CHAPTER 39: THE CLOSURE

11.3K 278 33
                                    

Dedicated to: Jimichin_1315

***

Andito kami ni Jun sa cafeteria at katatapos ko lang magkwento tungkol sa pagkamatay ni Blake. Kinuwento ko sa kanya na hindi talaga si Misha ang pumatay kay Blake kundi isang mafia na hindi makilala ni Misha dahil sa bilis ng pangyayari. At dahil hindi naman kelangan ng mafia na yun ang Skulls Pit, ay pinabayaan na lang ito kaya napagkamalang si Misha ang pumatay kay Blake dahil sya ang nakitang andun. Walang krimen sa mundo ng underground kaya sa halip na makulong si Misha sa salang murder, ay natanggap pa nya mismo ang karangalan na maging may-ari ng isang underground place.

Ang galing kong gumawa ng kwento. Pwedi na akong maging author na rin sa wattpad, makagawa nga ng account.

Ayokong malaman ni Jun na si Knight Rider ang pumatay at baka pati sya ay magduda kung sino si Knight Rider cause honestly, natatakot ako. Natatakot akong malaman ang tunay nyang pagkatao at hindi ko rin maipaliwanag kung bakit. Hindi naman nagduda si Jun sa kinuwento ko. But he knew na kahit wala na ang Demonteverde sa listahan, marami pa ring mga Elite ang gustong maging una sa listahan. For him, nabawasan lang ang threat sa buhay nya but there are still lots of threats out there kaya kelangan pa rin nyang mag-ingat.

Hindi ko rin ipinaalam sa kanya ang tungkol sa pagkatao ni Bryne a.k.a Ranchee of Kuro Tenshi. Baka mag-alburuto ang batang to pag magkita sila. Kuro Tenshi is the sworn enemy of Dark Rebels, grabe umeffort ang mga to para malampasan lang ang DR, that's why doble kayud din ang ginagawa namin para manatili kami sa itaas. Isa pa, ayoko ng magkwento further. Baka lumabas pa sa bibig ko na alam nya ang mga pagkatao ko lalo na ang Queen. Pero naguguluhan pa rin ako kung paano nya ako nakilala, both C and Queen in Czera's body. Unless, he's really the Knight Rider.

"Hi Czera." sabay kaming napatingala ni Jun ng may katawan ng lalaki ang sumulpot sa aming harapan. And there, Bryne stood.

"Anong kelangan mo?" astig din to si Jun eh. Ako kelangan ng tao, sya pa tong nagtanong.

Sumulyap saglit si Bryne kay Jun pagkatapos ay binalik sa akin.

"Anong oras matatapos ang last subject mo?" tanong nya sakin.

"Alas kwatro ng hapon, bakit?" balik-tanong ko.

"Good. Gusto ko kasing pag-usapan yung song na napili ko for the event." napataas ako ng kilay.

May napili na syang kanta? Sya lang? Ni hindi nya sinabi sa akin na pipili na sya? Makikipag-usap na sya sa akin dahil nakapili na sya? The nerve. Pinapangunahan nya ako!

"Hihintayin kita sa labas ng classroom nyo, 'kay? Sabay na tayo sa dance studio. See you later then, C." kumindat pa sya bago umalis.

"C? Does he know you're C?" ay ang g***go naman ng-

"No? Baka natawag nya lang ako nun dahil C yung first letter ng name ko. You know, like those black american guys?" palusot ko na lang. Ewan ko kung nananadya ba ang lalaking yun o sadyang g***go lang talaga sya.

"Sasama ako." napatingin ako sa kanya.

"Sasama saan?" tanong ko habang nililigpit yung kinain namin. Clean as you go kasi.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon