CHAPTER 87: THE DISCORD

255 19 3
                                    

"Tatawag ng taxi? Hindi? Bukas? O ngayon? Aalis o mamayang gabi na lang? Ah, what do I do?" kalahating oras na yatang palakad-lakad si Vein sa labas ng dorm habang inuulit-ulit na tinatanong ang sarili kung pupunta na ba sya ngayon sa punerarya o antayin na lang muna nyang may umuwi at tsaka na sya sasabay papunta dun.

Ilang buntung hininga na ang ginagawa nya pero hindi pa din sya makapagdesisyon.

Just when he's about to go back inside to fix his resolve, napansin nya ang pagdating ng van.

Natapos ang pag-iyak ni Jun sa kalahati ng byahe kaya pagdating nila sa dorm ay nakapikit na lang ito habang nakasandal pa din ang ulo sa headrest ng upuan.

"We're here." paalam ni Ren kay Jun.

Nang hindi ito sumagot, nilingon nya ito sa likod at hindi pa din ito gumagalaw kaya naisip nyang baka nakatulog.

Kakalabitin na sana nya ito, pero nagulat sya sa mukha ni Vein sa labas na halos dumikit na sa nakasarado at nakatint na bintana ng sasakyan masilip lang kung sino nasa loob.

"The h3ll is he doing?" bulong nya sa sarili.

"Ren. . ." bumalik ulit ang atensyon nya kay Jun.

"Wala kang pagsasabihan, lalong-lalo na si C. Subukan mo lang, baka ma-miss mong magkadila." banta nito at alam naman ni Ren na hindi ito nagbibiro, considering his background.

"Aren't you suppose to be thanking me for hiding you instead of threatening me like that?" sagot na lang nito dahil inaasahan na din naman nya ang ganitong reaksyon mula kay Jun.

Hindi agad sumagot si Jun pero nang makita na nya ang nakadikit na mukha ni Vein sa bintana, inayos na lang nya ang kanyang sarili.

"I owe you this one." napangisi na lang si Ren.

Pagkatapos ng pagkakaintindihan nilang ito, lumabas na si Jun. Laking gulat pa ni Vein nang muntik pa silang magkabanggaang dalawa.

"Oh, Jun-" tawag nya pa dito pero tuluy-tuloy lang sa paglalakad si Jun. Ni lingon ay hindi na nya nagawa.

"Hoy, snobber!" susundan na sana nya nang tinawag sya ni Ren.

"Hayaan mo na muna. San ba punta mo?" tanong nito.

"Ha? Ah, s-sa uhh. . .convenience store lang. Hanap snacks." napataas lang ng kilay si Ren sa rason nito na halata namang nagpapalusot.

"I see. Gusto mo idaan na lang kita?" with a plan in mind, sinubukan nyang ayain ang di mapakaling nilalang.

"A-Ah. . .ba't pala ikaw naghatid kay Jun? Ngayon lang yata kita nakitang nagmaneho nitong van." dahil nga sa palusot lang yung sinabi nya, naisip nyang ibahin na lang ang usapan.

"I'll tell you everything on the way. You're coming, right?"

CZERA POV


"Then, that's that. Work is work. If it's C's work then. . . we'll just have to put up with that." ani ni Aron pagkatapos ipaliwanag ni Cas ang nangyayari.

"I know C won't even try doing such thing. Kung naghunos-dili lang muna sana si Jun." singit naman ni Hope.

"Well, we all know Jun-" siniko agad ni Hope si Soul kaya naputol ang sasabihin sana nito.

". . .got a crush on her." or so I thought. Tumingin pa sya sa akin.

I know I was supposed to be surprise but I didn't. To think that it's real.

I sort of got the grab of the things na pinapakita at inaasal ni Jun towards me but I choose to ignore and just shrugged it off thinking it was just him being a kid.

"Jun's a kid. It's normal with his age." sagot naman ni Aron.

"He's turning 20 this year though." nakangiting paalala naman ni Jin.

Napatingin silang lahat sa kanya at nakita ko pa si Aron na bumuntong hininga na para bang naalala din nya yun.

Dahil sa namuong katahimikan samin, di na naiwasan ni Cas na pagtapik-tapikin ang mga daliri nya sa tuhod nya. Nakaupo kasi kaming lahat, maliban kay James na nasa wheelchair, dito sa mga sofa.

Just when I decided to break the silence, we heard the opening and closing of a vehicle's door.

Sabay-sabay kaming napatingin kung sino ang dumating kahit na may ideya na ako na baka si Ren, pero nagulat ako nang makita si Vein ang nakatayo doon.

Napatayo din ako mula sa pagkakaupo at nag-gesture pa si Vein ng Hi kasabay ng pagbuka ng bibig nya. Hindi ko alam kung sa akin nya ba yun itinuon o sa aming lahat.

With that, sinulyapan ko din si James na nakatingin din sa kanya pero walang emosyon. Mukhang hindi naman nya sisipain si Vein dito.

Sumulpot naman si Ren sa likuran nya at tinulak na sya papasok.

I'm sure sa ginawang yun ni Ren ay nagtama ang tingin nilang dalawa ni James.

"Vein! Finally naisipan mo na ding dumalaw!" nag-echo pa yung boses ni Hope kaya tinikhiman sya ni Cas. Napatakip naman agad sya ng bibig.

Hesitant yung tawa ni Vein habang nakatingin kay James na para bang inaantay ang permiso nito kung pwedi ba syang tumuloy.

"Kuya?" rinig naming tawag ni Jiramae na nakasilip mula sa kusina habang nasa likod naman nya si Jerome.

Kumaway naman agad si Vein sa kanila tsaka ibinalik ang tingin kay James.

"P-Pwedi ko bang puntahan s-si. . .tita?" paalam nya kay James.

"Ano pala pinunta mo dito kung hindi si mama?" malamig na bara ni James.

"James. . ." saway sa kanya ni Jin kaya tumalikod na lang sya at umalis.

Mukhang sa sleeping quarter ang punta nya kaya sinalubong na sya ni Jira at tinulungan sa pagtutulak ng wheelchair.

"Tama ba talagang pumunta pa ko dito?" bumalik ulit ang atensyon namin kay Vein.

Bigla akong nakaramdam ng awa.

Dapat ako ang nagtatanong nyan. Tama ba na kinumbinsi ko pa syang pumunta dito when all he did ay nanahimik lang dun sa dorm?

Napatingin ako kay Jin only to meet his gaze too.

Mukhang nabasa nya agad ang iniisip ko dahil binigyan nya ako ng maliit na ngiti na para bang sinasabing wala akong ginawang mali dahil in the first place, sya talaga yung humingi ng pabor. But I don't mind dahil ito din naman ang gusto kong mangyari. I want whatever it was between their friendship na matapos na. It also pains me seeing them like this.

"Vein!" dahil sa bigat na bumabalot sa paligid, hindi na namin napansin ang paglapit ni Joey kay Vein.

"Oh kamusta na, Jo?" bati nya sa bata habang panandaliang ginulo ang buhok nito.

Inayos naman agad ni Joey ang nagulo nyang buhok tsaka hinila si Vein.

"Inaantay ka na ni mama." ani nito.

"Ha? Wag naman ganun Jo, di pa ko ready." nakuha pa nitong magbiro habang nagpapahila kay Joey.

Tinapik nya sina Hope, Jin, Aron at Cas along the way. Ganun din ang ginawa nya kay Jerome na sinamahan na din sya papunta sa kabaong ni tita.

"Shall we prepare dinner?" suhestiyon ni Cas.

Nagdinner kami like the usual, yun lang kasama na namin si Vein ngayon at si James naman ang wala dahil nakatulog sabi ni Jira kaya hinayaan na lang muna namin at di na muna ginising.

"Wala na bang natira?" tanong ko as I checked kung may naiwan pa bang liligpitin.

"Wala na, nasa kusina na lahat." sagot ni Hope.

Nilalabas kasi namin ang mesa at mga silya dito sa balcony kapag kakain na kami dahil hindi sapat sa amin yung espasyo ng dining room na syang kusina din. For these rowdy boys, a normal space isn't enough kaya mas mabuti nang dun na kami sa may unli space.

Sa ngayon, nililigpit muna namin ang mga pagkain at pagkatapos maghugas nina Jin at Vein, tsaka na namin ibabalik ang mesa at mga silya sa loob.

"Okay, itatapon ko na to." tinipon ko kasi ang mga basura para isang taponan na lang sa garbage bin sa labas.

May kanya-kanya nang ginagawa ang bawat isa samin pagkabalik ko sa loob. Tumungo ako sa kusina para maghugas ng kamay at mukhang hindi pa din tapos ang dalawa.

"Pahugas ng kamay." singit ko sa gitna nila. Medyo nabigla pa sila kasi mukhang may pinag-uusapan sila bago ako pumasok.

"Oh, lakas nga naman ng pang-amoy." ani ni Vein habang naghuhugas na ko ng kamay.

"Pinagsasabi mo dyan?" mapang-asar kong tanong.

Tumawa naman si Jin at sumagot, "Pinag-uusapan ka kasi namin."

"What? Wow ha, parang kinakabahan naman ako nyan. Sabi nga nila, pag ang mga lalaki magchikahan, real talk na yun." habang winiwisik yung basa kong kamay.

Tumawa ulit si Jin.

"Sinabi ko kay Vein na ako yung humingi ng pabor sayo na kung pupwedi ay mapakiusapan mo syang pumunta dito. In worse case scenario, I'll take responsibility kaya wag nyo nang alalahanin kung ano mang approach ang gagawin ni James kung sakali." paliwanag nya habang pinupunas ko na yung kamay ko sa hand towel.

"You don't have to do that. I took the favor because I knew we have the same goal. Kahit naman siguro hindi ka humingi ng pabor sakin, sooner or later I'll be doing it myself. So, whatever responsibility you'll be in, I'll be with you." that last sentence came out of nowhere. Kung baga wala sa script ng utak ko yun. Besides, parang iba yung tunog or is it just me?

"I mean, we're all in this together. Sinuportahan ko si Vein, and I'll do the same with James so. . .this is going to be our responsibility. I don't expect a straight road para lang mapagbati ang dalawang to but I'll do everything in my power." before I get misunderstood, I made sure there's an emphasis with the word "our".

"I know. Thank you. . .Czera." bigla akong nakaramdam ng init sa katawan lalong-lalo na sa mukha.

Nararamdaman ko na to lately kapag tinatawag nya ako sa mismong pangalan ko.

". . .makakaasa kang nasa likod mo lang din kami. Kaya kung may kelangan ka, sabihan mo agad kami." I feel like may iba pa syang sinabi bago yun pero hindi na rumehistro sa utak ko.

Parang nagising lang ako bigla nang marinig ko pa syang magsalita. I even saw him bumped his shoulder to Vein's.

"Salamat, pre." simpleng sagot ni Vein habang patuloy pa ding pinupunasan ang mga basang kubyertos na hinuhugasan ni Jin.

"Jin?" sabay-sabay kaming napalingon kay Cas na may pakatok pa sa sementadong dingding.

"Ilan ba ang Jin dito? Tatlo?" sarkastiko pero mabiro nyang saad.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon