CHAPTER 6: THE START

16.8K 402 39
                                    

Dedicated to: iamJCHOI

***

Kaharap ko na ngayon ang pintuan ng kwarto ni Soul. Eh ano ba talaga ang problema sa paggising ng taong to kung bakit nagtutulakan silang lahat na pati yung leader na masungit playing safe din.

Baka totoo yung kasabihang 'Mantrip ka lang sa lasing, wag lang sa bagong gising.' kay Soul. Wait, I think I smell something fishy. Takot si Soul sa babae, kaya ang ibig sabihin ba nito ay ginagamit nila ako dahil babae ako at kung ano man yung ginagawa ni Soul pag ginigising sya ay di eepekto sa akin?

Liningon ko sila with a poker face at lahat sila nakangiting may laman except lang sa leader na parang natutuwa pa. Huminga na lang ako ng malalim, ano pa nga ba magagawa ko? Siguro masasabi ko na ring may nullification akong taglay laban sa kung may ano man sa kanya dahil babae ako. Tsk, isa pa di naman ako natatakot eh, di ako basta bastang babae. Marami pa kayong di alam sa akin noh?

Pumasok na ako sa kwarto nya at nakita kong himbing na himbing pa rin sya sa pagkakatulog habang nakahiga ng tuwid at sakop ng kumot nya ang kanyang buong katawan at tanging ulo nya lang na may eye mask na mata ng parang sa ninja turtle ang design ang nakalabas.

Naramdaman ko na umungol yung pinto nya na syang nailingon ko at nakita ko ang iba na binubuksan pa ito upang makasilip silang lahat. Haist, kala ko mga baliw lang ang mga to, mga tsismoso din pala.

Nilapitan ko na si Soul at tinapik, "Soul? Gising na. Kakain na tayo." pero walang imik.

Isa pa nga, "Soul, gising na!" at niyugyog ko na ang kamay nya.

Putragis kaliskis, so mantika itong matulog. Yun ba? Pwes, hintayin mo ako dito. At dali-dali akong lumabas ng kwarto. Binigyan naman ako ng daan ng iba ng bumalik akong dala dala ang isang kaldero at sandok.

Tumayo ako ulit sa gilid ng higaan ni Soul at iniharap sa kanya ang kaldero at sandok.

"Aaahhhm, Czera?" bago ko pa mapukpok yung sandok sa kaldero ay napalingon ako sa boses ni Vein, "Sigurado ka bang gagawin mo yan?" eh kayo nagtulak sa akin na ako gumising sa isang to tapos tatanungin nyo ako kung sigurado ako sa gagawin ko?

K deadma. Pinuwesto ko ulit ang sandok at kaldero sa mismong harapan ng mukha nya at BOOOOOOOONNNNNGGGGGG!!!!!!!!!!

Bigla namang napabangon si Soul na hindi pa tinatanggal ang eye mask nya buti na lang at nailayo ko kaagad ang kaldero upang hindi mabunggo ang noo nya rito.

"Whoooo! Ayan na! Gising na ang draaaaaagoooon! Takbo na guys.... Czera! Halika ka na! Alis na dyan!" tarantang sigaw ni Vein na nailingon ko ulit.

Kitang kita mo talaga ang mga takot sa kanilang mga mukha lalong lalo na ang mukha ni Vein na mukhang nakakita ng multo habang ang iba naman ay out of sight ko na.

Nang makaramdam akong parang may masamang aura sa harapan ko, unti unti kong binalik ang tingin ko kay Soul.

Nagulat na lang ako ng bigla nya akong hilahin na syang ikinaikot ng katawan ko na naging dahilan upang ma-out balance ako at bumagsak ang likuran ko sa higaan nya. Napapikit ako sa pagbagsak ko at ng minulat ko na ang aking mga mata ay nasa ibabaw ko na si Soul habang hawak hawak ang magkabila kong braso sa itaas ng ulo ko.

Napadako ang mga mata ko sa kalahating katawan nyang walang damit and demn. Ngayon ko lang narealize na natural na maputi talaga sya at hindi dahil sa pagpupuyat nya kaya maputla sya. Nakikita ko pa ang dibdib nyang taas baba sa bawat hininga nya and I find it hot. Napalunok naman ako at tumingin ulit sa kanyang mukha.

Bigla syang ngumiti na syang ikinatayo ng balahibo ko. Such a mischievous smile, "Maingay." he sexily whispered.

"Czera!" rinig kong sigaw ni Vein.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon