CHAPTER 41: THE CONSCIENCE

11.9K 300 39
                                    

Dedicated to: risseeyyy_wp

***

Hindi pa rin maialis sa isip ko ang nangyari kanina. Hindi ako nakareact pero ang mga manunuod na ang nagreact on my behalf. Andito ako at nakatulala sa harap ng salamin sa dressing room habang iniisip ang halik na yun. I touched my lips and I can still feel it. Nasa backstage pa ang ibang contestants at tinatapos ang event. Umuna na ako dito para makapagbihis at makapaghunos-dili.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Bryne. Nagkatinginan muna kami bago ko binawi agad ang mga tingin ko.

"Ito na pala ang huli nating pagkikita bilang Czera at Bryne." nagulat ako sa sinabi nya kaya napatingin ako sa repleksyon nya sa salamin na nagliligpit ng mga gamit nya.

"After this, you will be C of Dark Rebels and I'll be Ranchee of Kuro Tenshi. Not a team anymore. But enemies."

"B-bakit?" ay g***ga. You are not suppose to be asking him. Baka ano pang isipin ng isang to.

Tumingin sya sa akin sa pamamagitan ng salamin at nagsmirk.

"Iba ka talaga. Ganyan na ba talaga kami kaliit sa mga mata mo na pinapamukha mo pa talaga sa akin na di nyo na kelangang intindihan ang magiging performance nyo para sa Christmas Olympics? And to top that, I just fell in love with that careless attitude of yours. Worst, you're a rival." namula naman ako kaya yumuko ako at pinaglaruan ang damit ko. Buti na lang at iba ang pagkakaintindi nya sa tanong ko.

But... was he confessing?

"Kelangan naming maghanda ng grupo para sa Christmas Olympics para hindi kami magmukhang kulilat sa grupo mo. " napabalik ulit ang tingin ko sa repleksyon nya sa salamin and this time, naglalakad na sya palabas.

Pero bago pa man nya mabuksan ang pinto ay may mahina pa syang sinabi enough para marinig ko.

"I'm sorry about the kiss." at tuluyan na syang lumabas.

Ni hindi na sya muling lumingon sa akin at diretsong sinara ang pinto. Nakaramdam ako ng biglang panghihinayang. This day will be the last day na makikita ko sya. Isa pa, bakit hindi ako nakakaramdam ng galit o di kaya inis sa pagnanakaw nya ng halik sa akin? Is it because I was thinking that he's possibly Knight Rider? Napakagat ako ng labi dahil sa naisip ko.

Oh no, I'm not falling in love with him because of that kiss.

Napatalon ako ng mahina sa pagkakaupo dahil bumukas ulit ang pinto only to find na nakasilip si Bryne rito.

"D-do you want a ride?" lumundag yata ang puso ko dun.

Gusto kong sabihing oo pero andito ang DR.

"Uhm, n-no, thank you. Andito kasi ang buong DR. Nanuod sila sa atin kanina in disguise kaya sa kanila na ako sasabay."

"Napapalibutan nyo pala ako ngayon. Well, see you in Christmas Olympics." at tuluyan na syang umalis.

Di nagtagal ay dumating si Ren sa dressing room kasabay na rin ng ibang mga participants. Medyo natigilan pa sila ng makita ako dun. Halos ang mga babae kasing narito eh iniidolo din si Bryne. Pero deadma na lang ako sa mga reaksyon nila. At dahil nakaligpit na ako kanina bago pa sila dumating, ay agad ko na hinila si Ren palabas dala-dala ang mga gamit namin.

"What is that?" biglang tanong ni Ren habang naglalakad kami palabas ng likod ng amphitheater to join the others.

"It's part of the script. You know he's Ranchee so walang personalan yun. Just business, pasikat lang, to gain an audience impact." walang gana kong sagot.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon