CHAPTER 90: THE MEMORY LANE

647 19 13
                                    

"A-Andito ka na. . ." muntik na kong makapagbitaw ng mura kung hindi lang dahil sa nakakailang na sabik na nakikita ko sa mga mata nya.

Act like Czera, act like Czera!

"Hi! Kamusta?" and that's the first thing I told him.

"Ah, ayos lang. Nagkwentuhan kami ng pinsan mo at tsaka nung Ren tapos nakatulog. . ." he abruptly stopped his sentence.

"Seems like it. Sasarap ng tulog nyo." I casually answered na sinabayan ko pa ng tawa to keep a normal atmosphere between us.

"Yung pinsan mo. . .gising na ba?" tanong nya pagkatapos nyang sumaglit ng tingin sa loob.

"Kanina, saglit lang. Naabutan ko syang palipat sa sleeping quarter." yung bigla talaga tayong tumatalino pagdating sa mga ganitong sitwasyon.

"Ah." pagkatapos yun na, binalot na kami ng katahimikan.

Awkward. . .

Kaya naisipan ko nang basagin ang katahimikan.

"Sasama ka?"

"Aga mo naman-"

Nagkasabay lang binalot na naman kami ng katahimikan. Langyang sitwasyon to!

Plano ko namang magpakita, but not like this.

Whatever. Let's just improvise.

"Sasama saan?" hinarap ko na sya ng maayos wishing na wala nang dadagdag na kalbaryo.

"Sa libing mamaya." makikita sa mukha nya na umaasa syang makakapunta ako. But if I come, it'll be too much of a hassle. I'll have to explain things with the guys and if Czera's there, then C will not be around. Not to mention na baka may mga media o paparazzi pang aaligid.

"Mukhang hindi eh. May pasok pa ako sa trabaho mamaya." it's the first possible reason I could think of.

"Ganun ba. Kaya pala." as if he got an answer for his question.

"Ikaw? Nakatulog ka ba ng maayos? Aga mo namang magising." paglipat ko ng usapan sa kanya.

"Ganitong oras na talaga ako nagigising." simpleng sagot nya.

Grabe, antipid naman nitong magsalita samantalang kagabi lakas makipagsabayan sa kabaliwan ni Ren. Kahit nung una naming pagkikita, ako pa yung nasabihan nyang tipid magsalita.

So, here we are, another glass of silence.

"Anong oras ka aalis?" this time sya na ang bumasag.

Mukhang ramdam din nya ang awkwardness kapag binabalot kami ng katahimikan.

"Maya-maya siguro. Pag may liwanag na." and heard an agreeing hmm.

"Ma. . .Makikita pa ba kita?" napalingon ako sa kanya.

"What-? I mean. . .makikita? Bakit naman hindi?" I awkwardly smiled.

"A-Ano kasi. . ." napahipo na naman sya sa likod ng ulo nya. Seems like it's a habit of him.

I smiled secretly.

Don't tell me nawala na yung mga pinagsasabi nito kagabi?

"Iniisip mo ba yung nasabi mo sakin noon?" medyo nagulat sya na natumbok ko yung sasabihin nya. Naisip ko kasing tulungan na lang sya sa gusto nyang sabihin total alam ko na din naman.

"N-Nasabi na pala nila. . ." bumaba yung tingin nya like he can't keep his eyes in one place.

Nope, you already told me.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon