Pero in fairness ha, may kanya kanya pala silang role dito sa dorm.

May isang nag-aasikaso sa kusina, may isang naglilinis sa mga nakakalat, I think sya itong tinutukoy ni manager kanina kaya lang nakalimutan ko na yung name nya. Ang leader naman ay nasa counter nagbabasa ng libro. Habang may tatlo namang nagkukulitan at isa na sa kanila yung nakausap ko kanina. Mukhang kulang sila.

"Whoo? Tapos ka na?" tanong ni bungisngis na syang ikinatigil din ng kulitan ng dalawang kasama nya. Tumango ako at ngumiti.

"Uy, gisingin mo na si Sleeping Beauty." utos nung isa na pakiramdam ko ang pinakabata sa kanila. Napakabata pa kasi ng mukha.

"Eh bakit ako? Ikaw nakaisip, ikaw na gumisingin dun. Alam mo naman yun kung ginigising." sagot nung isa na itinuro ng bata.

"Kaya nga sayo ko pinapagawa kasi ikaw naman ang may muscles satin."

"Anung ako? Ikaw nga tong pinakamalakas dito eh."

"Tama na nga yan. Nasa harapan kayo ng prinsesa natin, konting kahihiyan naman." ani nung kanina na nag-aasikaso sa kusina. May apron pa nga eh tsaka pinapahid pa nya dito ang basang kamay. Naghuhugas ata ng pinggan. "Pasensya ka na sa kanila ha. Do you want something to drink?"

"Ha? Nako hindi na, magbibihis naman rin ako eh. Malapit na rin kasing mag 8:30."

"Nako, oo nga. Sige, gigisingin ko muna yung sleepy-head natin." at tumakbo na pataas.

Nahagip ng paningin ko ang leader na nakatingin sa akin. Ano ba talaga problema ng isang ito? Kung makakapatay lang ang titig, siguro kanina pa ako pinaglalamayan.

Lumipas ang natitirang oras at andito na kami ngayon sa loob ng van. Sa van pa lang, parang magsisimula na ang impyerno kong pamumuhay kasama ang mga to.

Hindi ko akalaing ganito sila ka ingay. Palengke ba tingin nila sa loob ng van? Halos di na ako makagalaw sa pwesto ko na nasa may bintana dahil dito sa nagkukulitang katabi ko.

Katabi ko kasi si bungisngis habang katabi naman nya sa kabila ang bestfriend nya, yung may muscles. Besplen kasi tawagan nila.

Hindi naman matagal ang byahe namin papunta dito sa restaurant kung saan kami magdidinner kasama ang CEO. Nakarating kami about 9:05.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon