CHAPTER 60: THE SOULLESS PRINCE

7K 189 51
                                    

Dedicated to: jemy101

***

"Soul!" bigla akong bumagsak sa sahig habang tumatakbo.

Nagkabanggaan kami ni Soul sa may pinto palabas. Sya papasok habang ako naman ay palabas na sana.

"Soul?" nagulat ako ng patakbong lumampas sa akin si Soul na para bang di nya ako nakilala. May dalawang lalaking nurse at isang babaeng nurse ang tumatakbong kasunod nya. Mukhang hinahabol nila si Soul.

Napalingon ako sa labas only to find out na may kaguluhang nagaganap. Nakita kong walang malay si Kara at may dugo sa noo nya. F***ck.

Walang patumpik-tumpik ay humabol na rin ako kay Soul sa loob. Oh please, why does it have to happen?

Naabotan ko yung mga nurse na humahabol kay Soul na parang may hinahanap. Napalinga-linga din ako sa paligid at mukhang nawawala si Soul.

Sh***t.

Naghanap-hanap na rin ako sa paligid. Pero mukhang malabo ko na syang mahanap. Isip Czera, mag-isip ka. Kung ikaw si Soul at nagbreakdown ka, saan ka possibleng magtago.

Sa patuloy kung pagtakbo habang nag-iisip, nakita ko ang isang hagdan pataas. Then my instinct kicks in.

Tumakbo agad ako sa likod ng hagdan na yun at nahanap ko na rin sa wakas ang hinahanap ko. He was hugging his knees into the deep dark corner underneath the staircase. Tulala.

"Soul?" mahinahong tawag ko. Pero hindi pa rin nagbabago ang kanyang ekspresyon.

Nilapitan ko sya. May pakiramdam akong maling ideya na naman to but I would take the risk to stretch out my light to Soul.

"Soul? Si Czera to. Alis na tayo? Uwi na tayo." I tried to reach my hand to his arms.

Nang madampi na ang kamay ko sa braso nya, halos sobrang bilis ng pangyayari at nakadikit na ang likod ko sa dingding habang sakal-sakal ni Soul.

"Stay... away..." sambit nya na may halong panggigil.

"S-S-Soul... s-s-si... Cze-ra t-to..." ang higpit ng mga kamay nya sa leeg ko.

I was looking at his eyes pero di ko makita ang Soul na kilala ko. It was like I'm looking into an empty vessel. A soulless body.

My vision is starts blacking out dahil di ko namalayang nawawalan na ako ng hangin.

"S-S-Soul... h-hindi... ako maka-h-h-hing-"

The next thing I saw is Soul being pinned down to the ground with two guy nurses habang may isang babaeng nurse naman ang humahagod sa likuran ko. Napaubo ako habang hinahabol ang aking hininga. Pakiramdam ko nasa puson na yung lungs ko, ang hirap humugot ng hangin.

"Labas po muna tayo, miss." aya nung nurse pero di ko mapigilang mapalingon kay Soul ulit.

He was struggling so hard. Pero biglang may itinurok sa kanya at nanghina ang katawan nya. Susulong na sana ako pero pinigilan ako ng nurse na nakahawak sa akin.

"Miss!" pigil nung babae sa akin.

"Pampakalma lang po yan, wag po kayong mag-alala. Sila na po bahala sa kanya, dadalhin lang po sya kay Doc Nikki." labag man sa loob ko , wala akong nagawa. Sobrang naaawa at nag-aalala na ako kay Soul.

Sinusuportahan sya ng dalawang nurse papunta sa isang pintong gawa sa steel na kahit na maliit na desenyo o di kaya butas ay wala kang makikita. Kalapit na sa isang bartulina ang mukha ng pinto kaya di ko maiwasang sabihin sa sarili ko kung gaano ako kawalang kwenta. Ito ako dahan-dahang naglalakad habang hawak pa rin nung nurse, walang laman ang utak. Ano naman kasi magagawa ko? I'm just that one person who just barged in in their life. I don't know everything about them. Side character lang ako sa storya nila na nagbida-bidahan.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon