CHAPTER 55: THE SCENERY

9.3K 283 76
                                    

Dedicated to: jhenellamansanades

***

Pagkatapos ng nangyari, nakatulog na lang basta si Vein habang nakadagan pa rin sa akin. At ako? Nakatulala sa kisame.

Kinuha nina James, Jun at Aron si Vein mula sa akin at pinagtulungan nila dalhin si Vein pataas. Naisip ko na lang na buti't nagkasundo na rin sina Jun at Aron. Habang ako naman ay tinulungang makatayo nina Jin at Hope. They checked me if I'm okay and answered them with a nod. Parang di kasi ako makapaniwala na nangyari yun. Though Vein's not my first kiss, neither do Landon and Bryne, pero parang... ang bilis lang ng pangyayari. I mean, when I kissed Landon that night, I felt like finally I am letting go of everything. And with Bryne, I was shocked. But not as shock as awhile ago na halos tumigil ang paligid ko at di ko na maramdaman yung katawan ko.

So here I am on my bed with Soul deeply asleep on his bed. Di ako makatulog at halos nakasilip na si haring araw. Though napagkasunduan namin na by lunch time na kami uuwi, kelangan ko pa rin ng tamang tulog kung hindi, lutang ako nito mamaya.

Kinuha ko yung phone ko sa tabi ng unan ko and put the earphones on. At pag minamalas nga naman, ang una pa talagang tumugtog ay yung kantang kinanta namin kanina. Pero hindi ko alam kung bakit di ko pinalitan. I listened to it at umikot na naman ang isip ko sa lahat ng mga nangyari kanina. I've been smiling every minute at nagpatuloy yun hanggang tuluyan na akong makatulog.

A cold hand was holding mine. Hanggang sa naramdaman kong inaangat ito papunta sa isang malamig na labi. I open my eyes but only see darkness. Nanaginip ba ako? Bakit wala akong makita? Sigurado naman akong binuksan ko yung mga mata ko, pero bakit andilim?

"I promised to look after you pero hindi ko nagawa. Now you've lost something so important. Kung naging maaga lang sana ako sa pagsunod sayo, hindi to mangyayari. Kung naging maagap lang sana ako." anong pinagsasabi ng lalaking to? At sino ba to? Boset, baka minamanyak na ako nito. Pero teka lang, hindi eh. Yung boses nya... punong-puno ng sakit.

At parang sinisisi nya ang sarili nya sa nangyari sa akin. Ano bang nangyari sa akin?

"Kahit mawala na ang lahat sa akin, just not the things that leads you to your happiness. I'll give you everything I have, just to see you moving with your life with just how it is. I want to see you ride and race, but you need this more than I am. To know that you'll keep riding is enough for me." ano ba talaga nangyayari? Nanaginip lang ata ako. Tulog pa rin ba ako? Pero bakit may naririnig akong boses ng lalaki? And somehow it sounds familiar. Gusto ko syang makita.

Kahit anong pilit kong dumilat, kadiliman pa rin ang nakikita ko. Panu naman ako didilat kung alam kong nakadilat na ako kanina pa. Pero bakit wala akong makita? At bakit parang may nararamdaman akong tubig sa aking mga mata at the same time ay sobrang sakit nito? Gusto kong kusutin ang mga mata ko pero di ko maigalaw yung mga kamay ko. Why am I crying? Why is it I'm feeling so much pain in my eyes?

I need to wake up before this dream makes me crazy.

"Excuse po, sir." ngayon, babaeng boses na naman. Ano to? Kwento gamit pandinig?

Naramdaman kong gumalaw yung lalaking nakahawak pa rin sa kamay ko.

"Pwesto na po kayo dito. Papunta na si doc." doc? Pangalan ba yun? Sino si Doc? Doc ni Snow White? Snow White and the Seven Dwarf ba ang panaginip ko?

Narinig ko yung lalaki na nagbuntong hininga at ang pagsarado ng pinto.

Then a lips lock on mine.

Teka, hindi panaginip to. T-This is... this is a memory. My first kiss with an unknown guy.

Bago pa man gumalaw yung utak ko, nawala na yung labi sa labi ko, at ang kamay na nakahawak sa kamay ko. The next thing I heard are rattles of steels. Sinubukan kong hanapin yung lalaki, pero panu ko sya mahahanap kung ni konting liwanag ay wala akong makita?

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon