CHAPTER 64: THE LAST ONE

3.5K 102 20
                                    

Dedicated to: DonyaVictorina3

***

Still, bigo pa rin akong makita si Knight Rider ngayong gabi. But instead na dumiretso pauwi ng dorm, dumaan muna ako ng mansion. Sinalubong ako ni Fausto at tinanong kung may problema ba. I answered him na may kukunin lang ako sa music room. Hinayaan nya naman akong magbungkal sa music room at hindi na ko nahirapan hanapin ang mga komposisyong kelangan ko.

Dahan-dahan akong pumasok sa dorm. Bukod sa lumalabas ako ng wala sa oras, di pa ko nakadala ng damit pampalit. Kahit si kuyang taxi driver na sinakyan ko galing sa bahay namin ni Ren para itago ang motor ko, napapatingin-tingin sakin. Iniisip na si Kamatayan yata napasakay nya. Nauubosan na ko ng damit sa bahay sa kakatakas ko gabi-gabi. Wala na kong nauuwi pampalit from Queen to ordinary Czera. Papasuyo na lang ako kay Ren pag makapunta na sa dorm.

Pagtungtong ko sa itaas, nakita kong may nakabukas na ilaw. Ilaw sa kusina. Lagot.

Sinigurado kong walang lalabas na ingay mula sa mga yabag ko hanggang sa makaabot ako sa hagdan. Pero nilayasan ako ng swerte at yung pigurang nakatalikod kanina ay humarap na may dalang karton ng fresh milk.

Nagkatitigan kami. Ako, gulat na gulat at nag-iisip na ng rason sakaling matanong nya ang suot ko. Habang sya ay titig na titig na parang kinikilala ang bagong dating. Tanging ilaw lang kasi sa kusina ang naka-on.

"Princess?" napalunok ako ng malaki ng makilala na nya ako. Sana lang hanggang mukha ko lang talaga nakikita nya. Itim naman ang suot ko kaya sana lang talaga.

"J-Jin..." tumawa ako ng peke. "Gising ka na?"

"Hindi pa nakakatulog eh. Ikaw? Nagising na o gising pa?" and a genuine laugh escape from him. Still, di ako maaaring magtagal baka matanong nya pa ako.

"Hindi makatulog eh kaya naisipan ko na lang pumuntang mansion para kunin ito." sabay pakita ng mga komposisyon ni Kuya. Sinugurado kong winagayway ko sa taas para dun mapunta ang tingin nya.

"Hinintay mo na lang sana tumaas ang araw. Delikadong lumabas mag-isa na madilim pa." ang sweet nya talaga.

"Y-Yeah. Nagpasundo naman ako eh. Alam mo na, ang hirap mag-abang ng taxi ganitong oras." white lies. Think of it as a white lie, Czera.

"Ganun? Buti naman. Magpahinga ka na. Madaling araw na oh." laking saya ko lang at di na nya natanong ang suot ko o mapuna man lang. Di ba talaga nya nakikita? O deadmahan na naman drama nito?

"Sige, sige. Mauna na ko. Sweetdreams, Jin." sabay na takbo pataas. Ni di ko na natanong kung papano sya o hintayin man lang ang sagot nya. Importante makatakas ka, Czera.

Binilisan ko paglalakad papuntang kwarto ko ng makita kong pabukas ang kwarto ni Aron. Napamura na lang ako sa isipan ko. Of all people wag lang talaga sya!

Bago pa man sya makalabas ng tuluyan pumasok na agad ako ng kwarto ng biglang...

"Czera?"

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon