CHAPTER 16: THE ESCAPE

10.2K 295 18
                                    

Dedicated to: wooseokshin

***

The smell of the sea. The roar of the waves. I open my eyes in the darkness.

No. A light. A flickering light on the ceiling.

Asan na ba ako?

Ah. Napalaban pala ako.

Ito na ba ang impyerno? Bakit hindi ko nararamdaman ang init? Bakit malamig ang paligid? Bakit nararamdaman ko ang ihip ng hangin sa mukha ko?

"From the day I was born... until the day I die... I'm on no one's side but my own." boses yun ni Aron.

Aron!

Agad akong nagisingan ng loob. Nilibot ko ang aking tingin sa kinalalagyan ko ngayon.Isang maliit na silid na gawa sa kahoy at sa bandang kanan ko ay may maliit na bintanang nakabukas sa itaas na pinanggagalingan ng hanging nakakapasok sa silid.

Sa gilid ko naman ay isang malaking kandila na nagsisilbing liwanag sa buong silid. Nakahiga pala ako sa matigas at malamig na higaan.

"Mamamatay ka dahil sa katigasan ng ulo mo!" napatingin ako sa kaliwa ko dahil sa boses ng isang lalaki.

Sa pagtingin ko sa lalaki ay kasabay din nito ang paghampas nya ng isang bakal kay Aron kaya napabalikwas ako mula sa pagkakahiga.

"Aron!!" hindi ako agad nakabangon dahil nakatali ng lubid ang mga kamay ko sa aking likuran pati na rin ang aking mga paa isama na rin ang hapdi sa aking balikat.

Nakabaon pa rin ata ang bala.What do I expect? May nurse sila dito? Kidnapping nga ito di ba? Sino namang kidnapper ang gagamotin ang kanilang kinidnap?

"Oho! Gising ka na pala. Sayang at hindi na kita natikman." ngumiti yung lalaki sa akin at naglakad palapit sa akin.

Tiningnan ko si Aron.Ilang oras ba ako nawalan ng malay? Hindi naman sya ganya kabugbog bago ako tuluyang nawalan ng malay ah.Mukhang lantang gulay na kasi yung buo nyang katawan. Nakapikit ang kanyang mga mata ngunit nakikita ko naman ang konting galaw mula sa kanya. Nang umubo sya, madaming dugo ang lumabas sa kanyang bibig na halos nakikita ko ang pagkalat nito sa sahig.

"What did you do to him?!" sigaw ko ng nasa harap ko na sya. Nakatagilid kasi ako at sinusubukang kumalas mula sa pagkakatali.

"Ooohohoho. English pekene. Hindi na masama." sabay lapit ng mukha nya sa akin. "Hindi ka na mahihirapan sa mga customers mo."

Lumayo sya sa akin at pinisil yung tama ko. Napakagat-labi naman ako dahil sa kirot na naglakbay pa sa ulo ko.

"Oooh. Masakit ba? Sorry ha." at bumalik sya dun kay Aron tsaka pinatid-patid.

"Darating ang barkong susundo sa inyo mamayang alas tres ng madaling araw. Kaya... pakabait ka ha. Dahil kung hindi... matutulad ka sa isa dyan."Lalabas na sana sya ng magsalita ako.

"Saan nyo kami dadalhin?"

"Hmmm? Sa magiging amo nyo. Milyon ang ibabayad ng sindikatong kukuha sa inyo kay boss kaya wag na wag kayong magkakamaling ilaglag kami. Sabagay, mukhang hindi naman makakatayo ang isa dyan eh. Tsaka... anong magagawa ng isang babae sa mga taling mahigpit na nakatali?" tsaka lumabas na sya ng silid habang malakas na humahalakhak.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon