CHAPTER 52: THE CHRISTMAS PERFORMANCE

8.6K 218 21
                                    

Dedicated to: Junior_1022

***

Nanuod si Soul sa practice namin just outside our cottage. Di na kami dun sa may dalampasigan nagpractice since tapos na kaming idokyu. Maybe some later pero parang clip na lang ang kukunin nila mula sa amin. Maipakita lang sa mga manunuod ang practice namin. Syempre andyan pa rin ang photographer and videographer namin. Hindi sila mawawala hanggang sa matapos ang event na ito.

"This won't do. Break muna tayo." sigaw ni Aron. Di kasi nakasama si Kuya Chris na choreographer namin dahil busy sya sa paghahanda ng kasal ng long time partner nya kaya ito, kami na lang ang nagpopolish.

Dalawang oras pa lang kami nagprapractice pero hindi pa rin kami nakakausad sa part ni Soul kung saan si Hope na ang nagtake over. Kahit ako ramdam ko na parang may mali. Hope can rap the lyrics pero parang may something talaga na hindi bumabagay. I think Aron feels the same kaya hindi sya mapakali.

Nakatingin ako sa kanilang lahat habang may kanya-kanya silang ginagawa. They were all looked stress. Sa tingin ko hindi lang kami ni Aron ang nakakaramdam sa mali, everyone does.

Sinulyapan ko si Hope sa bandang gilid ng damuhan, he's there with his earphone on. Sa tingin ko'y pinapractice nya talaga yung part ni Soul.

Napabuntong-hininga na lang ako. Di ko akalaing they're also experiencing this kind of pressure. I mean, I've been with them for almost a year now pero di ko pa sila nakitang ganito ka-pressured. Most of the time kasi, pa-chill chill lang sila like they didn't care kung ano kalalabasan ng performance, but this time, it's different.

Naglakad na lang ako papuntang table kung saan nakalagay ang mga iba't-ibang mga inumin para sa amin. Kumuha ako ng isa at ininom ito. Habang umiinom ako ay napatigil ako ng makita kong napasuklay ng buhok si Hope. Demn, kung may magagawa lang sana ako. I could tell him those pleasing words to cheer him up but I doubt it could really help him. I don't want to raise someone's hopes up just because of those sugary words. It's best if he could learn it himself. Besides, wala din namang ginagawa ang iba. Not because pinapabayaan o wala silang pakialam kay Hope, but it's because they trust him.

Trust.

The only thing I don't deserve to have from them.

"Aren't you gonna cheer him up?"

"Holy cabbage! Soul! Wag ka namang manggulat." pero parang sya pa yung mas nagulat sa amin. Tingin ko kasi parang may espada syang huhugutin sa likod nya.

"Sorry. I didn't mean to scare you. I just... uhmmm, want to... you know... wag na nga lang."

"Want to start a convo with Czera? Keep it up dude." tas tinapik ng napadaang James ang likod ni Soul. Rinig ko pa yung paglagapak ng likod ni Soul.

Napatawa naman ako ng konti ng marinig ang mahinang mura ni Soul at ang nahihiyang sulyap nya sa akin. So he wants to start a conversation with me?

"Alam mo Soul, kung gusto mo lang namang makipag-usap sa akin, pwedi bang sa susunod wag mo na akong gulatin?" this might be the first step para maging komportable na si Soul sa akin. Syempre may halong tawa effect yun para pangpacool down ng sistema ni Soul.

"I said I didn't mean it." totoo ba to? Nagbublush si Soul?

"Fine, since parang ikaw pa yung mas nagulat sa atin." tas tumawa na naman ako.

Kumuha si Soul ng maiinom tas umupo sa nag-iisang silya na natira sa round table. Pinanuod ko syang uminom. Di halatang grabe ang nerbyos nya sa laki ng lunok nya. Pero sige lang, one step at a time, it's really good to know that Soul is making an effort to conquer his fear. I wonder what made him face his fear all of the sudden? Ngayon lang nya kaya naisipan yun?

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon