CHAPTER 21: THE LEADER

10.2K 333 21
                                    

Dedicated to: cutiepix_cess08

***

HOPE POV

"Willing akong magbayad any amount just to hire Dark Rebels to perform a surprise performance in my girlfriend's party two weeks from now. Fangirl nyo sya kasi. Lahat na mga lugar kung saan kayo nagpeperform at nag-geguestings palagi syang present dun." ang sweet naman nyang boyfriend.

Gawin ko rin kaya yun kay Czera sa birthday nya? Ang surpresahin sya.

Nahagip ng mga mata ko sina Czera at Aron sa may hagdan na nakatayo. Nakapako ang tingin ni Aron kay Czera habang diretso ang tingin ni Czera sa amin. Nang bumaba ang paningin ko sa mga kamay nila, napakunot-noo ako. Bakit nakahawak ang kamay ni Aron sa kamay ni Czera? At anong ibig sabihin ng mga tingin ni Aron kay Czera?

"Aron!" hindi ko alam kung bakit bigla kong tinawag si Aron.

Wala naman sana yun sa plano ko.

Sa pagtawag ko sa kanya, napalingon na rin ang iba sa kanila at agad namang hinatak ni Aron si Czera to join us.

"Ang kulit kasi kaya pinagbigyan ko na." sabi ni Aron ng nakalapit na sila sa amin.

"So ano tong tungkol sa party ng girlfriend mo?" tanong ni Aron kay Landon pero nakatingin si Landon kay Czera na nakatingin din sa kanya.

Nang mahalata ni Aron na hindi sa kanya nakatingin si Landon, agad nyang hinila si Czera palikod, "Kinakausap kita kaya sa akin ka tumingin."

"Ha? Ah, yun nga. I'm asking for your performance in the party." sagot ni Landon na diretso ng nakatingin kay Aron.

"Vein paupuin mo si C dyan." utos nya kay Vein na katabi ko habang di tinatanggal ang tingin kay Landon.

"Ha? Eh upuan ko to eh. Ayun oh sa tabi ni James walang may nakaupo." reklamo ni Vein.

Single chair lang kasi ang upuan dito sa ground floor na nakapalibot sa isang mahabang rectangular glass table..

Tinanggal ni Aron ang tingin nya kay Landon at binigyan si Vein ng nakakamatay na tingin.

"Sabi ko nga lilipat ako." tsaka tumayo si Vein mula sa tabi ko at lumipat sa tabi ni James.

"Mahal ang bayad sa amin. Alam mo naman siguro ang estado namin." ano bang nangyayari sa Aron nato at ang sungit ngayon?

Or shall I say na may nangyari sa pagitan ng dalawang to at kay Czera kaya napakabigat ng atmosphere sa kanilang tatlo. May hindi ba kami nalalaman?

Lumilipad din kasi ang isipan ni Czera kahit nakaupo lang sya sa tabi ko. She's not her usual self na kung hindi mambara eh umi-epal sa usapan.

"Kagaya ng sinabi ko, I am willing to pay any amount." nabalik ako sa usapang nagaganap sa harapan namin.

"One hundred million." lahat siguro kami ay lumaki ang mga mata sa sinabi ni Aron na pati si Czera ay napanganga.

"Aron! Ano ka ba? Hindi naniningil ng ganyan kalaki ang kompanya. Landon-"

"Pinasali nyo ako sa usapang ito dahil ako ang leader di ba? Kaya pabayaan mo ako." pinutol ni Aron ang sasabihin ni Cas kay Landon.

Makikita ring nainis si Cas sa asal ni Aron ngunit agad din itong napalitan ng nagtatakang mukha ng ngumiti si Aron.

Pati din siguro kami ay nagtaka din. Kelan ba naging bipolar si Aron? Panu kung nababaliw na pala leader namin? Oh nos.

"Just kidding. I'm sorry for being rude. So, two hundred forty thousand, deal?" ano ba talaga tumatakbo sa utak ng bipolar nato?

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon