CHAPTER 35: THE CLASH

12.2K 333 60
                                    

Dedicated to: BaebyLoren

***

"Sakay Jun, sakay!" kelangan na nilang makasakay dahil may paparating ng mga resbak at alam yun ni Jun kaya pumwesto na sya agad sa motor habang si Czera na nasa lupa pa rin ay sinipa muna ang baril na nakatutok sa kanya bago itinulak ang sarili para makatayo.

Bago pa man sya sumakay sa motor ay isang paikot na sipa ang ibinigay nya sa lalaking nagtangkang pigilan sya at bago dumampi ang katawan ng lalaki sa lupa ay naistart na ni Czera ang kanyang motor at wala na syang sinayang na oras at humarurot na.

Napatingin pa sya sa helmet nyang tumilapon. Hindi naman sya siguro mapapahamak sa pag-iwan ng helmet nya hindi ba? Alam ng lahat na iba't-ibang desenyo ang ginagamit nya.

Nang matanaw nyang may mga nakamotor na ring tumutugis sa kanila ay ibinalik na ni Czera ang paningin sa harapan at finull speed na yung motor nya.

Isang maatikabong habulan ang nangyayari ngayon sa pagitan ng mga lalaking nakaitim at nina Czera at Jun na syang pinagtataka rin ni Czera kung paano sya nahahabol ng mga ito.

Tiningnan nya ang mga motor ng mga ito sa side mirror.

"Lang ya, parehong upgrade ang ginagamit nila sa motor ni Misha. Jun, kumapit ka papasok tayo sa kakahuyan. Hindi tayo makakatakas kung ganito." medyo hesitant pa si Jun sa pagkapit sa bewang ni Czera dahil parang mababaliw na talaga sya sa nangyayari.

Paulit-ulit sa isipan nya na si Czera at ang kinikilalang nilang The Queen na kinikilabutan at kinakatakotan sa kalsada ay iisa lang. Bigla pa nyang naalala ang ginawa nito sa tenga ng lalaki dun sa silid ni Blake.

Nang maramdaman na ni Czera ang mga kamay ni Jun na kumakapit na sa kanyang bewang ay agad na nyang niloko ang motor nya sa kakahuyang nasa gilid ng kalsada. Pero nasundan pa rin sila at parang dumami pa ang mga ito. May mga humahabol sa magkabila nyang side. So far ay hindi pa sila napapantayan ng mga ito.

Bato-bato na ang daan sa loob kaya kelangang mag-ingat ni Czera para hindi sila pumalpak.

"Sorry Jun. Kung itinago ko ang katauhan ko sa inyo. I mean no harm. Gusto ko lang ng normal na buhay na malayo sa patayan. Yun ang rason bakit hindi ako pumapatay dahil ayokong pumatay. Ayokong mabihiran ng dugo ang mga kamay ko. Kaya kung pwedi, maaari mo bang itago ang tungkol sa akin?"

Hindi agad sumagot si Jun kaya napangiting malungkot na lang si Czera dahil alam nyang panloloko ang ginawa nya lalo ng iba ang isinagot nya sa tanong ni Jun noon kung paano sya nakakapagdrive ng ganun kabilis sa parehong sasakyan at motor. Maiintindihan nya kung hindi magagawa ni Jun ang ilihim ang katauhan nya sa iba.

"Kung makakalabas tayo dito ng buhay, gusto kong mag-usap tayo." ngumiti si Czera at tumango.

Pero di nila inaasahang may balang tumama sa lupa sa gilid nila kaya medyo nabigla si Czera sanhi upang malapit na silang matumba. But Czera is a pro kaya nabawi nya agad ang balanse nilang dalawa. Sunod-sunod pang mga putok ang naririnig nya.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon