CHAPTER 82: THE EDGE

683 36 11
                                    

CZERA POV

This is it pansit! The last day of taping! And I'm sure hindi lang ako ang natutuwa. Pansin ko kasi na napaka-hyper na din ng mga co-actors ako ayun na din sa harutang nagaganap sa twing may nagkakamali sa script. Pati sina direk ay nakikisabay din minsan sa harutan at mukhang kinakalmahan na lang nila kami. There's not much scenes na din naman kaya ganito na lang kasarap ang huling araw namin. Maya-maya ay lilipat na din kami sa pinakahuli naming set, sa Cloud Castle Stadium, ang pinakamalaking stadium sa bansa.

We are also hoping na hindi magtatagal ang taping dun dahil pagkatapos ng lahat ng ito ay kakain kaming lahat in courtesy of Sir Franz, ang executive producer ng proyektong to. We'll also meet James there since sa stadium na magsisimula ulit ang eksena nya. Cas is already in the hospital right now, he decided to pick up James himself since he will be under his responsibility.

"Announcement! For everyone na wala nang eksena dito, pwedi na kayo mauna sa stadium! Andun na sina Sir Franz, so sa mga gustong mauna, mauna na!" rinig naming anunsyo ng assistant director sa megaphone.

And that's my cue. I just finished my last scene dito sa resort kaya nang marinig naming tatlo yung anunsyo ay nagsimula na din kaming magligpit.

"Pwedi ba tayong dumaan sa drive thru? Parang ang sarap kumain ng double patty ngayon with extra cheese plus iced choco." since day 1 ng taping, ngayon lang yata ako natakam sa pagkain nang ganito.

Napansin kong umupo sa harap ko si Ren at kinuha ang cap kong nakapatong sa makeup vanity namin dito sa loob ng tent.

"Kung gutom ka dahil hindi ka nag-almusal kanina, wag ka nang mandamay ng gutom sa iba ha." as he pulled himself closer to me at isinuot ang cap sa ulo ko, pulling my ponytail out from the cap. Humabol pa ng sundot sa ilong ko.

"I woke up late, okay? Simula nang umuusbong na ang baho ng rider na yun, nahihirapan na kong makatulog. Should I get some sleeping pills?" pinitik nya ang noo ko.

"Don't. Or else you'll be dependent with the drug. Tsaka ka na magsleeping pills sleeping pills kung hindi ka na talaga makatulog." I rolled my eyes at him telling him that I'm already old for this kind of lecture.

"Alam nyo. . ." sabay kaming napalingon ni Ren sa biglang nagsalita. It's Kali. The actress known for her b***tchy antagonist roles but she's really a nice, funny, and very down-to-earth person in real life. Sobrang napakakulit at pilyo nya in a good way off-cam. Pero kapag on-cam, minsan nakakalimutan ko din tong totoong ugali nya kapag pinapanood ko ang mga eksena nya. She's a really good actress and already won several awards kaya napakalaking karangalan natong makatrabaho sya kahit na 2 taon lang ang agwat nya sa akin.

Since may eksena pa sya dito sa resort, isa sya sa maiiwan muna at on-standby pa at the moment kaya ito at kami ang nakitang pagkaabalahan.

". . .kung hindi ko lang talaga nasasaksihang bakla talaga tong makeup artist slash bestfriend mo, C? I'd be really rooting for your love team and validating those rumors." pinanliitan pa nya kami ng mata. But what!?

"Rumors?" ako na di mapigilang ipagsabong ang dalawang kilay ko. I rarely get rumors na masasabi kong extreme. So far kasi ang "rumors" na nakukuha ko were all made up stories from my bashers na madali lang naman i-counter.

"What? Aren't you guys updated?" yung mukha ni Kali is from bored to excited real quick, mga milliseconds. May pakiramdam akong may nakuha syang jackpot base sa mga reaksyon namin ni Ren. We've been close to friends na din kaya wala na samin tong bigla-bigla nyang pang-aasar because in a short period of time, pakiramdam namin ay magkakilala na talaga kami dahil na nga din sa ugali nyang to. Also, it's not something for us to be pissed. Through the years of our friendship ni Ren, hindi ito ang una kaya nasanay na din kaming inaasar sa isa't-isa.

"Not, I guess? Sadyang dumami lang talaga yung pinagkakaabalahan namin lately." simpleng sagot ko.

Kali whistled at umayos sa pagkakaupo.

"Yeah, right. . .you have this comeback concert comin'. . ." it's not a question kaya di ko na sinagot. Instead, inayos ko ang upuan ko sa tabi ni Ren at humarap sa kanya.

"So, these rumors. . ." di pa ko tapos sa tanong ko ay may pinakita na agad na picture si Kali sa phone nya kaya napalapit kaming pareho ni Ren sa pwesto nya.

"I saved some for future use." ayun sa pagtaas-baba ng mga kilay nya ay alam ko nang she's up to no good sa future use nyang yun. Malamang sa malamang, for pang-aasar use ang tamang tawag dun.

Looking at the picture, ito yung araw na namomoblema ako sa hininga ko. Naalala ko pa yung pangsusunog ni Ren sa mga bystanders nun. Napatawa ako sa isipan ko na napa-facepalm din kalaunan.

"What the h3ll. . ." rinig kong sambit ni Ren.

"Wait, tingin nga. . ." inabot naman ni Kali yung phone nya at lumapit din si Ren sakin para makitingin din. The picture was obviously captured several distance from our sides. Zinoom ko yung mukha ni Ren and luckily, medyo malabo sya enough na di sya makilala ng mga kakilala namin.

"Thank goodness." pasasalamat din ni Ren. Just what I thought, we had the same worries.

"No worries. Kung sino man kumuha nyan, sya yung ugat ng mga tanong na umiikot sa relasyon nyo ngayon-"

"Over my dead sizzling bodeh."
biglang sambit ni Ren earning him a good hard pinch on the cheeks from Kali.

"Hindi pa ko tapos, you lil smooch of a versa! There were some witnesses. . .the ones who came to watch the taping. They were telling off those comments that you're a legit gay. Some believes, some not. Especially your fans. . ." turo nya sakin kaya napataas ako ng kilay.

". . .and bashers." she smirked.

Ibinalik ko na lang ang phone nya sa kanya.

"I'm surprise that I'm not surprised." komento ko na lang.

"Nasabihan ko na si manong, shall we get going?" biglang sulpot ng ulo ni Pat sa entrance ng tent.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon