CHAPTER 9: THE REUNION

15.3K 385 21
                                    

Dedicated to: ailalaine

Check out her stories esp My Spoiled Brat Wife :)

***

THIRD PERSON POV

"Hope?" sabay tawa ni Czera pagkatapos ikwento ni Hope ang nakaraan nya. "Eh bakit naman Hope? Ang layo sa Jonnie."

"I want to remind myself everyday na palaging may pag-asa at dapat hindi ako mawalan nito kahit anong mangyari." at ngumiti ito sa kanya.

"Patay." biglang bulalas ni Czera habang nakatingin sa wristwatch nya.

"Ha?"

"Masyado yata tayong natagalan dito. Mag-aalas otso na at kelangan ko pang magluto. Ah! Miss? Bill po." sigaw nya na nailingon ng mga taong kararating lang.

Napatawa na lang si Hope sa sarili nya at napaisip sa pagiging kakaibang klaseng babae ni Czera. Sa tingin nya sinalo ng babaeng ito ang lahat na kakapalan sa mundo.

Inaamin nyang humahanga din sya sa babaeng ito. Hindi sa kakayahan kundi sa pagiging malayang babae dahil nasasabi nito kung anong gusto nyang sabihin na para bang hindi nya hinahayaang maunahan sya ng kahit ano at sino.

Sa mga buwang nakasama at nakulitan nila si Czera, unti-unti na rin nila nakakasabayan ito at minsan hindi nya mapigilang tingnan ang bawat anggulo ni Czera. This is the first time na may kasama syang babae ng matagalan and Czera is the first girl. Oo, may pagka-chick boy nga sya, pero hanggang pang-aakit lang sya ng mga babae to the point na hindi naman sya sumasama sa mga ito.

"Hoy Jonnie!" naputol ang iniisip ni Hope ng tawagin sya ni Czera sa tunay nyang pangalan.

"H-ha?" saka tiningnan ang waitress na nakatingin sa kanya.

"Bayad." rinig nyang sinabi ni Czera.

"Ah! Oo nga, sorry." sabay harap dun sa waitress.

Ngumiti ito at tinanggap ang bill slip at bumayad ng exact amount sabay hawak sa kamay ng waitress at hinalikan ito.

"I hope you can also serve my heart with the sweetness of your love." sabi nito sanhi upang magblush yung waitress sabay alis.

Napataas na lang ng kilay si Czera sa scenario at agad naman nitong binawi ang tingin nya kay Hope ng lumingon ito sa kanya.

Medyo naging awkward ang pakiramdam ni Czera kaya kinuha nya na lang yung mga plastic bags sa ilalim ng mesa at gayun din ang ginawa ni Hope ng sabay nilang mahawakan ang isang plastik.

Naramdaman ni Hope na malamig ang kamay ni Czera but at the same time ay malambot. Napaisip na lang si Hope na mahilig magluto si Czera kaya pano nya napapanatiling malambot ang kamay niya? Parang gusto nya itong hawakan ng matagal pero biglang kinuha ni Czera ang kamay nya kay Hope at nauna ng tumayo.

Kinuha naman agad ni Hope yung plastik na naiwan at sumunod na palabas. Bigla tuloy nakaramdam ng hiya si Hope. Pakiramdam nya kasi hindi yun nagustuhan ni Czera.

Si Czera naman ay dali daling naglalakad at hindi alam kung san banda ang parking lot basta lang makalakad sya upang mawala ang guiltiness nya. Nagiguilty kasi sya ng nahawakan ni Hope ang kamay nya at may naramdaman syang hindi tama.

Sa kabilang banda, nahalata naman ni Hope na ibang direksyon ang tinatahak ni Czera kaya tinawag nya ito.

"Czera!"

Pero nagbingi bingihan lang ang huli. Ayaw ni Hope na magka-ilangan sila ng dahil lang sa maliit na pangyayaring yun kaya susubukan nyang maging casual as always.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon