CHAPTER 56: THE TURNING POINT

8.3K 237 62
                                    

Dedicated to: lostmxknaeee

***

THIRD PERSON POV

Nilapitan ni Jin ang lalaking mukhang ang lider nila. Ngumisi ang lalaki sa kanya as he tilt his head to his side.

"Ganda ng sasakyan natin ah." saad nung lider.

"Ah, yan ba? Hindi ko pagmamay-ari ang sasakyang yan. Pero nakakaabala ba kami sa inyo?" mahinahong tanong ni Jin.

"Sa totoo... oo. Alam mo kasi, ang daan nato ay teritoryo namin. Ng aming reyna. Kilala mo ba sya? Ha? Ang Road Queen?" habang pinapanuod sila ni Czera mula sa loob ng sasakyan, hinahanap na nya ang simbolo ng mga riders na ito para makilala nya kung aling organisasyon ba sila nabibilang.

"Pasensya na, hindi ko alam na teritoryo nyo pala ang daan nato. Nakikiraan lang ako dahil dito ang daan pauwi ko." pagkatapos sabihin ito ni Jin ay inakbayan lang sya nung lider.

"Kahit anong bagay ang pumasok sa teritoryo namin, ay amin na. Naiintindihan mo ba?" di na nakapagsalita si Jin at nauubos na ang pasensya ni Czera sa loob ng sasakyan dahil ni isang salita ay wala syang marinig kaya wala syang kaalam-alam sa pinag-uusapan nila sa labas. Masama kutob nya sa nangyayari.

"Naiintindihan ko." kalmadong sagot ni Jin.

The guy smirk at napunta ang tingin nya sa pwesto ni Czera sa loob ng sasakyan. He tilted his head again at sinundan ni Jin kung saan sya nakatingin. Biglang kinabahan si Jin dahil alam nyang gagamitin nila si Czera habang si Czera naman ay nagconcentrate sa mukha ng lalaki. She somehow recognizes him pero di nya alam kung saan nya to nakita.

"May chix ka pala?" tanong ng lalaki sa kanya.

"Wag mo na syang idamay."

"Wag idamay? Nasa loob sya ng teritoryo namin kaya damay pa rin sya. Sige, ganito na lang. Ibibigay mo ba yung sasakyan? O sya na lang?" nanatiling kalmado si Jin habang nakita na ni Czera yung simbolong hinahanap nya. Rainbow Unicorn.

A group of Riders who looked up the Road Queen. Tinatawag nila ang kanilang mga sarili na mga karwahe ng reyna. Sa madaling salita, mga hopeless fanboys ng Queen. The Queen doesn't even recognize them as her official "fan club" riders. No, ni hindi sila kilala ng Queen. Rinig-rinig nya lang ang tungkol sa mga die-hard riders nya pero ni isa ay hindi nya nakilala ang mga to. She only knew their group name but not who they are. Eh di nga nya naalalang naging teritoryo nya ang daan nato.

"Ano na? Gandang lalaki mo pa naman, sayang kung mabubugbog lang yang makinis mong mukha." tumawa ng mahina si Jin.

"Salamat, pero hindi ko hiniling ang pagkakaroon ng magandang mukha. Biyaya ang tawag ko dito." medyo nainis ang lider sa isinagot ni Jin kaya tinawag nya yung mga nasasakopan nya.

"Kunin nyo yung babae sa loob." utos nya.

Mas lalong kinabahan si Jin kaya sinubukan nyang kumawala sa mahigpit na pagkakaakbay nung lider, pero hindi sya nagtagumpay.

"Op! Dito ka lang, pre."

CZERA POV

This is not good. Bigla na lang kasi kumilos yung mga galamay nung lalaki at papunta dito sa akin. Si Jin naman, halatang pinipigilan sya nung lider-lideran nila. I need to help him. Pero kelangan ko munang pakainin tong mga minions nya.

Mga apat na mga lalaki ang palapit na sa pintuan ng passenger's seat. I have to think quick bago pa nila ako matrap dito.

Dahan-dahan kong tinanggal yung seatbelt para di nila makitang gumagalaw ako sa loob at mahigpit na hinawakan ang handle ng pinto. I'm sorry bebe ko, pero kelangang may gawin ako.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon