CHAPTER 67: THE TENSION

3.8K 95 39
                                    

Dedicated to: bunnyship

***

"Di mo na dapat pinatulan yun."

"Eh sumusobra na sa kahambogan eh. Kala mo kung sino."

I stopped walking at ganun din sya na nakasunod sa akin. Hinarap ko sya.

"You know what? In case that you haven't notice it yourself... you're changing, Cain." at nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad.

"Changing!? What do you mean I'm changing, Bela?" patuloy nya habang naglalakad kami pareho. Oo, nag-aaway kami sa daan pabalik sa mga tents namin pero di ko na sya sinagot. I don't want to talk to this pathetic brother of mine.

Nasa harap na kami ng tent ko ng hinila nya ko paharap sa kanya.

"Kung ang tinutukoy mo ay ang pakikipag-usap ko sa ibang mga kalahok at sa tingin mo nakikipagkaibigan na ako sa kanila, pwes nagkakamali ka. At yung nangyari, hindi ko lang talaga matimpi yung mga pinagsasabi ng gong-gong na yun tungkol sa mga magulang natin-"

"Mismo!" I butt in right away and I think that shocked him.

"You're making that 'gong-gong' affects you. We've been living our lives with no one to depend to but ourselves. Nagttrabaho tayo, rumaraket para mabuhay natin ang isa't-isa. Ilang mga kutya na ba napagdaanan natin? Did they know? Did our parents know kung anong pinaggagawa natin? Did they care?" hindi na sya nasagot.

"Ilang beses na ba tayo lumalabas sa tv, sa social media? May mama at papa bang naghanap sa atin? Wala! Ngayon ikaw pa naoffend? Kung tutuusin, tama naman sinabi nya eh. Walang kwenta mga magulang natin. Dapat alam mo na yun matagal na. Nabubuhay tayo sa kaalamang yun tapos pa-offend offend ka na ngayon? Nagpaliwanag pa? What's next? You're going to defend them? For what? For leaving us? Let me remind you, harap-harapan tayong iniwan ng mga yun. Pareho silang may relasyon sa iba. Pareho silang may kabit. Pareho nila tayong iniwan para sumama sa mga kabit nila. Are they worth defending?" nakayuko lang sya.

"You're letting them get to you. That's what changed. I told you trust no one and don't let anyone get into your world. Our world."

"And cut!" sigaw ni direk. Napahinga ako ng malalim. Nasa kalahati pa lang kami ng araw at mukhang bibigay na katawan ko. Nonstop na kasi ang taping simula kanina. Kain lang ang pahinga. Dagdag pa ang mas magalaw ang mga scenes namin ngayon. Tipong training camp talaga ang set up. We started with an exercise according sa script. Then konting scenes and then action na naman. Kaka-cut lang tas di pa umiinit pwet mo sa upuan pinatawag ka na naman. Geez.

I tapped Cain's shoulder. Kitang-kita sa mukha nya na nakakaramdam na din sya ng pagod but he still manage to compose himself. Di na kami ulit nakapag-usap about his "pahangin" moments. Naki-review din ako kanina sa replay nila dun sa iniwan nilang camera kagabi. Unfortunately, na-focus yung eksena namin ni Mint at napagdesisyonan nilang isali na din yun sa film. Anlakas daw ng chemistry namin sa eksenang yun. Chemistry, my a$$. But anyways, I never saw my brother leave in that replay. Dumaan sya sa blindspot ng camera.

I reunited with my bakletang friend na inlab sa babae. Sumunod lang sila dito nina Alex at Patricia kani-kanina lang. May klase kasi sya kahapon at quiz daw while Patricia has already a constant reason about taking care of her siblings. Si Alex naman, as my assistant butler, he's undercover as he need to stay near me habang ginagawa nya ang trabaho nya. He went to Pandemonium to gather some additional informations about Knight Rider na ngayon ay inaatupag na nya.

"Sarap ng buhay nyo dito, ah. Advance nood na kayo bago pa lumabas sa sinehan." I laughed as I dropped onto my chair.

"Yun lang buffering pa kaya di kami makapanood ng tuloy-tuloy." bara ni Ren sabay bigay sakin ng bottled water.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon