CHAPTER 80: THE BURIED AND THE RISEN

903 35 3
                                    

Dedicated to: euphoriaaisthetes

***

"CUT!!!!" I was stopped when I was about to deliver my script.


Nilingon ko si direk na kasalukuyang nakasandal na ulit sa inuupuan nya habang nakahawak sa baba nya. Base din sa biglang pagbagsak ng balikat nya ay mukhang may malalim itong iniisip.

"We can't keep this rolling. Can we take a break?" anunsyo nya at sumunod naman ang lahat.

"Ten minutes!" pahabol ng assistant director.

Nakaramdam ako na parang may nakatingin sa akin kaya nilingon ko ang ka-eksena ko na nakapako na nga ang mga mata sa akin at parang sinusubukan akong basahin.

"What?" tanong ko na lang para mapansin naman nyang nakatitig na din ako sakanya.

"You're not your usual self. Get it together." sabay abot sakin ng tuwalya since I'm showing a lot of wet skin on a chilly twilight air.

Tinanggap ko naman at tinakip sa likod ko hanggang sa harap. After that ay umalis na sya. Well, if he doesn't want my thanks, then fine.

"Ranchee's right. . ." napabalikwas ako sa likuran ko nang marinig ko ang boses ni direk.

"Direk. . ." ngumiti sya as a respond tsaka huminto enough for a professional conversation space.

"You know. . .I never told you this before, seeing how you already handled your work professionally even for a first timer in this line of the field. And now, we're this close on finishing the project." pakita nya kung ganu kaliit gamit ang daliri nya.

"And yet, ngayon ka pa nadistract ng ganito. You're not the only one who's tired right now, C. So let's work together to finish this quickly. Whatever you're thinking that causes you this distraction, set it aside until we're done for today, okay? I know you can do it." as he gave me a quick pat on my arm.

I nodded and gave him a small smile, "Thanks and. . .sorry for the inconvenience."

"Alright. I believe in you." huli nyang sinabi before he excused himself.

"It's a good thing he let you off the hook." lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at tinanggap ang robe na inabot nya sa akin.

"Lucky me." I sarcastically answered my bestfriend who's obviously a little suspicious of me. Makikita kasi sa mukha nya na may iniisip na syang mga possibleng rason ng pagkakadistract ko. I really did suck in there, am I?

He rolled his eyes but I ignored it at naglakad papunta sa isang lounge chair.

Umupo ako dito at umupo naman si Ren sa katabi ding lounge chair so that we could face each other. Inabotan nya ko ng lime juice at tinanggap ko naman ito.

"Asan si Pat?" tanong ko para may mapag-usapan naman kami kasi hindi ko talaga ma-take yung tinging binabato nya sakin.

"With Cas, discussing your upcoming schedules." sagot nya. Sa katamaran kasi ng dinosaur nato, si Pat na ang nagkukusang umaalam ng mga schedules ko at mga iba pang kelangan kong gawin. Pat is really a hardworker at may rason naman sya dun. Maliban kasi sa manager, mas convenient kung updated din ang buong team sa mga future plans na naka-set na para hindi na din maabala ang mga managers na maya't-maya silang mangongontact for this and that. As for now, I got Ren and Pat under my team. And well, maybe Alex is one too but on a special case.

Sumipsip ako sa straw ng lime juice na hawak ko at agad naman itong nangalahati. Kung ipapaliwanag ko man ngayon ang laman ng isip ko ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula o kung ano uunahin ko. My mind's badly in chaos that I don't think I can organize it right away.

"You broke your record, did you know that?" I only know you broke the silence just now. At oo, alam ko ang tinutukoy nyang record.

"That's 10 takes, do you also know that?" this time, napapaikot na din ako ng mata ko.

"I'm fully conscious right now, I think you should know that." pinanliitan nya ako ng mata sa isinagot ko sa kanya.

He shrugged.

"Well, that's good to know you're conscious. Kala ko kasi katawan mo lang gumagalaw eh, tapos yung kaluluwa mo andun sa who knows aling universe napadpad. Imagine, such a simple scene natiis ka pa ni direk? 10 takes para sa simpleng usapan lang?" ano ba problema nito? Sumakit na tuloy ulo ko nang dinagdagan na nya.

"I'm aware I messed up bad, okay? Di mo na kelangang ulit-ulitin pa." naramdaman naman nya ata na nagsisimula nang uminit ang ulo ko ayun na din sa paglambot ng mukha nya at paghinga ng malalim na para bang pinapaalala nya sa sarili nya na kalmahan lang ako dahil pagod na din ako sa paulit-ulit kong mga eksenang di maayos-ayos.

"Look. . .I know you like Jin, and I'm also considering the possibility na maaaring isang araw you'll like Aron na naman or Jun or Hope or any of the seven. But you getting serious about your feelings. . .again? Tama na." anong pinagsasabi nito? Getting serious about my feelings? Ano daw?

"Alam ko na never akong nanghimasok, never kitang pinigilan and all I did is just support you whatever you do na walang reklamo. But as your bestfriend and adoptive brother, ayoko nang umulit pa ulit ang katangahan mo like what you did for Landon. This. . .everything of these. . ." may paturo-turo pa sya sa kabuuan ko at sa paligid namin.

"These are all so messed up already. If you wanted another kind of this sh***t to happen again, then not me. Ako na yung may ayaw para sayo. Kaya whatever you feel about James. . .sana. . .sana lang talaga. Wag mo munang seryosohin agad. Learn from the past, pwedi ba yun? Kung crush crush lang, okay lang yun kahit sila pang pito maging crush mo ng sabay, okay lang talaga kasi naiintindihan ko naman kung puro mga pogi ang nakikita at nakakasama mo araw-araw. Just don't fall in love alone anymore." hindi ko alam kung anong irereact ko. So all this time ito yung inuusok ng ilong nya?

It's funny listening to this rant of his pero hindi ko alam kung tama bang tumawa ako.

"Are you nuts?" nasabi ko na lang 'cause seriously, hindi ko alam ano sasabihin ko. Ang lalim na nang haka-haka nya eh.

"Wala akong mani. Isang hotdog at dalawang itlog lang." and he gave me his resting b***tch face. Siguro iniisip na nito ngayon na sa kahaba-haba ng sinabi nya ay ito pa ang isinagot ko sa kanya. I know you too well, Ethania Reyna.

"Okay, first of all. What made you think that I'm in love with James?" seryoso kong tanong. Baka kasi isipin pa nito na di ko sya sineseryoso sa kabila ng speech nyang puno ng pag-aalala. I shouldn't forget to appreciate that care later.

"Well. . .tumawag sya sayo kanina. And then. . .this. . .happens to you. You've been pretty occupied since we arrived here this afternoon. I got worried so I had to watch you doing your scenes. Pati nga si Cas nag-alala din sayo kasi inumaga ka na pala ng tulog when you have to come with James sa ospital. Pero nang naging okay naman so far yung mga eksena mo, medyo napanatag ako at napaisip na I got worried for nothing. Until not awhile ago. . ." paliwanag nya. I was really that obvious when troubled, huh?

"I'm not troubled because of James. Sumama ako sa ospital kanina kasi nag-aalala din ako sa mga kapatid nya. Lalong-lalo na kay Jerome na di ako sigurado kung talagang itinigil nya na ang business nyang yun." huminga muna ako ng napakalalim at medyo lumapit sa kanya para marinig nya yung sasabihin ko. Hindi ko kasi pweding lakasan ang boses ko, walls have ears afterall.

"Na-overload na ata utak ko sa mga nalaman ko sa araw nato." he gave me a questioning look so I proceed.

"Una, nalaman kong bulag na dapat ako ngayon kung hindi dahil sa mga matang to na all this time ay hindi naman sa akin. Much more, it's his eyes." kitang-kita sa mukha nya na di din sya makapaniwala. As expected, dahil kahit ako ay ganitong-ganito din ang reaksyon ng malaman ko na yung mata ko ay mata ni Knight Rider. Now, for a bonggang explaination para makuha nya agad-

"You mean you already knew who your donor was?" huh? Bat parang may mali sa sinabi ng dinosaur nato?

"What do you mean I already knew who?" and again, nagulo na naman utak ko.

"Well, aren't we all curious? We never knew who's your eye donor. Kahit yung doctor mo nun ayaw sabihin kasi nga your donor wants to keep his or her name confidential and so to respect the doctor-patient relatio-"

"Sandali nga lang." I cut him at tumahimik naman agad sya.

"Alam mo- no, alam nyo? Sinong nyo? Sino nakakaalam tungkol sa mga matang to?" I don't remember na nadiagnose ako ng amnesia pero bat parang may hindi pa ako alam?

"Ano bang pinagsasabi mo dyan? Di naman nabagok ulo mo nun para mawalan ka ng alaala sa insidenteng yun ah. I mean, yes I also think that's the worst accident sa lahat nang nangyari sayo, pero cleared naman bungo mo nun according na din sa results, no head injury or trauma or whatsoever-"

"Exactly! And yet, wala akong maintindihan sa pinopoint out mo."

"Kaya para maintindihan mo, stop cutting my sentences, okay?" he shows me na talagang seryoso na sya kaya huminga na naman ulit ako ng napakalalim at sumipsip ulit sa lime juice.

"Sorry." tanging nasabi ko na lang at hinayaan na lang syang kumontrol sa sitwasyon namin ngayon.

"So, you're saying, na simula nung araw na yun ay hindi mo alam or wala kang kaalam-alam na yang mga matang yan ay hindi sayo?" tumango ako bilang sagot.

"How come? You were conscious nang tinanggal na yung benda sa mga mata mo." I tried remembering that scene. At oo, naalala ko. Andun yung doctor at isang nurse na parehong di ko namukhaan, sina Nana, Ren, mama at papa. They were all smiling na para bang bagong panganak na sanggol ako na kakalabas lang sa mundo.

"I-I thought. . .it's the usual wrap. Like when I can't help to jump off my bike sometimes during a race and get a bad landing. I thought it's my head na kelangan bendahan hanggang sa paligid ng mga mata ko 'cause as you said, it's my worst accident." napahilamos sya ng mukha ng dahan-dahan.

"Nakakaloka. Sobrang nakakaloka ka. Should I tell you again? That you just got your new eyes that time? And we were all there, kaya oo alam namin lahat yun. In the first place, the consent of a guardian is needed before the surgery. I was called over at dahil hindi mo naman ako guardian, it was Nana who came to sign the consent form. And I believe you can already guess what happens next." wala nakong masabi. Though it helped lift some weight. Di ko na kelangang mag-overthink kung panu ko ibbreakdown sa mga magulang ko na wala na yung mga mata ko. That this is someone else's eyes in my eye socket right now.

"So? Kilala mo na kung sino donor mo?" nabalik ako sa sarili nang muling magsalita si Ren.

"It's not actually stated right on the paper but everything is in place. I have some memories during the incident since kahit sa panaginip ay sinusundan ako ng alaalang yun. Maybe because he was there. He was with me in the ambulance, in the hospital. . ." ngayon ay napansin ko yung isang maliit na bahagi ng memorya ko. Ang mga boses na yun.

Now that I think about it, most of my memories in that incident were made up with just voices. Ang kadiliman na akala kong tumatakip lamang sa totoong nangyari dahil nasa panaginip ko lang ito were perhaps me already losing my sight during that time.

"Sinong he?" drawn back to his question, napalinga-linga muna ako sa paligid at mas lumapit pa sa may tenga ni Ren.

"Knight Rider. . .my eye donor." halos bulong na lang yun and this time ay legit na ang gulat nya. Eyes wide and opened mouth.

"Si- Ohmygad. . .KR? KR's your donor?" napapabulong na din sya pero andun pa din ang gulat sa mukha nya kaya pinaliwanag ko sa kanya kung panu ako dumating sa konklusyon na sya nga ang donor ko. From the night that Alex discovered KR going in an eye clinic until sa records na sinend nya sakin kung saan naroroon ang pangalan ko as a patient.

"So that's why. . .but. . .d-do you think the doctor saw his face? D-do you think kilala na sya ng doctor na yun?" I sit straight dahil masyado nang magkalapit ang mga mukha namin baka maging cause na naman ng misunderstanding tulad nang narinig ko kanina. Though I like how Ren dealt with it.

"I thought the same. And I originally planned to visit that doctor. Just gonna test my luck baka this time ay may masabi syang makakatulong sa pagkakilala sa KR na yun. Not until that call with James na syang gumimbal talaga sa buong sistema ko." kitang-kita ang paghugot nya ng hininga kaya pati ako ay napahugot na din ng hininga bago ko tuluyang ilabas ang source of "trouble" ko.

"James told me na sasabihin nya sakin ang alam nya kay Knight Rider. He said that Knight Rider is actually. . ." luminga-linga na naman ulit ako to check kung may tao bang malapit.

". . .is actually Kuya Yue." mas lumaki pa ngayon ang mata nya.

"What the f- Si Yue? Paanong si Yue? Eh di ba p-pa-pa. . .patay na sya?" ibinulong na nya yung huling salita maybe because ayaw nyang magtrigger ng sad emotion sa akin.

I admit that it still saddens me hearing his name pero not to the point na nadedepress ako tulad nang dati. I guess I already accepted na wala na talaga sya. Not until James mentioned his name again that sounds like he is alive.

Hindi ko alam kung tatango pa ba ko sa katanungang yun. Usually I will. Pero ngayon hindi ko na alam.

"Let me guess, hindi mo alam kung u-oo ka o hindi, noh? After hearing that he's the Knight Rider?" right on, bestie. Kasabay ng thought ko na yun ay ang pagpitik ko ng daliri indicating na naka-bull's eye sya.

"Pero nung gabing yun. . .yung gabi ng aksidente ni Yue. . .you're with him. S-So. . .sa tingin mo. . ." kahit hindi nya matapos-tapos ang sinasabi nya, alam ko na kung ano ang gusto nyang sabihin kaya tumango ako.

"That time I'm sure. . .I lost him on my arms. Ni hininga nya di ko na nga maramdaman nun. We even saw his body inside the coffin even before he was lowered 6 feet below the ground. . .so tell me if you, yourself should still ask that question." napakurap sya ng sunud-sunod.

Gusto ko mang paniwalaan na buhay pa sya, kung may alaala ka namang nakita mo syang nakahiga sa loob ng kabaong na wala nang kahit maliit na sign ng buhay, bakit mo pa pipiliting paniwalain sarili mong buhay pa talaga sya?

"Then, what's your plan-"

"Scene 111, standby pleaase!" and that's my call.

"First, my plan is to see that doctor. But with James' info, everything's there. Kung si Kuya talaga yun, then alam na natin kung bakit nya ibinigay ang mga mata nya sakin. Kaya ngayon, I'd like to see James as soon as possible. Ayaw nya din kasi sabihin sakin kanina over the phone ang buong storya kasi conscious sya na nasa trabaho pa ko. He said he can wait until I can free up some time in my schedule but not me. Pupuntahan ko sya once we're done here." as I stood up and compose myself. Medyo gumaan na kasi yung pakiramdam ko nang may napagsabihan na ko ng bumabagabag sakin. I mean, if KR is really Kuya Yue then it's fine telling Ren about this, right? Wala talaga kasing spark about the possibility that Ren might also be KR.

Tumayo na din sya kaya inabot ko na yung robe, towel, at lime juice na di ko naubos. I gave him a smile as an assurance na I'm good to go na this time.

"You want me to come with you?" habol nyang tanong nang magsimula na kong maglakad.

Huminto ako at napaisip.

"Si C asan na?" rinig kong tawag ng assistant director.

"Okay." madaliang sagot ko at muling nginitian ang gumagwapo kong bestfriend. Ngumiti din naman sya kaya agad na kong nagmadali sa pwesto ko.

I reunited with the director at dahil nga medyo tuyo na ang buhok ko pati katawan ay kelangan nila daw ulit i-take yung pag-ahon ko mula sa tubig. According to direk ay hindi naman masama yung kuha ko kanina pero may pakiramdam daw sya na may mas better pa kong maipapakita ngayon.

Nakapwesto na ko sa dulo ng pool at hinihintay na lang ang signal ni direk. While waiting, I eyed Ranchee. Nakatalikod sya sakin dahil hinahanda na din nya sarili nya.

"Scene 111 take 11 in three, two, one, action!" and with that I plunged into the pool.

The rest of the scenes finally and thankfully went smoothly. Makikita sa mukha ni direk ang saya lalong-lalo na nang maayos ko nang nagagawa ulit ang mga eksena ko. Take 11 also ended my pool scene and the rest ay nakaka-isa hanggang tatlo na lang ang mga takes ko.

Natapos kami past 10 na ng gabi. Direk Lino is still on the phone nang mapadaan ang tingin ko sa parte nya. But not soon enough ay inanunsyo na nya na pwedi na kaming magpack up at umuwi na.

Naisip kong itext si James kung gising pa ba sya dahil plano kong dumiretso sa kanya ngayon nang lumapit sa amin si direk at kinausap si Cas.

"Mr. Casino, C!" sabay kaming napalingon ni Cas kay direk Lino na mabilis na naglalakad papunta samin.

"Can James make it sa last day ng taping? I wanna make sure kasi magpapa-late dinner daw si Sir Franz right after kaya need din nila ng head count para sa restaurant na pagbobookan nila, so if James can make it. . ." si Sir Fransis o Franz for short ay ang executive producer ng film nato. Since narevise ang script dahil sa nangyaring aksidente samin ni James, it was written na ipapakita sana nila si Cain kasama ang mga natanggal sa kompetisyon sa audience na nanonood sa final showdown.

But after hearing about what happened to James' mother ay nag-aalinlangan na sila kung itutuloy pa ba nila ang appearance ni James sa huli. Lalo na't saglit lang naman itong kukunan. They just didn't want to bother James if it's not really considered needed. Pero sayang lang daw kasi since Cain together with Bel is supposed to be considered as a semi-protagonist sa film.

"Ang sabi nya sakin ay kung wala namang mangyayari sa kondisyon ng mama nya sa araw na yun ay makakapunta naman sya para sa eksena, pero di ako sigurado kung makakasama sya sa dinner. If it's urgent I'll try calling him right now." suhestyon ni Cas.

"Yes please, pero kung di nya masagot in two rings, siguro naman di pa sila makakabook agad until the day after tomorrow. Late na din kaya wag na tayo mang-abala ng tao." Cas mentioned kanina na ang swerte ko daw at si direk Lino ang unang direktor na nalandingan ko para sa first acting project ko. Sya daw kasi yung pinakamabait at napakaconsiderate daw nitong direktor. Alagang-alaga nya ang mga artistang hinahandle nya. As for me naman, if I had to add, he's also a very patient one and have a very fine self-control. Pahilot-hilot lang ng noo at pahinga-hinga ng malalim. Yun yung parang indicator nya na medyo nahihirapan na sya sa mga eksena at takes namin. But in his place, yung assistant director na lang ang tigsigaw at tig-galit samin. I gotta admit na natatawa ako minsan kapag galit na galit na ito kasi yung ugat sa noo nya lumalabas tapos namumula pa yung tenga.

But anyways, Cas joined us again. Sumagot daw si James sa pangalawang ring kaya kelangan nya daw munang ipaalam kay direk saglit kaya antayin daw muna namin sya.

Habang hinihintay namin si Cas dito sa may footwalk ng resort, tinext ko na si James na pupunta akong ospital to talk about it. I know I shouldn't burden James this late lalo na't injured sya at kelangan din ng sapat na pahinga. I'll just have to limit the time I'll take. Atleast 30minutes lang sana. 20-25minutes lang din naman siguro ang byahe ngayon since wala nang trapik ng ganitong oras.

"Tara na? Wala na ba kayong naiwan?" tanong ni Cas ng makabalik na sya samin.

"Wala na yata, manj. Hindi naman kami kalat sa mga gamit namin." sagot ni Ren na syang itinango naman ni Cas.

"Then let's keep going. Ren, Pat pwedi kayo sumabay sakin para makauwi na ng diretso ang driver pagtapos nyang mahatid si C." alok ni Cas habang naglalakad na kami papuntang parking lot. Tinulungan naman ni Cas si Pat sa mga bitbit nito.

"Actually, Cas. . .we're going to drop by the hospital." nagsalubong ng slight ang dalawang kilay nya habang nakatingin sakin.

"Kay James?" tumango ako when Cas suddenly missed a step dahil sa cracks ng footwalk.

My hand is about to reach him nang may nauna nang makahawak sa siko nya at hinila ito ng onti, enough na di sya tuluyang bumagsak.

"Di ako tatawa, pramis." komento ni Ren habang obviously nagpipigil ng tawa while his eyes are showing a weird expression. Nakikita ko lang to kapag magkasama kami at may dumaang lalaki na type nya yung mukha. Not the lewd look of course, yung malamlam lang yung mga mata nya. He does that kapag ayaw nyang manyakin ang isang lalaki. Tamang hanga lang sa mukha but don't want to bother knowing his name. Ganun yung titig nya kay Cas.

Inayos din naman agad ni Cas ang sarili nya at tinignan yung dahilan ng pagkakatapilok nya.

"What?" pagtataka ni Ren dahil nakatitig pa rin pala ako sa kanya. Well, more like trying to read the kind of look in his eyes. Ni di ko na nga napansin na binitawan na pala ni Ren ang siko ni Cas.

Pinanliitan ko muna sya ng mata at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad.

"So, yeah. I just want to discuss with James regarding sa mga parts namin sa mga kanta para sa comeback. . ." napatingin ako kay Cas kasi feeling ko walang Cas sa tabi ko kahit may katawang naglalakad naman.

"Cas, you listening?" naglalakad kasi ako sa bandang kaliwa nya pero sa kanan sya nakatingin habang nakapwesto yung kamay nya sa bibig nya. Para bang tinatago nya mukha nya. Nakakadistract lang na nagsasalita ako pero yung kinakausap ko naman wala sa mga sinasabi ko yung atensyon.

"Cas!" tawag ko ulit pero wala pa din. Ano ba nangyayari sa manager naming to.

"Casino!" nilakasan ko na at nagtagumpay naman akong palingunin sya sakin.

"Sorry, ano nga ulit?" napataas ako ng kilay. Really?

I sighed.

"I was saying na gusto kong pag-usapan namin ni James ang gagawin nya para sa comeback. Baka, lam mo na, hindi sapat yung panahon ng full recovery nya. Naisip namin na i-lessen yung mga strenous acts nya sa mv at concert." sana pala tinanong ko na lang muna kung kelangan nya pa ba ng rason kung bakit ako didiretso sa ospital. Sayang yung laway ko sa palusot.

"Ah, okay." di ba? Nasayang nga.

"Cas, okay ka lang ba?" I turned to him my disappointed face kahit na sa harap na sya nakatingin pero nasa malayo ang pananaw.

"O-Oo naman. . ." then he turned to me and smiled. Hindi naman plastik yung ngiti nya.

"Ikaw lang ba pupunta? Isn't it passed visiting hours already?" mukhang nakabalik na nga sa sarili nya. Can't believe I was like this earlier. Buti na lang aware ako at nakakahingi ako ng tawad agad, I just can't imagine the struggle they went through with me.

"No, Ren's coming with me. Pat can't go eh. Nag-aantay kapatid nya." paliwanag ko.

Pat always make sure na lagi nyang matitirhan ng oras ang kapatid nya kaya minsan bago pa man namin marinig ang sagot nya ay alam na namin and we rather not give her a hard time that she needs to choose being with us 'cause she needs and have to over her responsibilities as a sister. Wala na kasi silang ibang maaasahan magkapatid kundi ang isa't-isa.

"Besides, hindi naman si tita Aimee bibisitahin namin. Yung visiting hours ay para lang naman sa mga bibisita sa pasyente, di ba?" katwiran ko pa which is true naman.

"Can't it wait?" I expected this question. Ito talaga yung main na naisip kong itatanong at itatanong nya.

"It is actually. Kung di lang sandamakmak yung nasa schedule ko, ano Cas? Baka kakaantay natin kung kelan yung mahaba-haba kong pagkakataon, kinabukasan comeback concert na." jokingly but sarcastic.

Napaisip si Cas.

"Well, you're not wrong. The other day, Ms. Novie accepted another major project for you. So maliban dun, I'll have to find a chance na maisingit pa sa sched mo kung kelan kayo makakapag-usap regarding sa project mo na yun. . ." he sighed. Totally back to himself.

Naalala na nya siguro that I'm also one of the most persistent sa mga alaga nya.

Liningon nya si Ren sa likod nang makarating na kami sa tabi ng sasakyan namin. Hindi kasi ganun kadaming mga sasakyan nakapark dito kaya itinabi na lang din nya ang kotse nya sa amin.

"Make sure na makakauwi ng dorm tong kaibigan mo." napataas ng kilay si Ren at tumingin ng saglit sakin then balik kay Cas.

"You can trust me on that." at ngumiti. Makangiti naman si ate kala mo binigyan ng napakaimportanteng misyon eh.

"Magtext kayo kung nakauwi na kayo, okay? Sakin ka na sumabay, Pat." habilin nya na sinang-ayunan naman naming tatlo.

"Also, wag kayo masyadong magtagal para makauwi na din si manong and James' still injured kaya kelangan pa din nya ng tamang tulog lalo na ngayong nasa balikat nya buong pamilya nya." pahabol pa nya.

"Oh, manong can go home pagkahatid nya samin. Magtataxi na lang kami pauwi. Madami pa namang taxi ng ganitong oras." I answered.

"It's already late. Taxis' are dangerous at this time of the night. Hindi na lahat mapagkakatiwalaan." buti na lang talaga at lalaki si Rab, kapag nagkataong babae naging anak ng Casinong to, goodluck na lang talaga sa kanya.

"I'm with her, manj. You don't have to worry." napatingin naman si Cas sa dako ni Ren. This guy. . .is he trying to act cool?

I snapped.

"Definitely. I could just remove my make up and contacts and be Czera." a surrendered look showed on Cas' face. He made one last glance at Ren who is also looking at him still.

"Okay, just be careful." at pinatunog na nya yung kotse nya as an indication of being unlocked.

"Let's go, Pat." at nagsipaalam na kami sa isa't-isa.

Nang papasok na sana ako ng sasakyan ay narinig kong tinawag pa ni Cas si Ren kaya nakilingon na din ako.

"I still want you. I hope you consider it." well, that left me buffled.

Nang pumasok na si Cas ay tinignan ko ng may duda si Ren. Yung am-I-missing-something look.

"Quit it. It's not what you think. Pasok na, shuu." sabay tulak sakin papasok kaya pumasok na ako at naupo habang di tinatanggal ang tingin ko sa kanya.

Nang makapasok na din sya at tumabi sakin ay sinamaan nya ako ng tingin.

"I said it's not what you think. Wag kasing malisyusa." he doesn't look pissed kaya naisip kong idiin pa sya.

"Can you blame me? He sounds like confessing-" naputol ang sasabihin ko ng nilagay nya ang daliri nya sa bibig ko to shut me up.

"He just want me to be his assistant manager, that's all." but he kinda looks anxious.

"Your finger is cold." tinanggal naman nya agad at umayos na din sa pagkakaupo.

"Malamang, malamig na yung gabi." rason nya na medyo totoo naman. Malamig nga naman yung hangin lalo na't galing din kami sa air conditioned room.

"So? Ano plano mo?" tanong ko na lang pero nakatingin pa din sa kanya.

He shrugged.

"What are you going to do when you were asked out of nowhere?" di na ko nakasagot. Isa to sa pagkakapareho namin. Nabablangko utak kung nabibigla. I wonder anong nakain ni Casino at naconsider nyang gawing assistant manager tong malanding kaibigan ko. Hindi lang malandi, lakwatsero at may saltik pa.

"Nagtatanong lang naman. Mukha kasing seryoso si Cas dun." sagot ko.

THIRD PERSON POV

"Thank you, Mr. Kashiwagi. I'm looking forward working with you in the future." iniabot ni Ms. Novie ang kamay nya sa kameeting nyang si Mr. Ryojou Kashiwagi.

"Yes, yes. Now if you will excuse me, Ms. Reese. I will go to my next meeting." pormal na pamamaalam ni Mr. Kashiwagi.

"You be careful, Mr. Kashiwagi." at tuluyan nang namaalam ang kausap nya.

When Mr. Kashiwagi is out of her sight, she grabbed her phone and dialed Cas' number.

On the third ring, Cas picked up.

"Hello Mr. Casino, nasa set pa din kayo?" tanong nya sa manager.

["Ah oo, Ms. Nov pero patapos na din. Last scene na lang ni C. Bakit? Something happened?"] medyo nag-aalalang tanong ni Cas pero hindi nya to pinahalata sa boses nya.

"I see. Well, I just finished my 8pm meeting with Mr. Kashiwagi and he made a proposal in case C cannot decide right away so. . .she might have to fly to Japan soon and stay there for a week or more." pagpapaalam ni Ms. Novie habang naglalakad na din palabas ng restaurant.

[Another hectic schedule for our rebel princess, then."] komento ni Cas na ikinasaya naman ng loob nya. Inaamin nya na nung una hindi sya sigurado sa pagkakaroon ng isang babae sa DR. Lalo na't hindi sya kasamang trainee noon ng pito. But seeing her progress now through hard work, hindi na sya nagtatakang inilagay si C sa buhay ng pito. Bonus na din kasi nito ang paggising ni C sa mga natutulog na katauhan ng pito. For him, she's the one who pulled out their full potential.

"Yeah, napakagandang development for a suppose experimental gameplan natin noon. Can you believe she rose to fame this fast? Ilang taon pa lang syang nasa entertainment but international companies already noticed her. Anyways, find time in her schedule for me asap sana, I have to go now."

[Copy that, maam."] napangiti si Ms. Novie sa sagot na yun ni Cas. Naisip nya na kapag lagi mo talagang nakakasama ang walo, di mo na namamalayan na nagiging isa ka na din sa kanila. Iba't-ibang buhay, iba't-ibang ugali, iba't-ibang pagkatao, all became one. Dark Rebels is like a house without a door just waiting for anyone who needs shelter. First, it was the roof and then wood structure came in, til a wall can finally be built on it, add some windows and appliances until they can finally called a house. Other people will take notice soon and might try to come in. And then it will be comfortable for them to the point that it's getting hard to leave until one after another fill that house and that once lonely house will be filled with different people feeling so much at home. For Ms. Novie, that's how it feels being with the DR.

After thanking Cas for his hard work, she dropped the call.

She was about to step out of the door when she bumped into someone kaya nabitawan nya ang phone nya at bumagsak ito sa semento sa may labas na ng pinto.

"Oh, I'm-" natigilan si Ms. Novie nang makilala nya ang nakabangga nya. Nagsmirk ito sa kanya at itinagilid nito ng onti ang ulo sa kanan.

Yung magssorry na sana sya kasi aware naman sya na hindi nya napansin ang papasok na pigura dahil nasa phone yung atensyon nya. Kaso sobrang pasalamat na lang din nya na hindi natuloy ang sasabihin nya.

"Well. . ." panimula nito as he picked up her phone.

". . .fancy meeting you here, NGR CEO." of all people na makabangga, why is it have to be him? They rarely even see each other outside of work.

"Good evening, Mr. Penly. I'd rather have my phone back than waste my time standing here by the doorway." Penly scoffed.

"Oh, why? Waiting for a call? Someone's going to pick you up here? Or. . .did someone ditched you?" kahit na hindi ganun kadami ang tao sa restaurant dahil on reservation lang ang tinatanggap nilang customer, ayaw pa din ni Novie na gumawa ng eksena so she tries to calm herself as she could.

"First, I got my car with me. Second, I was here for a meeting. And third, I don't think I should explain myself to you further more than this. So can you hand me back my phone now?" she tries to grab her phone on Penly's hand pero inilayo lang nito ang kamay nyang may hawak ng phone ni Novie at umatras enough to be away from the doorway.

Hindi makapaniwala si Novie sa inaasta ng dating kasintahan.

"Then try and get it. . ." panghahamon ni Penly.

"Ohmygad, what are you? Isang bata? Mahiya ka naman sa edad mo." kalmado pa ring pananaway ni Novie.

"Don't you want it back?" he extended his hand na para bang ibibigay na nya ang phone.

Ayaw sana ni Novie na sakyan ang kalokohan ni Penly pero may importanteng bagay lang kasi na nasa phone nya na ayaw nyang makita ni Penly. She the try to grab it again but Penly is quick to pull his arm away.

"Christhan, ano ba! Give it back!" di na nakapagpigil si Novie at naputol na yung lubid ng pasensya nya. Penly knows that she'll snap soon at hindi nga sya nagkamali. Para sa kanya, napakadali pa ding basahin ni Novie and right now, he finds it amusing.

Para bang ibinalik sya nito nung una nilang pagkikita. Kahit na hindi nakasampok ang kilay ni Novie ay alam pa din nya kung galit ito, naboboryo o napipikon na. Napangiti si Penly sa isip nya nang may naisip syang napaka-amusing para sa kanya.

"Then plead." he stopped his lips from smirking.

Tinignan sya ng masama ni Novie direkta sa mga mata nya. He still sees her beauty. But the betrayal she left him still lingers at the same time.

"Please. . .give me back my phone. I beg you. . .Christhan. . ." he didn't expect that it'll be this fast. Much more, he didn't expect for Novie to say the word please and beg him seriously.

Nasa baba ang mga tingin ni Novie at halatang-halata ang kabang nararamdaman nya ngayon dahil sa mabibigat nitong hininga.

Hindi makapaniwala si Penly na kahinaan pa rin nya ito hanggang ngayon pagdating kay Novie.

In the end, he just scoffed the feeling away.

"Kahit kelan napakaboring mo talaga. Napaka-KJ. What? You have something in it na ayaw mong mawala? Plans in your calendar perhaps?" Penly gave up the idea na ipagpatuloy pa ang pambbwesit kay Novie dahil alam nyang hindi naman talaga nito priority ang pride nya unlike him.

"That's a given. Ayoko na lang talaga mainvolve sayo. Especially in public places." he felt a sting in his chest at ayaw nya ng pakiramdam na yun lalo't-lalo na kung ang dahilan nito ay ang babaeng kaharap nya ngayon.

Napapikit na lang sya and tries to fan the feeling away through his mind. Nang iaabot na nya sana ang phone ay nahalata nyang hindi pala ito na-lock kaya kung anu-ano nang mga apps ang lumalabas dito.

When he press the Home button of the phone ay natigilan sya sa picture na bumungad sa kanya. Napatitig sya saglit sa wallpaper ni Novie nang bigla na itong nakuha sa kanya.

Napatingin sya kay Novie na agad-agad ay pinatay ang phone at nilagay sa purse nya.

"That picture with a child. . .it's you, isn't it?" ang kinakatakotan ni Novie ay nangyayari na. Nag-iisip na sya ngayon kung anong palusot ang sasabihin nya.

"Who's the child? I mean, I've heard rumors about you having a kid. So, it's true?" tanong pa ulit nito.

"L-Like I said, ayoko nang mainvolve sayo. So, what kung may anak ako? Magcconclude ka na ba agad? Panu kung hinawakan ko lang pala at nagpapicture? Just mind your own business like what we've been doing all these years." alam ni Novie na halatang-halata na ang panginginig ng boses nya at nawawala na din yung composure sa buong katawan nya.

"I'm not yet that old para lumabo na mga mata ko, Grace. You're in a hospital bed carrying a newborn child. So? Kaninong anak yan? Sinong ama? Don't tell me nagpabuntis ka? Ilang lalaki na ba naikama mo nang maghiwalay tayo? Which one of them is the father?" isang malakas na tunog at hapdi ang narinig at naramdaman ni Penly sa pisngi nya.

Dahil sa nanginginit nyang pakiramdam ay di nya alam ang mga nasabi nya. Ni hindi nga ito pumasok sa isipan nya na parang kusa na lang itong lumabas sa bibig nya that cause him a one big slap from Novie.

Dahil na din sa gulat sa nasabi nya at sampal kay Novie ay hindi na sya nakapagsalita pa kaya kinuha na ni Novie ang pagkakataon para umalis na dun.

Mabilis itong naglakad papunta sa kotse nya na hindi na nililingon si Penly na napako na sa kinatatayuan nito. Pagkapasok na pagkapasok ni Novie sa kotse ay dun na nya ibinuhos ang lahat ng inis at luha nya na kanina nya pa pinipigilan.

Nangyari na ang kinakatakutan nya. Sa ilang taong pangangalaga nya sa sekretong yun, dumating na nga ang araw na makikita na ni Penly ang bunga nilang dalawa. To top of that, alam nyang mabilis makaramdam si Penly when he puts his mind into it. Paano kung malaman na nga nya na ang sanggol na akay-akay nya sa picture ay anak nila? Paano kung hanapin nya ito? Ano sasabihin nya? Kung gayu'y hindi na din nya alam kung nasaan na ito ngayon. Kung buhay pa ba ito o kung may sarili nang pamilya. It's about 20 years since she made that decision. And for 20 years, she kept that child unknown to the world.

". . .ver." ang tanging salitang nasambit nya ng maayos sa gitna ng hagulgul nya. Novie might look tough and elegant but when she have the time by herself, isa pa din syang inang matagal nang nangungulila sa anak na di na nya nabalikan.












See you next bloom.....

Please do Vote and/or Comment. Will totally appreciate it. Thank you for reading!

Tweet me: @xtinepasmanwp and use #AFWSTxp for your tweets

Official Facebook Page: https://www.facebook.com/xtinepasmanAFWST

Official Wattpad Account: https://www.wattpad.com/user/xtinepasman

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon