CHAPTER 3: THE MEET AND GREET

24.6K 506 80
                                    

"Sino ang misteryosong babae nato na balibalita na magiging bagong myembro ng Dark Rebels? Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga babaeng fans ng DR? Kausapin po natin ang isa sa kanila."

"Sana po maganda sya para match na match po sya para sa DR."

"Nakakainggit po sya kasi makakasama nya po ang buong DR mula paggising hanggang pagtulog. Sana ako na lang. kyaaah!"

"Sa tingin ko makakasira yang babaeng yan sa image ng DR. I mean, boy group kaya sila tapos bigla lang syang sisingit? Anong labas nyan?"

"Salamat sa opinyon ninyo. Sari-saring opinyon, positibo at negatibo, pero nasa kakayahan pa rin nakasalalay ang mas pagsikat pa rin ng grupo. Nagbabalita, Zinc Alic, Pambansang News Report." pinatay ko na yung tv.

Ay ewan, puro na lang DR ang naririnig ko sa telebisyon. Hapon pa kasi klase ko kaya andito pa ako ngayon sa bahay.

"Di ka pa nakikita, laman ka na ng balita girl." tumingala ako sa nagsalitang Ren na pababa mula sa hagdan.

"Che. Tulog pa ba yung babae mo?"

"Yes my dear. Pano pa naman kung makapangabayo, kala mo di aabot sa karera."

"Haay nako Ren, papasok ka ba mamaya?"

"Naman. by the way, pano kung malaman ng buong university na ikaw ang bagong myembro ng DR?"

"Bahala na sila kung malalaman nila, sa ngayon di ako interesadong ipagsigawan sa mundo na makikiisa ako sa DR na yun. Pakiramdam ko parang nahahawaan na ako sa malansang baho ng mga yun. Juice ko, makikitira ako sa kanila tapos anong alam ko kung may mga hygiene ba ang mga yun."

"Ang arte mo ha. Kung ganun iiwan mo na talaga ako dito? Huhuhu. "

"Nako naman Rena, dorm yun hindi bahay, syempre pag makakaluwag ay babalik naman ako dito. At wag na wag mo akong eemotan dyan, alam kong hindi ka na makapaghintay na mawala ako para makapagdala ka dito ng maraming mga pleasures mo. Nako ha, baka isang araw mababalitaan ko na lang na ama ka na."

"Ama? Me? No way! That's a no no. That will never ever happen."

"Talaga lang ha. And let me remind you, konting respeto sa bahay ha, baka magpaparami ka dito ng mga warrior bees mo."

Sinabunutan lang ako ng bakla at dumiretso na ng kusina.

Yes, nasa iisang bahay kami ni Ren. Sa ibang bansa nagtratrabaho ang parents ko at para may kasama ako, ito binilhan kami ng own house namin ni bestfriend.

Wala na kasing parents si barney. Buhay pa ang mama nya pero sumama ito sa ibang lalaki kaya nagpakamatay ang papa nya. And because of that tragic event, inadopt na sya ng parents ko pero hindi sa papel. Ayaw nya kasing palitan ang apelyido nya, sapat na sa kanya na may matawag syang mama at papa.

That's also the reason kung bakit ayaw nya maging lalaki dahil ayaw nyang magpakabaliw sa babae tulad ng ama nya at ayaw din nya sa babae dahil sa ina nya. Kaya ginagawa nyang laruan ang mga babae except me kasi hindi naman daw ako babae.

Ewan ko kung matutuwa ako o maiinis. But, well, he's still my childhood bestfriend.

*Two weeks after*

"Baaaaklaaaa....huhuhu. Wag na wag mo akong kakalimutan ha. Text ka sa akin everyday. Gawin mo akong diary, sabihin mo sa akin kung sino sa kanila ang may malutong na abs." ngayon na kasi ako lilipat sa dorm and will be living with DR from now on kaya heto ako ngayon sa labas ng bahay naghihintay ng sundo mula sa CEO ng NGR Entertainment.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon