CHAPTER 12: THE ICON

12K 330 12
                                    

Dedicated to: marsrocks

***

Andito na kami sa studio kung saan ginagawa ang pictorial para sa album ko. Nagsimula ang pictorial na magkasama kaming lahat. Hanggang isa-isa na silang pinapares sa akin.

Naging maayos naman ang kuha namin ng iba hanggang sa kami na ni Aron.

"Ok, project more... Isa pa." utos sa amin ng photographer namin.

Inaamin ko, napaka-awkward sa side ko. Halos hindi ako makalapit sa kanya o makatingin at ganun din sya. Well, natural naman sa kanya na hindi sya lumalapit sa akin o tinitingnan ako ng matagal.

"Guys! May problema ba kayo?" tanong sa amin ng photographer namin.

Natigilan naman kami dun. Sinilip ko sa gilid si Aron at naka-poker face lang sya kaya ibinalik ko ang tingin ko diretso sa photographer namin.

"C?" napatayo naman ako ng tuwid.

"Wa-wala po."

"Aron?"

"None."

"Kung ano man yang problema ninyo, fix it. You can't lie on the camera. Lahat makikita ng lente. Come on. C ilagay mo ang kanang siko mo sa kaliwang balikat ni Aron and do your posings."

Ginawa ko naman and we made 5 poses.

"Ok, good. Now Aron! Pumunta ka sa likod ni C at hawakan mo both of her shoulders."

Sinunod naman ni Aron at kahit nakakailang ay nagpose pa rin ako ng bad girl image.

Yun kasi ang concept ng album ko. The charisma of a bad girl.

"Perfect. C tumingin ka sa kanan and Aron diretsong tingin sa camera." More poses and "Ok, done. Perfect. Ayan naman pala eh. Be professional guys, yang ilang ilang na yan is a no no."

The morning ended with my last pictorial with Aron. I-shoshoot na ang music video ko after lunch and expecting na matatapos kami by 7.

Sabay-sabay kaming lahat kumain ng lunch by 11am. Pagkatapos nun ay hinatak na ako ni Ren para sa bagong make over ko.

Habang inaatupag ni Ren ang buhok ko, dumating naman yung magiging direktor ko kaya sinalubong ko sya para batiin.

"C! It's good to be working with you. Sa wakas ay nakaharap na rin kita. How are you my dear?" sabay abot ng kamay nya na syang tinanggap ko rin.

"Same here Mr. Hong. Kayo na po bahala sa akin."

"Of course iha. Call me Tito Jerry na lang ha para we could share a casual atmosphere here."

"Ah sige po, tito Jerry." ngiti ko. Ang bait nya. Akala ko kasi pareho sya ng mga direktor na nadaanan ko.

"Good. Oh ikaw dyan." sabay tawag kay Ren na syang ikalingon din nya.

Or maybe not that bait. Medyo may pagkataray din pala.

"Pakitawag na ang make up artist ng dilag nato at by 1pm sharp magsisimula na kami. I understand your a supporting boyfriend pero mamaya na kayo magmoment dalawa ha. May oras din para dyan." patuloy nya na kita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Ren.

"Uhhm, tito... hindi ko po sya boyfriend. He's actually my make up artist and my bestfriend." sagot ko tsaka pinalapit ko si Ren.

"Hello po direk." masayang bati ng bestfriend ko.

"Oh, you're gay. Sorry, hindi halata eh. I thought you're... straight."

"Yes... no... Bisexual to be specific direk. I'm Ethan Ren. And I already got a girlfriend just yesterday." napataas kilay ko dun.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon