CHAPTER 49: THE MONSTER

8.9K 260 36
                                    

Dedicated to: GummyPandas

***

"T-Teka... h-hindi ako pwedi na ano..." with Soul stuttering, itinaas ko ang kanang kamay ko upang makuha ang atensyon ng host.

"Yes, any problem there?" sagot naman ng host sa akin.

"Uhhmm, pwedi bang palitan si Soul? I mean, everyone knew that he's gynephobic. Kaya-" hindi na ako pinatapos ng host.

"Well, according to the rules, you can't. Rules are rules unless you can show me a valid medical certificate from his doctor stating that he can't play because HE...have gynephobia. We're observing fairness here. Ok, players! Gather around..."

Habang patuloy na nagsasalita ang host, lumingon ako kay Cas na nakalapit na sa amin.

"Cas, can't you do anything about it?" tanong ko habang nakikita ko ang mga nag-aalalang mukha ng mga kasamahan ko.

"I think I can't, C. Dehado din kasi tayo sa host because he's working with BTE Entertainment. Kaya siguro ganun na din sya kahigpit sa atin."

Nagtinginan kaming anim dahil sa sinabi ni Cas. Sabay-sabay din kaming napalingon kay Soul na hindi na maipinta ang mukha. Di mo alam kung may kinain ba syang maasim o natatae na ba sya.

"Ang ibig sabihin ba nito ay wala na talagang choice si Soul?" tanong naman ni Vein.

"Mukhang ganun na nga." sinagot naman sya ni Aron.

Nakita kong napahilamus ng mukha si Soul at tumingin kay Cas na para bang humihingi sya ng tulong through his eyes.

"Sorry, Soul. Gustuhin ko man ring palitan ka, wala na tayong magagawa. It's either you go in, or give the group up." parang nabasa din naman ni Cas ang gustong ipahiwatig ni Soul sa mga tingin nya.

"No... the group stays... uhmm..." biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nya at tumingin sa akin saglit, pagkatapos ay inilibot na nya ang paningin nya sa iba.

"I-I-I'll... p-play." halos lahat kami ay lumuwa ang mga mata.

Tama ba yung narinig ko? Tama naman siguro dahil halos pareho kaming lahat na nagulat.

"Soul, wag mong pilitin ang sarili mo. Alam namin kung gaano kahirap ito sayo. And don't worry, naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo eh." saad ko sa kanya kahit nasa ribbon pa rin ang mga tingin nya.

"I just can't give up." malumanay nyang sagot.

"I am a Dark Rebel. I don't want to bring down the group because of fear. I will take on the battle... heads on." sabay ng katahimikan namin dahil sa sinabi ni Soul ang katahimikan ng lahat.

Naghahanda na pala ang lahat ng kani-kanilang mga sarili. Hindi na namin nabigyang atensyon ang mga nonsense na sinabi ng host kanina. Ang importante ay alam namin ang magiging takbo ng laro.

Nahuli kong nakatingin si Soul sa akin and this time ay hindi na nya iniwas ang mga tingin nya.

"Just let me think that you're a guy."

"HA?!" sabay pa talaga kaming lahat at medyo napalakas din dahil napalingon ang ibang mga manlalahok sa aming direksyon.

"Soul, bumigay ka na ba? Sinusuko mo na pagkalalaki mo? Naghahanap ka na ngayon ng lalaki? Andito naman kami ah, bakit kelangan gawin mo pang lalaki ang isang babae?" tas biglang binatukan ni James si Vein na nagloloko na naman.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon