CHAPTER 75: THE RESCUE

2.4K 66 14
                                    

Dedicated to: HariKing1

***

Naabotan nga namin si Jerome dito sa border na tinutukoy ni Qeanu. Sa nakikita namin ngayon, mukhang may iniaabot sa kanya ang isang may katangkaran at malaking-laking katawan na lalaki. Mukhang nasa mid-20's pa naman sya. Hindi na sila nagtagal sa pag-uusap dun. Bago sumakay si Jerome sa motor ng kasama nya ay nagpalinga-linga muna sya sa paligid, maybe checking kung may nakakita o nakamasid sa kanila. Kaming dalawa naman ni Qeanu ay nakatago lamang dito sa madilim na parte ng lugar. Nakasampa pa din ako sa motor ko habang si Qeanu ay nakasandal lang sa likurang bahagi ng motor habang tinutukuran ang pinaglagyan nya ng kanyang gitara. Palihim ko syang sinusulyapan sa side mirror at mukhang anlalim ng iniisip nya kahit na nakamasid din sya kay Jerome.

Napangiti naman ako sa nakikita ko sa kanya.

"Aminin mo nga. . ." mukhang nagulat pa sya sa bigla kong pagsasalita.

"Ikaw yung nakikiusap sa lahat na wag ipahamak si Jerome, ano? You're protecting them in the shadows." napangiti naman ako sa kanya sa side mirror as he met my gaze there. Mukhang nailang pa sya kaya napaiwas din sya agad ng tingin.

"Yung binabantayan mo oh, mukhang paalis na. May pa-inglis inglis ka pa kasi dyan." nguso nya sa pwesto nila Jerome.

Napangiti na lang ulit ako dahil sa thought na sinasabi man nyang galit sya sa dati nyang kaibigan, hindi pa din nawawala yung malasakit nya para sa pamilya ni James.

Nang aakto nang paalis sila Jerome, agad kong pinaandar ulit ang motor at umangkas naman agad si Qeanu sa likod. Pagkaalis nila ay agad din akong sumunod. Tamang pagsunod at pagpapatakbo lang ginawa ko para di nila mahalata na may nakasunod sa kanila. Medyo mahaba-haba na ang tinatahak naming daan ngayon kumpara kanina. Nanatiling tahimik lang si Qeanu sa likod and if anyone of you is asking, hindi sya nakakapit sa akin kahit na minsan ay napapaharurot ko ang pagpapatakbo kung kelangang may overtake-kan na mga sasakyan.

Ilang mga liko pa ang dinaanan namin hanggang sa makarating kami sa isang subdivision na mukhang di pa masyadong napapatayuan ng mga bahay. Ang akala ko ay papasok sila rito pero lumampas pa sila sa entrance tsaka na lumiko sa palikong daan sa gilid lang ng subdivision. Sa pagsunod namin sa kanila, we found out that the road is between the subdivision and a large park. Sa daan pa lang may mga nakahilira nang mga motor at kotse, may plaka man o wala. Maririnig din ang ingay ng mga nagrerebolusyong mga sasakyan sa paligid kaya di na ko magtataka kung ano ang maaabotan namin sa dulo.

Pumarking na sila Jerome sa gitna ng dalawang motor kaya naghanap na din ako ng mapaparkingan namin. I found a space di kalayuan sa pinarkingan nila pero nasa opposite side. As we got off, nilibot ko muna ang paningin ko sa kabuuan ng paligid. I wonder who's territory this place belongs to.

Mabilis ko naman na-ispottan ang bahaging tinungo ni Jerome. Malawak ang lugar kaya nakakalat lang din ang mga naandito.

I moved forward at naramdaman ko naman ang pagsunod ni Qeanu.

"Ano ba ang lugar nato? Hindi ko yata narinig na merong ganito dito." I never expect for this place to exist. Wala akong nabalitaan na meron pa palang ganitong lugar outside of my knowledge. Not that kelangan kong alam lahat, but I do know some lowkey places but this one doesn't count.

"Natural, dahil iligal ang lugar nato. Kita mo kung ano ginawa nila sa parke? Twing umaga isa itong maaliwalas na parke, pero twing gabi naman, ito ang nangyayari. Sumusulong-sulong ka dito tapos hindi mo pala alam kung anong pinapasok mo." oo nga pala, kilala lang pala ako nito bilang ordinaryong babae.

"Kahit hindi ka mukhang ordinaryong babae, hindi pa rin kita sagot kapag may nangyaring masama sayo dito." and back at me being an ordinary girl. Though napangisi naman ako sa pahabol nya.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon