CHAPTER 68: THE SECRET AFFAIR

3.9K 115 27
                                    

Dedicated to: EvangelineAlorro

***

JAMES POV

Mukhang kelangan ko ng bumalik sa camp, hindi na ko pwedi pang magtagal dito sa kakahuyan. Sa kabila pa ng pagmamadali kong makabalik, napansin ko ang isang pigurang tumatakbo.

"What the-" mabilis na lumipat ang tingin ko dun sa kausap ko lang kanina.

Nasundan ba ako? Nino?

Agad namang naramdaman ng kausap ko ang pigurang pasugod sa kanya. Sinubukan syang hilahin ng pigura sa braso paharap pero bago pa man mangyari yun ay naitakip na nya ang helmet nya sa mukha nya.

Sa sandaling pagtigil ng oras na yun, nakilala ko ang kataohan ng pigura.

"Czera!!" sigaw ko. Pero natigil ako. Hindi nya dapat malaman na andito ako, ano na naman ipapalusot ko ngayon? Pero... may gana pa ba akong isipin ang kagipitan ng sarili ko kesa sa nangyayari ngayon sa harap ko?

Yung akala ko tusta na ako, pero buhos na buhos na yung atensyon nya sa rider hanggang sa tinakbohan na sya nito. Naisuot na ulit ng rider ang helmet nya sa ulo pero mukhang di talaga sya titigilan ni Czera at agad na humabol.

Ikaw, James, ano pa ginagawa mo dyan?

Bahala na nga.

Wala sa isip ay nakihabol na din ako. Di iniinda ang mga sanga at mga batong nadadaanan. Hindi nya pweding malaman ang ginagawa ko sa likod ng grupo. Hindi ko na alam ang dapat kong gagawin, panu ko pa to lulusutan. Dead end na ba?

"Czera, tigil!" tawag ko pa. Bahala na. Kelangan kong ilayo si Czera kahit hindi ko alam kung saan hahantong ang habulan na ito.

Bakit ambilis tumakbo ng babaeng to?

Maaabot na ni Czera si Knight Rider, isang tulak na lang. Pero hindi pwedi. Bilis, James!

Nahila ni Czera ang likurang parte ng damit ni Knight Rider. Akala ko lagot na pero biglang itinapon ni Knight Rider ang braso nya palikod kung saan matatamaan si Czera.

Hindi nga ako nagkamali. Dahil nasa running pace pa sila, madaling naout balance si Czera ng natulak sya ng braso ni Knight Rider.

Pero ng papalapit na ako, dun ko na nahalata na nasa gilid na pala sila ng isang maliit na bangin. Tsaka lumipat ang tingin ko sa papahulog na na katawan.

"Czera!"

CZERA POV

Natauhan ako ng biglang umikot paningin ko at nagpagulong-gulong na sa padalusdos na lupa. I got nothing in mind but the desperation na matanggal ang helmet na yun. Halos di ko na din inisip ang daan at ang mga nadadaanan ko. I was eaten by my own desperation and it made me think like a careless fool.

Nakakapit ako sa isang ugat ng puno. Sinubukan kong hilahin ang sarili ko patayo pero p*tan*na, ang dulas ng lupa at yung ugat na kinakapitan ko parang matatanggal pa yata sa lupa, idagdag na din ang umiikot kong mundo. Dammit, Knight Rider. I thought I'm your Queen and I'm someone you're suppose to protect, pero ikaw pa yata ang magdadala sa akin sa hukay. And I know that is not an impossible thing to happen.

But this is not the time to think about that. I keep pulling myself up ng makarinig ako ng kulog. Napatingala ako para sana tignan ang madilim na kalangitan pero nakita ko ang pagsuntok ni James kay Knight Rider.

"G*go ka!" I was stoned seeing that. What the h3ll, James! Magsswimming ka na ba sa hukay mo!? Kung ibang tao yun, okay pa. But Knight Rider!?

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon