CHAPTER 74: THE UNION OF SENSES

2.6K 84 26
                                    

Dedicated to: Jinisse

***

"Wala kang mahuhugot na signal dito. Kung hinahanap ka na sa inyo, mas mabuting umuwi ka na lang." salubong ni Qeanu sakin nang makita nyang naglalakad na ko pabalik ulit sa kanila.

"Hindi sa bahay yun. Naaksidente kasi kaibigan ko. Dun sana papunta ko ngayon kaso may biglang dumating na kelangan kong asikasuhin muna." sagot ko habang pinipilit pa ring makasend ng text kay Jin.

"Kung ganun, panu ka napadpad dito?" natigil ako sa pagiging abala ko sa phone ko at napatingin sa kanya na seryosong nakatingin din sa akin habang nag-aantay ng tira nya.

"N-Nadukutan ako. Hinabol ko hanggang dito tapos bigla na lang syang nawala sa paningin ko." pagdadahilan ko na lang.

"Tapang mo namang humabol ng mandurukot. Buti di ka na napagtripan nun." sabat ni Bidu.

"Nadukutan? Ano nadukot sayo? Nakita mo ba ang mukha?" sunud-sunod nyang tanong. This time nakakunot na ang noo nya na para bang may alam sya sa nandukot sa akin.

"Yung coin purse ko. H-Hindi ko na nakita mukha nya kasi dire-diretso na yung takbo nya." siguraduhin mo lang na di ka mahuli dyan sa pinagsasabi mo, Czera Vervain.

"Edad? Mga nasa anong edad? Medyo bata pa ba sa edad mo?" patuloy nyang pagtatanong kahit na sya na yung titira.

"O-Oo. Mukhang medyo bata nga sakin." bahala na. Sakyan mo na lang but keep it smart.

Hindi nya naipasok ang tira nyang yun kaya muli ay napaayos sya ng tayo habang hawak ang cue stick nya.

"Sigurado ka?" napalunok ako kasi mukhang seryosong-seryoso talaga sya. Natatakot ako na baka mabasa nyang gumagawa lang ako ng kwento.

"Sigurado." tipid kong sagot, keeping it safe.

"Kung mas binilisan mo lang sana. . .naabotan mo na sana sya sa bahay nila." this time, ako na naman napakunot ng noo. Tama nga ako. Mukhang may pinaghihinalaan nga sya sa gawa-gawa ko lang na snatcher.

Pinaikot nya ang lamesa para humanap ng magandang pwesto sa tira nya ngayon. Pagkatira nya ay agad na nahulog ito diretso sa butas. Pinanood ko pa sya sa susunod nyang tira pero sumablay na naman ulit ito and by then, sakin na naman sya humarap.

"Mukhang alam ko- namin. . .kung sino ang nandukot sayo at kung asan sya." halos lahat ng mga nakikinood ay nasa akin na ngayon ang atensyon habang nakita ko namang napailing si Bidu habang pinoposisyon ang sarili sa titirahin nya.

"Gusto mo bang mabawi ang coin purse mo?" napatitig lang ako ng ganun sa kanya hanggang sa iniwas nya sa akin ang tingin nya at lumingon sa bahay nila James.

"Hindi ugali ng mga nakakakilala sa kanya ang ilaglag sya sa mga pagnanakaw na ginagawa nya lalo na sa aming lubos na nakakakilala sa buong pamilya nya. Alam naming masama ang kalokohan nyang yun, pero para sa amin na alam ang buong kwento nila, kung mahuli sya, wala nang matitira sa kanila at baka pati ang ina nila ay mawala na din sa kanila."

"Noon, nabubuhay pa sila sa kinikita ng nakakatandang kapatid nya na sa kasamaang palad ay naging matalik ko ding kaibigan." naging? Nahalata kong gumagamit sya ng past tense at ayun sa pagtigil nya, mukhang hindi magandang nakaraan ito para sa kanya.

"Kung tutuusin, mas malinis pa yung perang kinikita ng nakakatandang kapatid kesa sa perang pinapantustos nya ngayon sa ina nya." and that made the puzzle complete. Tama ang hinala ko. He's talking about James' family. At kung hindi din ako nagkakamali ay mukhang si Jerome ang tinutukoy nyang nagnanakaw para mabuhay silang pamilya.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon