CHAPTER 73: THE BROTHER

1.8K 53 16
                                    

Dedicated to: juanabiii_

***

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko pagkabagsak ko sa sofa namin dito sa sala. Inunat ko ang magkabilaang braso ko sa sandalan at itinangala ang ulo sa kisame tsaka nag-isip na naman ng malalim.

Paano ko ba haharapin si James mamaya?

"Hi, James. Kamusta na pakiramdam mo?" sa tingin mo magiging mabuti ang pakiramdam nya kung malalaman nyang time out muna sya sa pagsasayaw?

"Eh kasi yung estado ng kalusugan nya naman ang kakamustahin ko." buhay nya ang pagsasayaw. Sa tingin mo ba ang buhay at kalusugan ay magkalayo sa isa't-isa?

"Okay, okay. Sige ibahin ko na lang. Simplehan natin. Panu kung, 'Hey' na lang?" tapos ano? With matching ngiti? Te, ano sa tingin mo ginawa mo? You were desperate to run after someone he didn't knew you know.

T*ngenang utak to. Andaming reklamo eh ang iniisip ko pa nga ay kung paano ang magiging approach ko kapag magkita na kami. Tapos bigla pang sumagi sa isip ko kung paano ko sya niyakap na half naked habang walang malay.

Wala ba talaga syang malay nun? What if na meron pala? What if na nakapikit lang pala sya nun pero nararamdaman nya pala ang nangyayari sa paligid nya? Could it be possible na maalala nya yun? Pero hindi na maganda kalagayan nya nun, magkakalakas pa kaya sya to stay conscious? Sana lang talaga na tulog na sya nun. Naiilang kasi akong isipin na hinubaran ko sya at niyakap kahit na malaking tulong naman daw ang nagawa kong yun sa kanya. Pakiramdam ko umiinit ang pisngi ko at tenga kapag naaalala ko yun ano pa kaya kung aware pala sya nun.

I don't know how deep my thoughts got nang mabalik ako sa ulira dahil sa biglang pagbukas ng pinto at iniluwal nito ang mukhang fresh na fresh ko pa ring beshy kahit na mukhang andami nyang pinamili dahil sa bigat ng mga dala nya.

"Anak ka ng bakla!" gulat nyang sambit pagkakita nya sa akin.

Tinaasan ko naman sya ng kilay.

"Wala ka talagang utang na loob. Inampon ka na at lahat, tatawagin mo pang bakla ang nagpalaki at nagpakain sayo." biro ko na tumutukoy kay papa.

"Bakit kasi susulput-sulpot ka dito na walang pasabi?" balik nya habang isa-isang inilalapag ang mga pinamili nya sa center table.

"Kelangan ko na pala ngayon magpaalam na uuwi ako sa sarili kong pamamahay?" sarkastiko kong tanong sa kanya.

"Hindi naman. Pero sana naman magsabi ka para naman di ka nanggugulat ng tao." nakapamewang na syang humarap sa akin.

"Tao ka ba?" walang emosyon kong tanong.

Napakunot naman sya ng noo.

"What?" painosente kong tanong ulit.

"What's with you? Why are you being such a sarcastic b*tch?" di na ko sumagot at itinuon na lang sa kabilang dako ang paningin ko sabay buntong hininga.

"Patambay na muna. Nakakaubos ng oxygen ang pitong yun kapag nasa paligid ko sila." sabay kunyare masahe sa bandang dibdib ko.

Umupo sya sa tabi ko kaya hinarap ko sya. Inuupuan nya ang isang binti nya sa sofa at nakaharap sakin na may pag-aalala sa mukha. Umayos naman ako ng pagkakaupo pero nakasandal pa rin ang likod ko, ibinaba ko lang ang braso ko mula sa sandalan.

"May nangyari na naman ba? May ginawa na naman ba si Vein?" nag-aalalang tanong nya na nakakunot noo pa din. Naikwento ko na kasi sa kanya ang tungkol sa inaasta ni Vein sa akin. Hindi din nya nagustuhan pero pinaintindi ko na lang sa kanya.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon