CHAPTER 8: THE MERCILESS SMILE

17.9K 364 22
                                    

Dedicated to my adorable frenny: pathy_1721

Hence, Patricia later in the story :)

***

Nagising ako sa kalabog ng pinto at ng binaling ko ang aking mata sa wall clock ng kwarto ay alas sais na pala ng umaga. Kapag walang schedule twing weekend ay hindi ako nagigising sa nakagisnang oras ng paggising ko na 5:00AM which also apply pag may klase ako. Nasanay na rin akong maligo at lumabas na naka-bathrobe na nasa labas ang buong grupo.

Bumangon na ako at lumabas ng kwarto.

"Gandang morning Jin." masayang bati ko habang bumababa ng hagdan ng makita si Jin na naghuhugas ng pinggan.

"Good morning din sayo prinsesa. Maganda yata gising natin ngayon ah." sagot nya.

"Nadagdagan kasi ng isang oras ang tulog ko. Ano ba pweding kainin?" tanong ko at naghukay sa ref pati na rin sa cupboard na nilalagyan ng pagkain at sad to say loaf bread at cup noodles na naman ang nakita ko kaya napabuntong-hininga ako.

Tumawa si Jin, "Alam ko kung anong iniisip mo prinsesa. Hintayin na lang natin si Cas ok?"

"Eh mamaya pa yun darating eh. Nagugutom na ako. Total rest day naman natin ito ngayon, why dont we try cooking our own food?"

"Yan din ang gusto ko prinsesa. Kaya lang wala namang mag-grogrocery sa atin eh. Hindi ko naman pwedi iwanan itong kusina pag andito sila dahil pag gumising na ang mga yun sigurado akong sasabog itong buong kusina."

Napaisip ako, "Then ako na lang lalabas." napatingin si Jin sa akin kasabay naman nito ang pagbaba ni Hope.

"Alam ko na ang iniisip mo. Don't worry, hindi naman ako mag-isang lalabas eh, di ba Hope? Sasamahan mo akong mag-grocery?" at bumaling ang tingin namin ni Jin kay Hope na humihikab pa.

"Ha?" sabay turo sa sarili tsaka binigyan ko sya ng isang malapad na ngiti sanhi para mapahilamos sya sa kanyang mukha at akmang aakyat ulit pero napigilan ko ang braso nya.

"Hope naman. Please? Samahan mo na ako. Ikaw pa gising eh. Ayaw mo nun? Makakain tayo ng masarap. Mas masarap pa dun sa dinadala ni Cas." at nagpout ako.

Napabuntong-hininga na lang sya at tiningnan ako, "Sige na nga. Mauna ka ng maligo at bilisan mo. Wala pa masyadong tao pag ganitong oras."

"Wahooo! Rinig mo yun Jin? May kasama na ako!" at nakita ko sa kanyang mukha ang ngiting pagsuko.

Si Jin na ang naghatid sa amin ni Hope habang naka-disguise sa malapit na supermarket kasi hindi pa dumadating ang driver namin. Ipapasundo na lang daw kami sa pag-uwi.

Hinintay naming makalayo ang sasakyan bago kami pumasok. Ginawa naman namin ang hinabilin ni Jin ng chineck kami ng guard at nakilala naman si Hope kaagad pwera lang sa akin na mukhang pinagdudahan pa ako nung una pero ng makitang si Hope ang kasama ko ay ngumiti na lang ito sa akin.

Ano pa ang silbi ng pagdidisguise ko eh hindi naman pala ako nakikilala pag walang make up. Tinanggal ko na lang ang cap ko at bumagsak ang mahaba kong buhok.

"Uy, anong ginagawa mo? Baka may makakilala sayo." pigil sa akin ni Hope ng tatanggalin ko na rin sana ang sunglasses ko.

"Tsk, nakakapasok nga ako ng university na walang nakakakilala sa akin na halos usap-usapan nga ang DR dun araw-araw." at tuluyan ko ng tinanggal ang buong disguise ko.

"Kakaiba ka talagang babae ano?" pagsuko nya.

Nilibot namin ang buong supermarket at pinupunterya ang mga sales. Pero naparami pa rin ang nabili namin dahilan upang sumubra sa perang ibinigay ni Jin sa amin.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon