CHAPTER 10: THE CONFESSION

12.9K 351 27
                                    

Dedicated to: keziambiguous

***

Everything has been a mess. Dahil sa sinabi ni mama nakatanggap sya ng mga boos mula sa mga manonood since 98% ay mga fans namin. They took it as a discrimination towards our group.

Sa ngayon tahimik ang lahat dito sa loob ng city hall.

"Where are you going?" narinig kong tanong ni Aron kay Czera ng lumabas ito.

Wala namang humabol sa kanya kaya balik tahimik ang lugar.

"Di ako makapaniwala na nagawa yun ni Czera. Mga babae talaga nakakatakot." binasag na ni Soul ang katahimikan.

"Akalain mo yun natalo pa nya ang isang judge?" dagdag ni James.

"Hindi lang yun. Isang ebidensya na napaka-rare sa isang judge ang malaglag ang wallet ang nakuha nya." si Jin.

"Nalaglag? Hindi yun nalaglag." napatingin kaming lahat kay Cas na malalim ang iniisip.

"Hindi ba't sinabi nya kanina na nakita nya sa sahig yung wallet?" tanong ko.

"Kinuha nya yun. Such a slick move I say." sagot ni Cas.

"Panu nya nakuha?" pagtataka ni Aron. Magkasalubong ang kilay nito.

Alam naming hindi sya sang-ayon sa pagpasok ni Czera sa DR but as a leader, kelangan nya pa ring manatiling compose. At dahil sa misteryong pangyayari ngayon with Czera, mukhang naging interesado syang malaman ang isang ito.

Hindi rin naman namin sya masisisi dahil hindi naman talaga namin alam ang nakaraan ni Czera. Kung ano ang naging buhay nya before coming here. Ang tanging alam lang namin ay angat sila sa buhay and her college life.

"Naalala nyo yung nagkabanggaan sila kanina?" napatingin si Cas samin pero seryoso pa rin ang mukha nito. Nagkatinginan kami sa isa't-isa.

"You mean, dun nya nakuha?" pagkamangha ko.

"Yes. I saw it with my eyes perfectly at hindi nagkakamali ang mga mata ko. The moment na nabangga nya si Judge ay agad namang pumasok ang kamay nya sa blazer nito and I saw it. She saw me too na nakatingin sa kanya kaya sa akin nya pinagkatiwala ang wallet na yun. Damn, that girl. Mukhang marami pa tayong hindi nalalaman tungkol sa kanya."

Tama. Masyado kaming naging abala sa kung anong nakikita namin kay Czera na hindi na namin nalaman ang storya nya.

Naisipan kong sundan sya upang itanong ang tungkol dito kaya nagmadali akong lumabas at hinanap sya.

Nakita ko syang naglalakad dito sa ground floor na paliko na sana.

"C!" tawag ko sa kanya at agad naman syang lumingon sa akin at patakbo ako papunta sa kanya.

Ngunit napatigil ako di kalayuan sa kanya dahil bumungad si mama sa kabilang side na tumigil rin ng makita ako.

"Ma." ang tanging nabigkas ko.

Lumingon naman si Czera sa kabila nya at nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha nya ng makita si mama.

"I don't think I still have business with you." napakalamig pa rin ng boses nya.

"Bakit? Sa inyo po ba ang city hall nato? Kung naghahanap lang yung tao ng cr may business sa inyo agad? Bongga nyo namang mag-isip. Hindi ma-bang-bang." nagulat ako sa inasal ni Czera kaya nilapitan ko sya at hihilahin na sana ng magsalita si mama na mukhang pati ako ay mawawalan na rin ng respeto sa kanya.

"Kaya nga ayoko ko sa mga katulad ninyo. Pag sumikat na, lumalaki ang ulo. Alam ba ito ng mga taga-hanga nyo? Hindi ko alam kung ano ang nakikita nila sa inyo kung gayuy puro lang naman kayo pasikat. You cannot even call yourselves professionals."

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon