CHAPTER 77: THE FIRST CLUE

2.1K 46 20
                                    

Dedicated to: Arciii_Jung

***

"Ano ba yan, si Jerome inaasahan ko ngayon eh. Bakit ikaw nandito?" halatang pang-aasar ni James.


"Hayop ka talaga Kuya, harap-harapan talaga yang favoritism mo." biglang sulong ni Jira at pinaghahampas ang kuya nya.

Parang kanina lang ay walang buhay ang mga mata nito tapos ngayon ay halos kumikinang na ito sa tuwa. Mukhang may potensyal din itong batang to sa pag-aartista. She can changed her expression naturally in just a second.

"Aray! Aray naman, Jiramae! Hoy, tama na! Di pa nga ko nakakalabas dito papaturukan mo na naman ulit ako ng dextrose! Aray ko, amp***tek!" reklamo ni James habang sinusubukang sanggain ang sunud-sunod na hampas ni Jiramae.

"Kainis ka kasi, Kuya." pagtigil nito sabay nguso. Kung tama ang nakikita ko ay may kakaunting luhang nabubuo sa mga mata nya.

Napangiti na lang si James at inilagay ang mga kamay sa ulo nina Jiramae at Joey.

"Salamat sa pagsundo, mga kapatids." even though it's a playful tone, makikita naman sa mga mata at ngiti nya ang totoo nyang nararamdaman. Lalong-lalo na't niyakap na nya ang mga kapatid nya.

Medyo natuwa naman ako sa loob-loob ko. I'm just so glad I saved Jerome from that business of his. Looking at James, parang kusa mong mararamdaman na ayaw mong madagdagan pa ang pinapasan nya. Yung gusto mo na lang syang protektahan.

"Ew Kuya, ang baho mo!" biglang kalas ni Jira sa pagkakayakap ng kuya nya sa kanya. Pinipisil-pisil pa nito ang ilong na para bang pumasok gang baga yung amoy ni James.

"Grabe ka, nakakaligo pa din naman ako araw-araw kahit andito ako ah." sininghot-singhot pa ni James ang sarili.

"Magbihis ka na nga daw kasi, Kuya James. In-ootd mo na daw kasi yang hospital gown mo." pang-aasar ni Hope na tinawanan naman ng iba sa amin.

"Mga animals kayo. Pakiabot na nga lang ng pampalit ko dyan." maghuhubad na sana si James nang bigla syang pinigilan nina Hope, Soul, at Aron.

"Hepz, sandali lang. . ." pigil ni Hope sa braso nya.

Tumingin si Aron sa akin at ako naman na walang kamalay-malay sa ibig sabihin ng tinging yun ay tumaas ang kilay at tumingin na lang sa iba umaasang may makuhang sagot.

"Talikod." matigas na utos ni Aron.

"Huh? Why would I?" syempre ako naman itong walang ginawang masama tapos gaganyanin nya lang ako bigla-bigla? Di porke't sya leader?

"Malamang. May magbibihis." masungit nyang sagot pabalik.

"Eh bat kelangan kong tumalikod? May malaking jugabels ba si James? May di ba dapat ako makita? Ilang taon na tayong magkakasama sa iisang dorm, halos araw-araw nakikita ko kayong kung san san lang naghuhubad ng tshirt, immune na immune na ako sa inyong lahat! Wala bang shorts yan sa baba, ha?" kunyare lang beast mode ako.

Bago pa ko patulan ulit ni Aron ay pumagitna na si Jun sa amin at hinawakan ako sa magkabilang balikat at inikot patalikod sa kanila.

"Leader natin yan, sumunod ka na lang kasi." ito na nga ba sinasabi ko.

"T-Teka nga— Ano may tinatago ba, ha? May malaki ba dyan, ha?" pagpprotesta ko pa din.

"Basta tumalikod ka na lang!" ano pa ba magagawa ko? Sabay-sabay na yung apat.

Alam mo yung di mo pa din magets yung point nila kung bakit kelangan mong tumalikod? But because it's Soul, Hope, Aron, and Jun we're talking kaya shut up ka na lang talaga kung gusto mo pang masikatan ng araw.

Tanghali na nang makalabas kami ng ospital at kasalukuyan nang bumabyahe pabalik ng dorm. Nasa passenger's seat si Cas at katabi ang driver namin habang nasa pinakalikod naman ako ng sasakyan with Soul on my right and Vein on his right. Sa madaling salita ay nasa gitna namin ni Vein si Soul. I don't know if it's just me but it's already so weird that Vein's acting this way. It's like he's been sulking this whole time. Ilang araw na din nakakaraan at hanggang ngayon ay hindi ko na nakikita ang kakulitan at mga ngiti nya.

Thinking about his smile, I turned to look at him. Nakapikit si Soul sa peripheral vision ko habang si Vein ay malayo ang tingin sa labas ng bintana. Ano ba talaga ang nangyayari?

I stopped my thinking when he suddenly looks at me. He smiled at me for a sec tsaka pumikit na din. It's not his usual smile. Para bang ang bigat ng labi nya for just a smile.

Napabuntong-hininga na lang ako't binalik ang tingin sa harap. I'm currently looking at James na nasa front row kasama ang mga kapatid sa tabi nya. I don't know if I need to step in or not. I don't know if I should be a friend to them or just mind my own life kasi sino lang naman ako? I'm a spy and a traitor.

Drowning from my thoughts, medyo nabigla ako sa bigat na biglang bumagsak sa balikat ko. Napalingon ako kay Soul na mukhang ngayon lang nakatulog ng maayos kaya hinayaan ko na. Napansin ko ding nakatingin si Vein kay Soul at nang mapansin nyang nakatingin ako sa kanya ay tumingin din sya sa akin. Di nagtagal ang titigan namin at sa labas na naman ulit sya nakatingin. Parang sinapian kung baga ng ibang katauhan si Vein.

Ilang mga minuto pa ang lumipas at nakarating na kami sa wakas sa dorm kasunod ni Jin. Nasa kabilang sasakyan kasi Jin nagmamaneho at sya ang nauuna sa van kung saan kami nakasakay.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon