CHAPTER 47: THE MESSAGE

9.2K 250 21
                                    

Dedicated to: Jungkook_18harthart

***

"Look at you. The first time you walked into that audition room and to my office to make that deal, you're just that desperate, plain and ordinary girl wearing such defiant eyes who I thought could be the perfect adversary to bring down NGR Entertainment. But now?" pinasadahan nya ako ng tingin mula sa paa hanggang sa tumigil ang mga tingin nya sa aking mga mata.

"You're already dressed like a true superstar. A double-crosser superstar, I say. Kaya mo lang naman nakamit ang kinatatayuan mo ngayon dahil sa akin, but in the end, you choose to betray me. But still, I think I deserve a thank you. Kung hindi dahil sa akin, do you think you'll be here? Sa tingin mo masisinghut mo ang parehong hanging hinihinga ng mga sikat?" pakiramdam ko tumayo ang mga balahibo ko sa katawan sa ngiti nyang alam kong iba ang sinasabi.

Ewan ko na lang kung nakita ba nya ang paglunok ko.

"Mr. Penly, ayoko ng gulo ngayon. Alam kong sisingilin nyo ako one of this days pero sana wag muna ngayon." ni hindi ko masalubong ang mga tingin nya sa akin pero alam kong mas lumawak pa ang ngiti nya.

"Don't worry, my dear. Sabi nga nila, pag mataas ang lipad, mataas at malakas din ang bagsak. So I'll let you enjoy your fame for now until you're too high to pull down easily."

Kung titingnan kaming dalawa, parang nag-uusap lang kami ng kaswal. Just getting to know each other, pero walang nakakaalam sa totoo naming pinag-uusapan. At ngayon? Pakiramdam ko, ang putla ko na.

"Mr. Christhan Van Penly." mas lalo pa yatang lumamig ang hangin ng marinig ko ang boses ni Ms. Novie sa likuran ko. Narinig nya kaya?

Itinaas ni Penly ang kanyang mga mata lampas sa aking ulo indicating na nakatingin sya kay Ms. Novie na nakatayo doon. Pero hindi nakaligtas sa aking mga mata ang sakit at galit na panandaliang nakita ko sa mga mata ni Penly. I thought so, there's something between him and Ms. Novie.

"Ms. Novie Grace Reese." biglang lumamig ang kanyang boses.

Tatayo na sana ako para batiin si Ms. Novie pero hinawakan na nya ang aking mga balikat kaya nanatili na lang akong nakaupo.

"Are you messing with my talent, Mr. Penly?" ayun sa tono ng pananalita ni Ms. Novie ay mukhang wala naman syang narinig.

"Why should I mess with your talent, Ms. Reese?" sabay tayo ni Penly kaya tumayo na rin ako at medyo umusog sa gilid dahil nasa gitna nila ako.

Nang inangat ko ang aking mga tingin kay Penly, nakangiti na ulit sya this time. Ang ngiting ipinakita nya rin sa akin kanina.

"Dahil pareho nating alam na mas mataas ang baraha ko kesa sa mga baraha mo?" sumilip din ako ng konti kay Ms. Novie at kalmado lang ang kanyang mukha.

Tumawa ng mahina si Penly.

"Parang sinasabi mo na rin na nasa sayo ang alas, Grace." nahuli ko ang panandaliang pagkunot ng noo ni Ms. Novie. Does she hate being called Grace? Lalong-lalo na kung si Penly ang nagbigkas nito?

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon