CHAPTER 18: THE AWAKENING

10.9K 298 17
                                    

Dedicated to: CheezyAddict

***

ARON POV

"Nakakaloka. Pinapakita pa yata ng batang yun na mas matalino pa sya kaysa sa akin. Ako yung teacher tapos sya? Grade one pa lang. Kung makapagsalita kala mo mas matalino pa sa akin."

"Sino ba yang batang yan?"

"Yung bang anak nina Mr. and Mrs. Rowlins. Si Aljun ba."

Why? Masama ba yung ginawa ko? Masama bang itama ang isang teacher?

"Kumalma ka nga. Bata lang yun. Dapat naiintindihan natin yung mga bata."

"Yun nga eh. Bata. Isa syang bata. Naiinis ako kasi yung... alam mo yung nagtuturo ka para may malaman sila. Pero yung batang yun parang nauna pa nyang nalaman ang mga alam ko. Bwiset. Parang pinapamukha pa nya sa akin na di ko na kelangan pang e-explain yung mga lessons ko."

I walked away from our classroom's door, buffled.Nakita ko si mama sinusundo na ako.

"Mama, is it wrong to correct a teacher?" tanong ko ng makalapit na ako kay mama.

Umupo sya upang magkapantay na kami.

"Hindi naman anak. Bakit?"

"Just asking mama."

Kung hindi naman pala masama bakit galit si teacher sa akin?

"Sir! Pwedi na po yung tip ng ballpen maging tangent."

"Yes. Yes I know Mr. Rowlins. Now class, who can answer number 13 on the board?"

Itinaas ko ang aking kamay.

"Yes, Mr. Rowlins."

I answered the equations on the board willingly at ng matapos na ako kay tiningnan ko muna yung teacher namin to check kung tama ba ang sagot ko.

"You're answer is correct Mr. Rowlins but you're procedure is a little bit off. Hindi ba't binigyan ko na kayo ng example just like this? You should have followed it." balik-balik nyang tingin sa akin at sa mga kaklase ko.

"Pero mas madali lang po sana kung kukunin na lang ang distance between this two diagonals and add them up. Since the distance formula uses the pythagorean theorem which was our first lesson. It's much easier and can save time." pangatwiran ko.

"Well, our lesson today is about lines, Mr. Rowlins. Not distance. You may take your seat."

THIRD PERSON POV

Pangatlong araw na ngayon na hindi pa nagkakamalay sina Czera at Aron.

Czera suffered deep wounds dahil sa mga balang natanggal na sa kanyang katawan. Maraming dugo rin ang nawala sa kanya because of it. Sa ngayon ay umaasa na lang ang paggaling ng kanyang mga sugat sa katawan nya. At dahil sa insidente ay pinatawag na rin ang mga magulang ni Czera na sa kasalukuyang binabantayan syang magising.

Aron broke 2 of his ribs kaya medyo komplikado ang pagpapagaling nya. Like Czera's, inaantay din ng parents nya ang kanyang paggising. But unlike Czera's parents na malaki ang tiwala na magigising si Czera, the Rowlins has been praying every night and day na sana ay maging maayos na ang kalagayan ng anak nila.

Dahil din sa nangyari ay naging magkadamay ang Presco and Rowlins. Pinapalakas ng Presco ang loob ng Rowlins na magkakaperform pa ulit ang mga anak nila.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon