CHAPTER 28: THE CRIME

11.8K 307 29
                                    

Dedicated to: binibiningcyrina

***

Sakay ng taxi ay natatanaw na namin ni Ren ang nangyayari sa paligid ng dorm. Umpukan ng mga pulis, media at mga residente.

Pumara si Ren at bumaba kami sa isang for sale na bahay na di kalayuan sa dorm.

"Bakit dito tayo bumaba? We need to go there." I was about to take a stride papunta sa dorm ng pinigilan ako ni Ren sa braso.

"Sandali lang Presco. Baka nakakalimutan mo, si Czera ka ngayon at hindi si C. Alam mo ba ang mangyayari kung susulpot ka ngayon na ganyan ka? Sa dami ng mga pulis na yun, hindi ka agad makakapasok dahil isa ka lang ordinaryong college student na ano? Nakikiusyoso din katulad ng iba na andun. And not just that, may mga media din dun. Gusto mo bang lumabas sa tabloid bukas na bukas din kung ano ang relasyon ng isang babaeng katulad mo sa DR? And what? Magiging laman ka ng mga chikahan dun sa university." mahabang paliwanag ni Ren.

"Pero kasi eh. Hindi ko alam ang nangyayari dun. What if kung ako pala ang habol ng gumawa ng kung ano mang ginawa sa dorm? Ayaw kong madamay sila Ren. Kung kelan sumalungat na ako sa kagustuhan ni Penly dun pa may mangyayaring masama?" alam kong nararamdaman ni Ren ang panic ko kaya niyakap nya ako.

"Hey, walang masamang mangyayari okay? Hindi naman kita pinagbabawalan na pumunta dun eh. I'm just trying to remind you para iwas gulo. And also, don't worry about that. Wala namang nakakaalam sa tunay mong pagkatao eh. Not C at mas lalong hindi ang nakaraang ikaw. Well, maybe Landon knew your C, but he can't do anything like this." as he said those warm words to me, kumalas sya sa pagkakayakap sa akin at ngumiti.

"Halika, let's do a mabilisang make over." sabay kindat sa akin ni baklang dinosaur.

Sa isang puno sa tabi ng daan ay dali-dali nya akong inayusan. Sya nga di ba make up artist ko? Kaya san man sya mapunta ay palagi nyang dala-dala ang kit nya just in case na may mangyaring ganito.

Ginawa nyang messy bun ang buhok ko tapos nilagyan nya ako ng light pink matte lipstick with lip gloss, konting eye liner at hindi dapat pweding kalimutan ang kulay ng aking mga mata na kulay ng timberwolf na syang nakilala na sa akin ng aking mga fans.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon