CHAPTER 2: THE TASK

27.9K 489 41
                                    

"I'm Ethan Ren Daniel Katricio and I'm here to support my bestfriend." hinarangan kasi ng secretary ni Mr. Penly ang bestfriend ko dahil daw wala syang appointment at ako lang daw ang kelangan kaya tinanong sya kung anong ginagawa nya kasama ako.

"Well, sorry to disappoint you Mr. Katricio but hanggang dito na lang po kayo. Hintayin nyo na lang po si miss Presco dun sa waiting area." utos ng secretary habang itinuro kay Ren yung waiting area.

Lumingon si Ren sa akin na may bored look, "It's ok Ren. Hintayin mo na lang ako dun. I'll tell you every details later."

"Dapat lang." lumapit si Ren sa akin at yinakap ako.

"I'll pray for you na magiging positive ang mangyayari sayo dun sa loob ok? Heads up." at kumawala na sya sa yakap.

Pumasok na ako sa office ni Mr. Penly at nakita ko sya sa kanyang swivel chair na nakaupo at may ginagawa sa kanyang laptop.

"Good afternoon po Mr. Penly." bati ko

"Good afternoon din sayo Ms. Presco. I've been waiting for you." tumayo sya and gesture me to seat sa sofa.

Ok? Bakit parang ako lang ata ang andito? Ako lang kaya nakakuha ng resultang accepted with condition?

"As you can see ikaw lang ang nag-iisang andito. May mga nakapasok at may hindi naman nakapasok and you're in the middle of it. But don't feel down." umupo sya sa harapan ko. Mind-reader ba sya? "This will be your chance to prove yourself na karapat-dapat ka talagang makapasok sa industriya. Now, what I want you to do is to improve your acting. But since you don't want to belong sa literal na acting, I won't put you in any acting workshops. Di rin kita ilalagay sa singing at dancing workshops coz you're voice? No problem neither is with your dancing. I want you to do it in real life. Learn it yourself."

Tumayo sya at may kinuha sa kanyang table. A pile of papers at ang kape na iniinom nya.

Bumalik sya sa harapan ko at umupo ulit, "Do you want something to drink? Baka matagalan tayo sa pag-uusap." tanong nya.

"Tea with honey is fine." tumango sya sa sagot ko at may pinindot sa isang machine na nasa gitna ng table na nasa gitna namin.

"Marline, pakidalhan nga dito si Ms. Presco ng tea with honey." utos nya.

"Right away Sir." sagot naman ng kabila.

Pagkatapos nun ay nilapag nya ang ilang mga pictures ng mga lalaking kinamumuhian ko. Bago pa man ako magreact ay nagsalita na sya ulit, "Siguro naman kilala mo na yang mga nasa larawan."

"Of course. Sino pa naman ang hindi makakakilala sa kanila na mga gawa sa tupperware?"

"Hmmm, I guess you're not one of those girls who fell head over heels for them? Hindi ako nagkamali sa pagpili sayo."

"Hindi talaga. Hindi ko type yung pagkanta at pagsayaw nila. Humaharap lang kasi sila sa cam para magpa-cute. Tsaka NGSB? Maniwala." Nakita kong tumaas ang kilay at ang gilid ng bibig nya sa sinabi ko.

"Then I guess di ka na mahihirapan sa task na ibibigay ko sayo. Magsisilbi din itong training para sayo-"

"Mr.Penly, kung maaari po diretsuhin nyo na lang po ako kung anong task na iyan at anong kilalaman ng mga lalaking ito."

Matapos ang isang oras ay nakalabas na rin ako sa impyernong office na yun.

Nakita ko agad si Ren na tumayo mula sa waiting area at naglalakad na papunta sa akin.

"Akala ko next year ka pa palalabasin eh. Sumakit ang perfectly-shaped butt ko sa kaaantay sayo. Ano bang nangyari at ganyan ang mukha mo?" lumabas kasi ako na nagtetempi sa inis ko.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon