CHAPTER 45: THE CONFUSION

9.4K 306 34
                                    

Dedicated to: Rosel167

***

Napatingin ako sa wall clock ng kwarto at sinasabi dito na 2:45 na ng madaling araw. Bakit tumatawag sa akin si Landon ng ganitong oras?

Sinagot ko na yung tawag at itinapat ang phone ko sa aking tenga.

"Landon? Napatawag ka? May problema ba?" ewan ko, may masama lang akong pakiramdam.

Naibalik ko na kasi yung number nya sa phone ko ng nakitext sa akin noon ang isang kaklase ko na kaibigan rin nya sa kanya. Pero kahit noon, di naman sya nagtitext sa akin ulit. Ni di na nga ako nag-expect na sinave nya eh.

"Ah, maam, pasensya na po sa isturbo. Isa po akong bartender. Ah eh, mukhang lasing na po si sir at nakatulog na po dito sa bar namin. Pangalan nyo po kasi ang unang nakita ko sa phone nya kaya kayo na po tinawagan ko. Pagpasensyahan nyo na rin po ako kung nangialam ako sa phone ni sir pero kasi maam ayaw umalis eh. Hinahanap po kayo. Tinatawag nya po kasi ang pangalan nyo tsaka medyo nagwawala rin po sya. Eh magsasara na po sana kami, maam."

Napakunot-noo ako. Pangalan ko ang unang nakita sa phone nya? Isn't it suppose to be Melian's? At bakit ako ang hinahanap nya?

Bigla akong nakaramdam ng kaba. No, ayokong isipin ang bagay na yun. Naka-move on na ako. Tsaka naglasing sya. Ano bang nangyari nung hapong yun? Naging mabigat kaya ang away sa pagitan nila ni Melian? Pero tupangina lang, wala ako ngayon dyan kung asan man sya.

"Uhhmm, asan ba sya ngayon? Wala kasi ako dyan eh, nasa isang resort ako ngayon kaya baka ipapasundo ko na lang sya sa kaibigan nya." sagot ko.

Right. Sinong kaibigan ni Landon ang gising pa ng ganitong oras?

"Andito po sya sa Bar Paradise, maam." I froze with the bartender's answer.

"Bar Paradise?" mukhang may naalala akong pangalan ng bar somewhere dito sa resort.

"Opo, maam. Sa bar na pagmamay-ari po ng Paradise Resort."

ASDFGHJKL!@#$%& What the hell is Landon doing HERE in Paradise Resort??!!

"N-nasa Paradise Resort ako. Sandali lang, I'll be there."

Dali-dali akong kumuha ng jacket at ibinulsa sa maong short shorts ko yung phone ko. Bago pa man ako lumabas ng kwarto ay kinumutan ko muna ang Soul na natutulog. Siguradong lalamigin ito dahil nakabukas lang ang sliding door ng balkonahe.

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at pababa ng hagdan habang iniisip kung papaano ko mapupuntahan ang Landon na yun. Medyo malayo-layo kasi yung bar kasi nasa labas ito ng resort at kelangan pang lakarin. And the heck! Alangan namang buhatin ko ang lasing na yun. I f***ckingly need a vehicle!

Bahala na nga. Manghihiram na lang ako ng motor. Pucha naman to. Tawagan ko kaya si Ren para matulungan ako rito. Pero baka may makakita sa kanya. Huhuhuhu. Let kapalaran guide me to the right way.

Nakalabas na ako ng cottage. Naglalakad ako habang yakap-yakap ko ang aking jacket. Anlamig kasi ng hangin at ang tanging maririnig mo lang ay ang mga hampas ng mga alon. Hindi pa sumusilip si haring araw kaya nakabukas pa ang mga street lamps ng buong resort. Now all I have to do is to look for a bike that I can borrow.

Konting lakad pa at may nakita akong isang XRM na motor. Dyan ko ba pasasakayin ang isang lasing? Bahala nato. Importante ngayon mapuntahan ko sya dun at dun ko na lang iisipin kung papaano ko sya iuuwi. Iuuwi? Mygaaaas! Wag nyo namang sabihin na kelangan pa yun iuwi? Pumunta lang ba yun dito para dito tumungga?

Nilapitan ko yung XRM at hinanap ang mga wires na kelangan para mapaandar tong motor kahit walang susi. Nagtagumpay naman ako and the engine roared to life. Sana lang walang makarinig. Hihiram lang naman ako eh tsaka babalik ko rin naman agad.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon