CHAPTER 86: THE DEVIL'S SURRENDER

501 24 11
                                    

"What's going on, C?" habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, parehong tanong din ang tumatakbo sa isip ko.

Wala din akong ideya kung anong trip ng isang to kung bakit kelangan nya pa akong sunduin.

"I'm picking her up, kid." sya na ang sumagot para sa akin at isang matalim na tingin agad ang ibinato sa kanya ni Jun.

"Who are you calling kid? Hindi ikaw ang tinatanong ko. How did you even know our place?" patuloy pa ni Jun at ramdam ko ang irita sa boses nya.

Seeing a rival group infront of your doorsteps nga naman, sino matutuwa di ba?

Again, his eyes turned to me at hindi pa din natatanggal yung nakakabwesit nyang ngiti.

"She didn't told you? Na hinat-"

"Jun!" putol ko sa sasabihin sana ng kurimaw.

"The production team sent him here with Cas' approval kasi may urgent meet up kami ngayon. And. . .malalate na kami, so we better go." pagmamadali kong lumabas.

Hihilahin ko na sana si Ranchee paalis nang pinigilan ni Jun ang braso ko.

"Send me a picture." I scoffed. Ano sya? Jowa?

Kaya hinarap ko sya at tinanggal ang kamay nya.

"Jun, I also hate him. Why are you doubting me?" I don't have a choice but to act this way. Nagiging ganito lang naman si Jun if one conveys with his trick of superiority. But once na maunahan sya, tumitiklop din naman agad.

"I'm not. It. . .it's him. Baka kung saan ka nya dalhin." see?

I smiled.

"Did you forget who I am?" I know he'll get what I meant dahil binabasa nya ang mga mata ko.

Nang maramdaman ko ang pagsuko nya, I tapped his cheek twice.

"See you later, okay?" pamamaalam ko leaving him with a smile.

Nauna na agad ako bago pa may masabi na naman ang isa sa kanila.

Tahimik lang ang byahe namin. Hindi ko din alam kung bakit wala akong salitang naririnig ngayon kay Ranchee. Himala na nga to na maituturing. Instead sa daldal, yung nakakabwesit nya lang na ngiti ang hindi matanggal-tanggal sa mga labi nya. Hindi ko alam kung magiging thankful ba ako sa katahimikan nya o kakabahan sa ngiting namalagi na sa labi nya hanggang sa makarating na kami sa isang dimsum restaurant.

As always, I went out of his car myself at di ko na inantay na pagbuksan nya ako. I won't ever let you open the car door for me.
Bago ko naisara ang pinto, I saw him made the sigh of surrender.

Since hindi ko nga din alam san pupunta sa restaurant na to, inantay ko na lang sya sa may entrance as he locked his car.

"So, ayaw mong pagbuksan kita ng car door, pero kapag pinto ng restaurant, okay lang?" asar nya.

"You wish-" napakurap ako nang may nagflash sa gilid namin.

Kukulo na sana ang dugo ko pero nang makilala ko ang inakala kong paparazzi, my shoulder relaxed. It's the photographer na parte ng set namin sa taping. He's the one documenting through pictures and sometimes videos tapos ippost nila sa social media na magsisilbing update saming mga cast.

"Part pa din ba to ng set? Why are you still taking pictures of us?" I thought this is only a meeting. Bakit kelangan pa din kaming kunan? Parang follow-up, ganern?

"Trabaho lang." so ganun nga?

Oh well, as long as it's not some random paparazzi.

Nauna na syang pumasok sa amin at bago pa man sumara ang pinto, pinigilan agad ito ni Ranchee and keep it open for me.

"After you." no choice na ako kundi ang pumasok na. Alangan pang sabihin ko pa sa kanya na bitawan nya yung pinto. Hindi ako ganun katuyuin.

Sinundan ko lang sya papunta sa isang bahagi ng restaurant na may parang screen o room divider ba yun? May apat na tupi ito at may disenyong asul na dragon.

Nilibot ko pa ang paningin ko sa buong restaurant. Maliban sa asul na dragon, meron din palang pula, dilaw, at berde sa bawat sulok. The rest ay mga mesa at upuan na ang bumubuo sa gitnang bahagi ng establesyemento. Overall, the restaurant gives out a full oriental vibe.

Dumiretso na si Ranchee sa table sa likod ng divider habang ako ay sumilip muna at laking gulat ko nang makilala ko ang taong nakaupo din sa table kasama si sir Franz.

Pinandilatan nya din ako ng mata at parang naging usapan na namin yun. Lumapit muna ako kay sir Franz na katabi ng secretary nya para bumati at makapagbeso. Nakita ko din yung photographer na busy sa camera nya.

"What's going on? Ba't ka andito?" pabulong kong tanong kay Ren at umupo katabi nya.

"Di ka ba inorient ni Ranchee on your way here?" pagtataka nya.

"Maloloka lang ako pag pinilit ko. Andaming arte, dzai. Feeling pasuspense ang naknampo-"

"If I told you myself, would you believe me?"
parang kinuryente ang buong katawan ko nang maramdaman ko ang hininga nya sa may ilalim ng tenga ko.

Dahil sa gulat, napalingon agad ako pero napalapit lang yung mukha namin sa isa't-isa. Mas umunat tuloy yung ngiti nya sa naging reaksyon ko.

Tumawa sya ng marahan tsaka hinila yung upuan sa kabilang gilid ko.

"So, sir Franz. . ." tawag nya kay sir Franz pag-upo.

Buti na lang at wala na syang ibang ginawa. Nakahinga ako pero rinig ko naman ang pagpipigil tawa ni Ren sa kanan ko kaya nilisikan ko sya ng tingin.

"Right, since C's here, kumain muna tayo and let's talk along the way." anunsyo ni sir Franz sabay tawag sa mga waitress.

"Don't tell me I need to dress up here kaya ka andito?" nagtataka man sa agenda ng meeting na to, mas nagtataka ako ba't andito yung bestfriend-slash-makeup artist ko.

"Ah, that. . ."
 habang nakatitig sa inaayos na mga pagkain sa mesa.

"Nagresign na kasi yung isang driver, eh alam mo na, belong naman talaga si manong kay Ms. CEO nyo, kaya ayun. . .Cas suggested to get a proper role for it which is a road manager para naman daw yung mga gawain dapat ng road manager ay hindi lang sya ang gumagawa-" I kinda get the grip of what a road manager does kaya pinutol ko na sya to confirm.

"Omg, napromote ka? You're going to be our road manager?" naeexcite ako na ewan.

"Not really. . .pero ganun na nga. Trial lang." humagikgik pa sa huli. Pabebe pa ang matsong malambot.

"Trial? Why? Because you're still my makeup artist?"

"No, you're going to have a new one."
biglang sulpot ni Cas sa kabilang side ni Ren.

"You're finally here." sarkastikong pagbati ko sa kanya. Sisingilin ko pa to sa pagbigay nya ng number ko kay Ranchee.

Tumawa muna sya habang inaayos ang pagkakaupo nya.

"Saw you came in with Ranchee. Kausap ko si Ms. Novie sa phone, you have a scheduled meeting next week. Just giving you a heads up." pagbibigay alam nya.

"Right. Of course, we'll come together because some gentleman gave my number to him. I wonder who's that kind gentleman is?" sa ngiting ibinigay ko pa lang sa kanya, alam na nyang sya ang tinutukoy ko at hindi talaga ako natutuwa.

Napatikhim sya para makaiwas ng tingin sa akin.

"He's just probably doing his job." he discreetly defended himself.

"Whatever. So, what's this about a new makeup artist?" patuloy ko na lang. Ibblock ko na lang yung number kapag mangulit.

"Not just a makeup artist. I'm getting you your new team. That means, you will also have a hair dresser and stylist, and probably more if needed. Kelangan mo na din kasi ng change of style." paliwanag nya.

"Oh, and you don't have to worry about Patricia. She'll remain your personal assistant." habol pa nya.

Tinignan ko naman si Ren.

"So, what happens if Ren's trial expired?"

"I can choose my next path. I can officially be your road manager if Cas and Ms. Novie still wants me to be, or I can put it up as an experience in my CV. It's a good deal, right?" kaya naman pala.

Ren's working as my makeup artist for free so that for him I wouldn't be alone. Kaya knowing na tinanggap nya pansamantala tong maging road manager namin, medyo may pagtataka ako kasi nga he probably doesn't prefer this kind of job to earn money.

Well, if that's what he wants. He never had a decision he regretted in his life so far kaya may tiwala ako sa kanya kung ano man yung pipiliin at napagdesisyonan nya.

Wala na kong ibang sinabi pagkatapos nun kundi ang sumang-ayon na lang. Wala din naman problema sakin kung magkakaroon man ako ng bagong team.

We enjoyed the dimsum and noodles na inihain nila. Nang almost patapos na ang lahat kumain, tumingin na sa akin si sir Franz.

"So what do you think, C?"

"With what?"
 tanong ko din.

"About being in public with Ranchee." teka, nabingi ata ako dun. O di ko lang maintindihan?

"Being in public means. . .?" it seems sir Franz is finally aware of my cluelessness. They might have expected for Ranchee to tell me kaso hindi nga.

"Since your contract is still active with us, we thought that it might be compelling for the movie to see you both interact in public. Get you on the lenses, you know. . .make rumors." paliwanag nya.

So that's what the shot was for. Taking random photos of us together.

"Also, direk Lino said that he's considering both of you for his new upcoming series as the hero and heroine. So I think it can also serve as a survey if the viewers will like your chemistry." okay? Nakangiti lang ako pero ambagal magprocess ng utak ko.

Dahil dun napalingon ako kay Cas for help at mukhang nakuha naman nya agad.

"Bale, ang mangyayari ay gusto nyong makita if the union of two members, each from opposing groups, will work out by letting the public see them together?" tanong ni Cas.

"Partly, yes. It is still in consideration. For now, yung main goal lang talaga natin is promoting the movie. So when rumors start, curiosity follows. The more we call out people, the more we can gain viewers. Kaya kahit hanggang 2nd week of the movie release lang, if you could put up an act until then. . ." now I finally understand kung ano talaga ang nangyayari.  Or shall I say, ang mangyayari.

"Then, how do we clear the rumor?" mas mabuti nang makasigurado bago pumasok sa isang bagay na may masama kang kutob.

"We already talked it over with your CEOs, and we came to a conclusion that we will have you for guestings sa mga showbiz talkshows to clear possible rumors." mukha ngang nakaplano na ang lahat.

Mukha ding nakapagdecide na sila before we can.

Gusto kong tumutol but this is show business. Things like this is bound to happen. And as a professional, if I could claim that, this is just pure sales talk kung baga. The only reason I'm against it is because I don't like Ranchee's character. Kung ibang tao lang siguro, hindi na ko magdadalawang-isip tulad ngayon. Kung gusto ko talaga panindigan na isa akong pro artist, I should set aside my emotions and just do my job as it is.

"Well, as long as wala kaming maaapakan." hindi man direkta yung pagpayag ko, mukhang nakuha naman nila ang pagsang-ayon ko.

"Nothing to worry. You're both single naman, di ba?" may patawa pa si sir Franz na sinakyan din namin ng tawa.

"But kidding aside, if ever things get worst, especially sa fandoms nyo, we'll surely step up right away." pagtitiyak pa nya.

Yeah, that's right.

Panung kinonsider pa nila ang pagsasama ulit namin sa isang serye kung sa pangalan pa lang ng mga grupo namin, tunog gyera na. What more kung bibigyan pa kami ng ganung role?

Dahil nga tinanggap ko na lang yung kapalaran ko, hindi na masyadong tumagal ang meeting. We just randomly talked about other business and possible future plans.

I know that being in show business, you cannot always have your own choice. Minsan kelangan mo na lang talaga mapilitan for the sake of better results.

It's not that labag talaga sa loob ko 'cause I hate it. It's just. . .whatever's between us, yun lang talaga yung problema ko. But if I set that aside, this won't be any problem.

Magkasabay kaming lahat papuntang parking lot nang mapagdesisyonan na naming magsibalikan na sa kanya-kanyang mga tungkulin.

Habang papasok na sana ako ng van namin, biglang hinarangan ni Cas ang pagpasok ko gamit ang braso nya.

"Sorry, C. Someone will have to drive you there for now." kahit alam ko na kung sino ang tinutukoy nya, sinundan ko pa din kung saan sya nakatingin.

As I thought. He's waiting by his car door na nakabukas habang yung isang braso nya ay nakapatong sa ibabaw ng kotse nya and he's intensely looking this way, particularly at me.

Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko as I gave Ren a glance which he just answered by dangling the keys infront of him with his finger.

As a translation, he probably answered me, "I got nothing to do with it 'cause I'm just going to drive."

Binalik ko ang tingin ko kay Cas.

"If I do this. . .what about the others?" lalong-lalo na si Jun with what happened before I left.

"I'll handle the explanation. It's not that I whole-heartedly agree with you doing this but. . .to be honest, it's. . .kind of a complicated idea. So, don't worry. I got your back on this." I don't know but that made me feel better. It's so comforting once Cas steps up with you.

Pumasok ako ng kotse nya na di na nya ako pinagbubuksan. Buti naman at mabilis naman palang matuto.

Our whole ride papuntang Moving Ground are all just pointless bickering. Dahil nga ilang bwan din kaming magkasama sa set, basta ba walang halong ibang tao sa pang-aasar nya, napapababa ko pa naman kahit papaano ang inis ko. But right now, inaamin kong naiinis pa din ako sa twing ngumingiti sya. Ni di ko matantya kung sino sa kanila ni Jun ang anak o tagapagmana ni Lusiper.

"Just drop me by the gate. Wag ka nang pumasok, lalakarin ko na lang papasok." sabi ko habang inaayos na yung sarili ko.

Handa na sana akong tanggalin ang seatbelt, pero ang kurimaw hindi pa din binabagalan ang pagpapatakbo at diniretso pa nga papasok ng gate.

Napa-facepalm na lang ako sa isip ko.

Buti na lang at mukhang nauna nang dumating sina Cas at Ren. This guy is definitely hopeless. Naghahanap talaga ng gulo eh.

THIRD PERSON POV

"Boys, lapit nga muna kayo dito. James, it's fine, you can stay there." anunsyo ni Cas.

Isa-isa namang nagsilapitan ang lima sa pwesto nina Cas at Ren sa mga couch.

Habang naglalakad palapit si Jun sa kanila, napansin nya ang pamilyar na kotseng pumarada sa harap. Nang bumaba ang sakay nito sa passenger seat, biglang nanginit ang tenga nya kaya walang anu-ano ay agad nyang pinuntahan ang kakababa lang na si Czera.

"Wait- Jun!" tawag pa ni Cas at kahit na sinubukan pa nyang abutin ang braso nito para mapigilan ay nahuli na sya.

"What the h3ll? Didn't you came from the same meeting? Anlaki ng van oh, yet you prefer this?" salubong nya sa gulat na Czera habang tinuturo ang parehong sasakyan.

Kahit na may hint na si Jun sa utak nya kung kaninong kotse ito, mas lalo pang gumapang ang init na nararamdaman nya sa katawan nang lumabas na si Ranchee. Ipinatong na naman ulit nito ang mga braso nya sa ibabaw ng kotse na para bang batang nanonood ng isang kamangha-manghang palabas.

"Ba't andito na naman yan? Kala ko ba pinapasundo lang ng production team?" diniinan nya talaga ang salitang sundo.

Czera threw a questioning look sa manager nila kaya sinubukan ulit ni Cas na tawagin si Jun. Pero mukhang huli na ang lahat dahil nagsilapitan na din ang iba sa labas. Even James at mga kapatid nya came to see what's happening.

"Jun, just get inside. Nakikiramay tayo dito so don't make a scene. I was suppose to tell you about this so get inside, now!" mahigpit na utos ni Cas at nilingon naman sya ni Jun.

"Kaya nga nasa labas ako eh. If we are talking about respecting the dead, then it's just right that I'm here. You, guys can stay there." sagot nya at di mapigilan ni Cas na makaramdam ng konting inis.

"Jonathan!" mas umalingawngaw pa sa lugar ang pagbagsak ni Jun sa sahig na gawa sa tiles kesa sa pagtawag ni Cas ng buong pangalan nya.

Sobrang nagulat ang lahat sa pagsuntok ni Czera kay Jun. Or maybe with the exception of Ranchee who seems to enjoy what he's witnessing.

Dahil sa tono ng pagsagot ni Jun kay Cas ay di na napigilan ni Czera na hilahin ito sa braso para maiharap sa kanya bago suntukin.

Mukhang natauhan naman si Jun sa suntok na yun habang pinupunasan ang konting dugo na nalasahan nya sa gilid ng bibig nya.

"Naririnig mo ba ang sarili mo? Respecting the dead? What about James at sa mga kapatid nyang nakikita at naririnig ka ngayon? Ano bang pinuputok ng ugat mo sa leeg dyan? Yes, that's Ranchee. Yes, I let him drove me here instead na sumabay sa van. And yes, I am and will still be working with him kahit tapos na ang taping dahil may tinatawag tayong kontrata. Oh, and guess what, we're going to create rumors that might cause quite a stir because we will let people spot us going out. Satisfied?" natauhan man, hindi pa din matanggal ni Jun ang hindi makapaniwalang tingin nya kay Czera.

"If you need much more clearer explanation, then stop overthinking and learn to listen first before reacting. Nakalimutan mo na ata kung sino nag-alaga, nagtiis, at nagttrabaho ng husto para maabot tong kinaroonan nyo ngayon? Lumaki na ba talaga yang ulo mo na hindi ka na marunong tumugon ng utang na loob sa manager nyo? And you're not even my real boyfriend pero kung makabanat ka dyan kala mo napakamakasalanan kong asawa cheating with another man. He's our rival, I get that. But it's still not enough reason para umasta ka ng ganyan." dahil sa inis ay inaamin ni Czera sa sarili na may mga salita syang nabitawan na hindi naman nya sadyang bitawan. Mga salitang akala nya ay naibaon na nya sa pinakadulo ng isipan nya.

"Right." kalmado nang sagot ni Jun while pulling himself up sa tulong na din ni Hope.

"Right, it's not enough. And I don't even think that's actually the real reason why I'm so mad right now that I wish for him to stop breathing." pinagpagan ni Jun ang sarili nya habang sinubukan din naman ni Ranchee na pigilan ang hininga nya gaya ng hinihiling ni Jun. He thought that his sarcastic joke will be safe with him.

"Hindi ko alam kung manhid ka nga o sadyang bulag ka lang talaga. I've been calling for your attention all this time. I even went for desperate measures just to make you conscious of me, of my whole being. I wanted you for myself alone." he looked at Czera intensely. He want her to look at him as someone not younger than her.

"W-What? Ano na naman yang pinagsasabi mo?" Czera, on the other hand, sensed that Jun is talking about something else, and that made her anxious.

Biglang bumilis ang tibok ng puso nya. It's like her different emotions are going to eat her whole.

"Don't give me that f***cking excuse 'cause I know what you're doing. You're going to deny to yourself that you're receiving a confession from a kid, right?" hindi na nakapagsalita si Czera dahil alam nyang hindi nagkakamali si Jun sa sinabi nya.

Mas lalo syang nakaramdam ng kaba when he chuckled a bit.

"Come to think of it. . ." at tuluyan na nga itong tumawa ng malakas.

"Anim nga pala kaming may gusto sayo." nagpatuloy pa ito sa pagtawa at nagsimula na ding kabahan ang iba.

"Jun-" pinutol nya ang sasabihin sana ni Hope sa kanya.

"I want to go home. I'll pass for today. Ren. . ." tawag nya kay Ren na nasa bandang gilid lang din ni Cas.

"A-Ah. . ." hindi din alam ni Ren kung ano ang dapat nyang gawin sa sitwasyong kinaroroonan ng kaibigan.

"Road manager ka na namin, di ba?" baling sa kanya ni Jun nang magsimula na tong maglakad.

Gusto man nyang manatili para kay Czera, but right now, one of the consequences of accepting the job already strucked him.

He stole a glance at Czera and as their eyes met, her eyes told him that he should be what his job needs him to be.

Tahimik pa din ang lahat kahit papasok na ng van si Jun.

Czera unsure of what's going to happen next at kung pumasok ba sa sistema nya lahat ng pinagsasabi ni Jun. Na kung paniniwalaan ba nya o hindi lalong-lalo na ang sinabi nya tungkol sa anim.

At first she's boiling of irritation and anger, the next minute parang bigla lang syang binuhusan ng tubig na may napakaraming yelo. But one thing for sure, she came to regret punching Jun like that.

She punched him hoping na magising si Jun sa sarili nya. But thinking about it now, hindi nya alam kung naging mabuti nga ba ang naidulot ng pagsuntok nya to the point na nagkasugat pa ito sa may bibig pati na din sa braso pero mukhang mas lumala pa nga lalo ang sitwasyon para sa kanya.

She should have probably made Ranchee drive slow and put some distance from the van para naman nagkaroon pa ng pagkakataon si Cas na makausap yung anim. She was way too occupied sa pambbwesit ni Ranchee sa kanya that she only thought about coming back to the funeral home as quick as possible.

Now that she thought about it, her dark side tells her to blame Ranchee for existing and messing with her. But then in reality, alam nyang hindi naman magtatagumpay ang lalaking yun if she didn't let him into her system.

Nagkatinginan lang silang lahat sa isa't-isa. Even Cas didn't know what to do sa katahimikan dahil ngayon lang may nangyaring ganito. He thought before that placing a girl in this group may lead into this kind of problem in the future at hindi nga sya nagkamali. Gustuhin man nyang ipaalam kay Ms. Novie itong nangyari at sabihing nangyari na ang kinatatakutan nilang mangyari, kahit papaano ay he's thankful to Czera for standing up for him or else baka hindi na din nya nakontrol ang inis nya at makapagbitaw ng salitang hindi pa naririnig ng walo mula sa kanya eversince. He thinks that he'll try to fix this problem by himself first like what he usually do.

"Show's over." tinapik ni Ranchee ang bubong ng kotse nya ng dalawang beses and like a cue, everyone's head turned to him.

"See you at dinner, C." pamamaalam nya at hindi na inantay ang isasagot ng dalaga.

Sa ngayon, sa paliwanang na lang ni Cas umaasa ang iba para maintindihan nila kung bakit naroroon si Ranchee kasama ni Czera.

Nang mapansin ni Ren na aalis na din si Ranchee, naisip nyang paunahin muna itong makalabas ng lugar as he turned on the window tint, and the stereo at full volume.

Bago nya patakbuhin and sasakyan, he checked his only passenger sa rear view mirror na kasalukuyang labis na umiiyak with both his hands covering both eyes, and head bent back.

"Kakasimula ko lang sa trabahong to, ito na agad naengkwentro ko. Before, si Czera lang inaalala ko, ngayon may dagdag nang pito. Sure ka na ba talaga dito, poging maganda na self?" bulong nya sa sarili habang pinipilit tiisin ang awang nararamdaman para kay Jun na halos sumisigaw na sa pag-iyak.

"You know. . ." bumuntong hininga na lang sya at napagdesisyonang wag nang ituloy kung ano mang sasabihin nya dahil hindi pa din naman ito maririnig ni Jun.

Isa pa, hindi din sya sigurado if he can comfort someone this broken with just words alone.

"Gawd, how can she made this golden devil cry his heart out?"












See you next bloom.....

Please do Vote and/or Comment. Will totally appreciate it. Thank you for reading!

Tweet me: @xtinepasmanwp and use #AFWSTxp for your tweets

Official Facebook Page: https://www.facebook.com/xtinepasmanAFWST

Official Wattpad Account: https://www.wattpad.com/user/xtinepasman

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon