CHAPTER 30: THE MANSION

11.1K 290 15
                                    

Dedicated to: Myseymeyn

***

CZERA POV

Ipinako ko ang mga tingin ko sa daan. Tahimik lang silang lahat sa suhistyon ko at alam kong maski si Vein na nakasunod na sa amin ngayon ay nakikisunod na lang sa kung saan papunta ang sasakyang ito.

I need to protect them lalong-lalo na si Jun. At kung ganito sila kabilis, walang duda na hanggang sa bahay ay masusundan nila kami.

"Jin, pakikuha naman ng phone ko sa bulsa ko please." utos ko kay Jin.

"Ha? Sa-saang bulsa?" hesitant nyang tanong.

"Sa kaliwa." sagot ko na di pa rin tinatanggal ang tingin sa daan at kung minsan ay sinulyap-sulyapan si Vein sa rear view mirror.

Medyo nakiliti ako ng kinapkap na ni Jin yung kaliwa kong bulsa.

"Pakihanap naman dyan sa contacts yung B Fausto tsaka pakitawag na rin." utos ko ng makuha na nya.

Itinapat ni Jin yung phone ko sa tenga ko. Di ko kasi mabitawan ang manubela dahil hindi na biro ang humahabol sa amin. Desperado na silang maabotan kami kaya ng may sumagot na sa kabilang linya ay nagsalita na ako kaagad.

"Fausto, pakistand by naman ng family vehicle sa may intersection. We need a get away vehicle, may humahabol sa amin sa kasalukuyan." [Yun lang po ba lahat Miss Czera?]

"Kelangan din naming back up. May isa kasi kaming kasamahan na nakamotor baka di sya makaabot sa paglipat ng sasakyan. Isa pa motor ng isang kaibigan ang ginagamit nya kaya di pweding iwanan na lang yung motor. See you in 5 minutes." pagtatapos ko at agad namang ibinaba ni Jin yung phone.

"Hold on to your horses guys." babala ko sa iba bago ko ifull speed ang sasakyan.

Narinig kong napasinghap sa likuran ko si Jin but I have no choice. Papalitan ko na lang ang sasakyang to kung masisira man.

And in 5 minutes nga ay narating na namin ang intersection na sinabi ko at andun na ang itim naming Wild Track Ranger na naghihintay sa amin at sa tapat nito ay ang mga ilan naming mga butlers.

"Baba!" sigaw ko at walang pag-aalinlangan ay sumunod din sila sa akin.

Dahil medyo nakakakilos na rin naman si Jun ay konting alalay na lang ang kinakailangan nya. Ganun pa man, sa likod pa rin ng driver's and passenger's seat sila nakapwesto ni Jin habang ang iba ay nasa likuran sa labas ng sasakyan.

Nang nakapwesto na ang lahat, "Sa mansyon na po ba tayo Miss Czera?"

"Yes Fausto. Bilisan mo." agad na umandar ang sasakyan at umalis na sa lugar.

Dahil na passenger's seat na naman ako, chineck ko si Vein sa likuran at mabuti naman nakalagpas na sya sa mga butlers ko.

Now I can say that we are safe.

Mga professional butlers ang kinukuha at hinahasa sa aming pamilya kaya may tiwala akong they can take care of those wannabe goons.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa tapat ng gate ng mansyon. Bumaba kaming lahat sa sasakyan at kasabay nito ang pagtawag ni Fausto sa telecom nya para mabuksan na kami ng gate. Bumaba at pinark ni Vein ang Rousser sa tabi and joined us.

Nang bumukas na yung gate, dalawang mga butlers ang tumambad sa amin.

"Maligayang pagbabalik po Miss Czera." magkasabay na bati ng dalawang butlers habang nakayuko.

"Pasok kayo guys." nagsimula na akong maglakad pero ng maramdaman kong hindi sila nakasunod sa akin ay nilingon ko ulit sila at halos magkapareho lang silang lahat ng reaksyon.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon