CHAPTER 1: THE AUDITION

53.9K 797 123
                                    

"Number 0948? Are you around?" sigaw ng organizer nitong audtion na pinasukan ko.

"Present." sabay tayo mula sa kinauupuan ko.

"You're up. Goodluck." palo nya sa balikat ko.

Pumasok na ako sa kwarto kung saan naghihintay ang mga huradong maswerteng makakakita sa aking pang-international na talento.

May apat na mga hurado ang naghihintay sa akin mula sa Entertainment na papasukan ko, ang BTE Entertainment.

"Ang pangalan ko po ay Czera Vervain Presco, 19 years old. I will dance and sing."

Bakit gusto kong pasukin ang BTE Entertainment? Pinili ko ang BTE Entertainment kaysa sa kalaban nito, ang NGR Entertainment kung saan hinahandle ang pitong kalalakihan na kinaiinisan ko.

Ang Dark Rebels na binubuo ng pitong pa-inosento "kuno" na mga kalalakihan. NGSB o No Girlfriend Since Birth daw silang lahat, eh sa dami-dami pa namang nagkakandarapang mga babae sa kanila, malabong di pa nag-gigirlfriend ang mga yun. Eh nung high school kaya sila, malabo ding hindi nagkakagirlfriend, makakapasok kaya sila sa industriya kung mga pangit sila at walang potensyal? Di ko sila pinupuri ha.

At hindi lang ang pagka-NGSB nila na pagpapanggap ang kinaiinisan ko, the way they dance and sing were also lies. Bakit lies? Eh kasi plastik silang sumayaw. Di ko nakikita ang mga puso nila pag sumasayaw sila. All they do ay magpa-cute at magpa-astig lang sa harap ng camera pati na rin pag kumakanta na sila, para bang hindi sila marunong magkwento, all they do is just read the lyrics and sing.

Di ko maramdaman ang meaning ng kanta pag sila ang kumakanta. Kaya gusto ko silang lampasan. Gusto kong ipamukha sa kanila kung pano magpakatotoo pagdating sa pagkanta at pagsasayaw at ako ang magiging matindi nilang kalaban sa industriya.

Kung para sa inyo ay napakababaw ng mga dahilan ko, pwes hayaan nyo na lang ako dahil kwento ko to.

Isa pa, may gusto akong patunayan sa isang taong bumasura sa akin. I want that person to regret and see what I'm capable of. How it's such a waste na tinapun nya lang ako.

"Show us what you got then." utos sakin ng CEO ng BTE Entertainment na si Mr. Christhan Van Penly.

Kinanta at sinayaw ko ang Call My Name by Cheryl. And I gotta say, binibigay ko ang lahat.

"Ok, stop." napatigil ako sa kalagitnaan ng performance ko ng pinatigil ako ni Mr. Penly. "You can sing, you can dance. But....can you act?"

"P-po?" naguluhan ako sa tanong nya. Nag-audition ako for singing and dancing at hindi sa acting.

"I am asking you if you know how to act." sagot nya.

"Uhhm, hi-hindi naman po ako nag-audition for acting kasi di po ako mahilig sa drama."

"Acting isn't all about drama. Oo, magaling kang sumayaw, maganda boses mo. But what you luck is acting. Pag kumakanta ka, you need to act to express the meaning of every lyrics. Pag sumasayaw ka na naman, acting is also essential because dancing is expressing the music without words. Hindi porke't yung performance mo was all jolly, well, the beat of the song is the only foundation na matatawag mong jolly. But when you look deep into the lyrics, it's about confusion. Confusion of the subject when a certain someone calls the subject's name. You can't always base your facial expression to the beat Ms. Czera."

"But sir, hindi naman po ako pweding maging malungkot or ibigay ang confusing atmosphere pag yung genre ng sayaw ko ay-"

"That's why before you make your dance routine, listen to the message of the song. You're accepted with condition."

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon