CHAPTER 46: THE FIRST STEP

10.7K 265 20
                                    

Dedicated to: angelineegpas17

***

"Landon, alam mo ba ang pinapasukan mo?" andito kami sa loob ng parehong restaurant na pinag-almusalan namin ng grupo.

Dinala ko sya sa loob upang makapag-usap kami na kami lang dalawa. Umorder lang sya ng kape habang ako naman ay tubig na lang dahil nakapag-almusal na rin naman ako.

"Yes." diretso nyang sagot with a straight face.

"C'mon, you're just confused." biglaan kasi ang lahat.

One night naabotan ko ang lalaking ito na lasing and then the next day, he wanted to be my personal assistant?

"No." ulit ay isang diretsong sagot ang ibinigay nya sa akin.

"Landon, I have my own personal assistant. Wala lang sya dito ngayon dahil walang makakasama ang kapatid nya."

"And that's the reason why I'm here. Narinig ko kanina mula sa mga fans mo na wala daw ang personal assistant mo dito. So here I am. Era, please?"

"Landon naman, aagawan mo pa ng trabaho ang kaibigan ko? Landon, you have money, you have a complete family, you have almost everything, kaya bakit kelangan mo pang maging P.A. ko? Unlike MY P.A., sya na lang ang bumubuhay sa kapatid nya, ni kamag-anak wala na sila."

"Hindi naman pera ang habol ko, Era eh. I just want to understand something about myself." that leaves me speechless kaya hinayaan ko na lang syang magpatuloy.

"Gusto ko lang malaman kung ikaw ba ang makakapuna sa kakulangan na nararamdaman ko. Please, Era, kahit dito lang. Pagkatapos ng Christmas Olympics, I'm sure I can find the answer."

Binalot kami ng katahimikan. Now, I think I understand. The reason I keep pushing him away is because I'm scared. Takot ako na baka maulit lang yun lahat. Takot na akong umasa. Takot na akong mag-assume. Masasayang lang ang lahat na napagdaanan ko dahil lang sa lecheng maling akala na yan.

Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim. This still can't do.

"Landon, una sa lahat, ayoko kong gumawa ka ng agarang desisyon dahil nagkahiwalay kayo ni Melian na baka kalaunan ay pagsisihan mo. Pangalawa, you can still talk it over, mahal ka ni Melian at alam ko yun. Mag-usap lang kayo ang I know everything will be back in place. Kahit sinabi mo pang nasa sayo ang problema kung bakit kayo nagkahiwalay, still, andyan pa rin ang pangalan ko, I'm still involved. At pangatlo, my world doesn't revolve the same as your world. Hinding-hindi ka pweding makita ng camera, which, almost like a shadow to me. Dahil kapag makita ka ng camera, malaking gulo talaga."

"Unang-una din sa lahat, that's why I told you na kahit hanggang sa matapos lang ang Christmas Olympics, I'm sure I already have the answer by then. And once I got the answer, then the decision will be made. Pangalawa, you cannot say that you're involved dahil kung hindi dahil sa nangyari nung isang araw, marahil hindi ko pa marerealize itong gumugulo sa isip ko sooner that may later on hurt Melian so much. And because we've been together with almost everything, ayoko syang masaktan. At pangatlo, all I have to do is follow how Ren ran on everything around you. He also have the same reason, right? Hindi rin sya pweding makita ng camera kundi malaking gulo din."

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon