CHAPTER 84: THE DOUBLE-CROSS

520 27 15
                                    

"Good morning, maam!" bati sakin ng babaeng nasa frontdesk kaya agad ko syang tinungo.

"Good morning, is Dr. Agabo in?" tanong ko.

"Yes po. May appointment po ba kayo kay Doc?" tanong ulit sakin ng receptionist. She looks friendly.

"W-Wala eh, should I get an appointment first?" oo nga naman Czera, bat di mo naisip yun? Napaka-excited mo masyado.

"Yes po, maam. Si Doc lang po kasi ang gumagawa lahat ng mga checkups as well as prescriptions at kung minsan mga minor operations para sa mga kilalang personalidad na gipit ang schedule." dapat pala pumunta ako bilang C.

Napahinga na lang ako ng malalim. Kelan pa ba ako matututo na wag na wag susulong sa gyera kung walang dalang armas?

"Then, may I know the earliest possible for today?" ay nako talaga, Czera.

"Sure, just give me a minute. . ." she cheerfully smiled sabay check sa monitor nya.

"Maam, sorry but Dr. Agabo's schedule for today is full. Mukhang puro kilalang mga personalidad ang mga pasyente nya ngayon, so. . ." she looked at me like she's truly sorry.

"Is there no other way for a check up?" di ko mapigilang pagtapik-tapikin ang mga daliri ko sa desk nya.

She shook her head.

"I'm really sorry, maam. Just like what I said earlier, Doctor sometimes do minor operations and there are several of them today. If its urgent, we can recommend you to another ophthalmologist affiliated to our clinic."

Am I too fast? Sign ba to na sana si James na lang muna inuna ko?

"For now, maintain the antibiotics and then maybe after this week, magiging okay na ang lahat."

Should I meet him at night tulad ng ginagawa ng Knight Rider? Pero baka maweirduhan sakin. He might not remember me.

"Yes Doctor, thank you very much." doctor?

Lumingon ako sa likod nang marinig ko ang salitang doctor. There, I saw a middle-aged woman and a doctor who looks like someone I knew. May katandaan na ang doctor pero makikitang well-maintained nya ang pangangatawan nya. I thought he'll be one of those doctors na chubby at may malaking tyan but it turns out he just have a large build but not the type na pang-body builder. Ganun na siguro talaga ang pangangatawan nya na sinamahan lang ng tamang diet. Also maputi na din ang buhok at bigote nya. Palangiti din sya and the fact na may kamukha talaga sya pero di ko maisip kung sino.

I sorta remember him in my hospital room that day na tinanggal na yung benda sa mata ko which I thought sa ulo ko. Nung araw na akala ko usual hospitalization ko lang twing naaaksidente ako sa karera. But I don't think that's the reason he seems familiar to me. The familiarity I see right now is that he looks like someone, the shape of his face, his eyes, and the way he smiles.

"Are you my next patient?" he's walking towards me. Tiningnan ko pa ang magkabilang gilid ko to check kung ako ba talaga ang tinatanong nya.

"Ah, no. I'm just about to get my appointment. . ." sagot ko nang masigurado kong ako nga ang tinatanong nya.

"Oh, my bad. My apologies." tapos tumawa sya ng malakas. Nakakahawa yung tawa nya na maski ako ay di mapigilang mapangiti.

"Geez dad, why can't you just wait inside your office and let me handle your patients over here." dad? Tinignan ko yung babaeng tumawag sa kanya ng dad. She's around 27 to 28 years old, I think. At hindi sila masyadong magkamukha except for the eyes na medyo may pagkasingkit. She might have her mother's look.

"My bad, my bad." tawa ulit ni doc at nagsimula nang maglakad pabalik.

Pero bago pa sya makalayo ay sinundan ko na sya agad ng ilang hakbang.

"Actually. . ." lumingon sya nang marinig ako malapit sa kanya.

"Yes, miss. . .?" now, I'm sure. May kamukha talaga sya.

"C-Czera. Czera Presco." sagot ko at inayos ang sarili.

"Presco? Sounds familiar, but your face don't seem to be one of my regular patients." ani nya.

"I'm. . .I'm a former patient of yours, Doc. You did my. . .eye transplant." this is now or never. If he confirms, then totoo nga na ang mga matang to ay hindi na orihinal na akin.

Base sa ipinakita nyang reaksyon, pinagsamang pagkagulat at pagkakilala na ang nakikita ko dito.

"Of course. . .it's you. . ." yun ang una nyang nasambit bago ngumiti na parang naalala na nya talaga ako.

"I'm sorry, hindi agad kita nakilala-" bigla nyang pinutol ang sasabihin nya nang parang may naalala pa sya.

"Would you mind coming with me in my office?" sasagot na sana ako sa imbitasyon nya nang lumapit sa kanya ang anak nya na may hawak pang mga records yata.

"Dad, you still have an appointment. Ilang beses ko na bang sinasabi sa inyo na kelangan natin sundin-"

"What time is my next appointment?"
this time, pinutol na naman nya ang sinasabi ng anak nya na mukhang nagsisilbing secretary nya.

"N-Nine thirty. . ." sagot nito as he checked his watch.

"May 30 minutes pa. This won't take too long. Come." aya nya ulit sakin at nagpatuloy na sa paglalakad. Kahit ako ay naguguluhan kung susunod ba ako o yung anak nya who looks disappointed ang alalahanin ko.

But I also need some details. I'll try my best na lang na wag magtagal.

His office is neat as expected. Sa may gilid naman ay may aparatong ginagamit pang-check up sa mata kung saan ipapatong mo yung baba mo tas may titignan kang picture sa loob ng parang lens.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon