CHAPTER 50: THE ORIGIN OF FEAR

10K 263 49
                                    

Dedicated to: AnnejoyCarriedo

***

"Czera?"

Well, I almost lost consciousness there. Pero ng marinig ko ang boses ni Jin ay naimulat ko pa ang mga mata ko kasabay ng pagkirot sa bandang gilid ng noo ko.

"Oh, thank God you're okay." una kong nakita ang nag-aalalang mukha ni Jin.

Hinawakan ko ang parteng kumikirot and felt a sticky liquid. Nang tingnan ko ito ay halos masakop ang hinglalaki at palasingsingan ko ng pulang likido mula sa sugat sa itaas ng aking kilay.

Naririnig ko pa rin ang mga sigaw ni Soul and this time, pati ang mga boses nina Aron, Hope at Vein na pinapakalma si Soul. Nagising ang diwa ko at nakalimutan ko ang sakit ng ulo ko ng maisip ko ang nangyayari kay Soul.

Tumayo ako at tinulungan naman ako ni Jin. Umiikot pa rin ang pananaw ko.

"Ilayo nyo sya akin. Papatayin nya ako!" turo ni Soul sa akin.

Hindi na ako nakaimik. Parang nadurog yung puso ko.

Bakit? Ganun ba kasama ang panaginip nya at hindi na nya ako nakikilala? Gusto kong isigaw ng paulit-ulit yung pangalan ko para makilala nya ako pero yung mga tingin nyang tagos kaluluwa ko. Yung parang mamamatay tao talaga ang tingin nya sa akin.

"Jin, ilabas mo muna si Czera dito. Gamutin mo na rin yang nagdudugong ulo nya." utos ni Aron na agad namang sinunod ni Jin habang patuloy pa rin silang tatlo sa pagpapakalma kay Soul.

Hindi na ako pumalag pa ng dahan-dahan akong hilahin ni Jin palabas ng kwarto. Nakapako lang ang mga tingin ko kay Soul habang papalabas ng kwarto. Punong-puno ng takot at galit ang mga mata nya. I wonder if that same angry eyes will be the same eyes he will gaze upon me when he knows the truth behind me.

Dinala ako ni Jin sa sala at pinaupo sa sofa.

"Kukuha muna ako ng first aid, princess ha, dito ka lang." tas naglakad na sya papunta sa banyo.

Hindi pa rin ako makaimik. Iniisip ko pa rin si Soul. Ang sakit. Ang sakit-sakit. He's totally the different Soul I've known. Yung Soul na kilala ko kasi is cool but maintains his humorous side. But that Soul? I don't know who he is.

"Princess?" halos di ko na namalayan ang pagbabalik ni Jin na may dala ng first aid kit.

"Jin." tanging nasagot ko na lang.

Ngumiti si Jin sa akin at sinimulan na ang paglalagay ng betadine sa mabilog na bulak.

Tiningnan muna nya ako bago nya sinimulan ang paglilinis ng sugat ko.

"Princess, I know it's your first time seeing Soul like that. So, maybe you can tell me what happened before he broke down so I can explain it to you?" broke down? Jin's talking like it happened before this.

"I... I've been taking care of him for the rest of the hours para lang bumaba yung lagnat nya. Around 4am, bumaba ang lagnat nya by 38.5 kaya naisipan kong umidlip muna for 15 minutes. Pero di ko inaasahang yung 15 minutes ko eh umabot ng oras. Well, yun napaidlip lang ako sa gilid nya at nagising lang ako nung marinig kong binabangungot sya so I woke him up. Pero nung nagising sya, nagsisigaw na sya ng ganun and I was trying to convince him that it's just all a dream. I never expect him to... you know, hit me by a lamp shade." paliwanag ko.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon