CHAPTER 7: THE REALIZATION

16.2K 381 40
                                    

Dedicated to: maariieel

***

Lumabas ako with confidence habang nakasunod naman si Ren sa likuran ko at alam ko nakangiti na naman to dahil ako ang masterpiece nya. Syempre lahat ng atensyon ay natuon sa akin, pati yung mga make up artist ay napanganga sa kahit simple lang ang ginawa ni Ren sa akin, lumabas pa rin ang tamang timpla na naayun sa pangalan ng grupo, Dark Rebels.

Iniisa isa ko ng tingin ang pitong kalalakihan na ngayo'y tapos na rin sa kanilang paghahanda upang makita ko kung ano ang magiging reaksyon nila at bawat isa sa kanila ay napalaki ng mata leaving them speechless. Kahit isa ako sa kanila, kalaban pa rin ang tingin ko sa kanila kaya hinding hindi ako magpapahuli at ipapahiya ang sarili ko.

"O-oy Jin. Mukhang mapapatalsik ka sa DR ah." tawag ni James kay Jin habang nakatingin pa rin sa akin.

"Ha? Eh... eh bakit naman? Wala naman akong ginawa ah." sagot naman ni Jin na tumalikod na mula sa akin kaya naglakad na ako papunta sa inupuan ko kanina na katabi pa rin nito si Jun.

"Eh panu naman, since kayo lang dalawa ni Czera ang may maamong mukha, expected na namin na si Czera, tulad mo, ay lalabas pa rin ang pagkaamo ng mukha kahit anong make up ang gawin sa inyo. At mukhang nagkamali ata kami kasi ngayon, nagmumukha ng rebelde si Czera tulad namin at ikaw?" narinig kong biro na may halong tawa ni James na syang itinawa naman ng lahat. Ewan ko lang kung tumatawa din si Jin kasi di ko makita ang mukha nya.

"Palagi talaga nila kinakawawa si Jin." napalingon naman ako ng magsalita si Jun and found him staring at me with a devilish smile.

What's with this kid? Kaya ba tinawag syang Golden Devil dahil sa way ng pagngiti nya?

Pinilit kong tingnan si Jin mula sa reflection ng salamin. Ang amo nga ng mukha nya. Mukhang mas bata pa ang mukha ni Jin kesa dito sa pinakabata ng grupo.

Nakita ata ni Jin na nakatingin ako sa kanya mula sa salamin, he smiled at me at parang naramdaman kong malalaglag ang puso ko sa ngiting yun. Not the romantic way of course. More like, pag may nakita kang tuta na pinabayaan lang? Yun yung nararamdaman ko.

"See that?" napabalik ang tingin ko kay Jun na ngayoy nakangiti na rin sa harap ng salamin. "Alam ko kung anong nararamdaman mo. It's his charisma working on you. Kaya naging visual yan kasi isang ngiti nya lang makukuha na nya ang puso ng mga kababaehan. Not to mention pag si Cas nagsusungit, biglang maglalaho yan pag kakausapin na ni Jin. At hindi lang yun, kahit sino sa amin pag nalulungkot, sya ang takbuhan. Yeah, he really act like a mother kaya kampanti kaming lahat sa kanya kaya sya ang paboritong asarin ng lahat kasi hindi rin sya lumalaban sa amin, instead he'll just gave us a smile at magpatuloy sa kung ano man ang ginagawa nya. More like, sa kanya kami umaasa lahat. Although si Aron ay malaki din ang sense of responsibility, pero magkaiba sila ng capacity. Si Aron kasi yung responsibility nya ay hanggang sa trabaho lang namin habang si Jin naman, mula kalusugan papuntang trabaho and all the way through... that's his capacity."

"Ok guys, stand by na kayo dito. Any minute now, tatawagin na kayo." tawag samin ng organizer.

Nauna ng tumayo si Jun sa akin living me doing one last glance sa mukha ni Jin. Nakaramdam na kasi ako ng awa sa kanya but then di ko ma-dedeny na humahanga din ako sa taas ng pasensya nya. Wala kasi ako nun eh.

Tumayo na rin ako at sumunod sa kanila. Sinabihan akong mamaya na daw ako lumabas pag tinawag na ako ng DR kaya naghintay ako dito sa backstage habang every minute ay pinupunasan at nireretouch ako ni Ren. I told him na ako na lang but he insist kasi baka makatulog sya sa pagkabagot. Isa din kasi tong maliit ang pasensya.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon