CHAPTER 26: THE GOLDEN DEVIL

12.9K 308 21
                                    

Dedicated to: Pendreamer

***

JUN POV

It's been three weeks simula nung ginulo ko ang buhay skwela ni Czera. And well, I'm enjoying myself so far. Bakit? Kasi puro mga tanga ang mga studyante dito. Yung mga babae? Ang bilis makuha. Isang ngiti ko lang, parang mga tuta na agad. Pati yung mga lalaki? Balita ko hiniwalayan ng mga gelpren nila dahil sa akin kaya maraming galit na sa akin dahil dun. Eh di ko naman kasalanan kung puro kayagitan lang ang alam nila sa pamomorma. May nagtanong na nga rin kung kaano-ano ko si Jun ng DR since ang totoong pangalan ko ay Jonathan Steven Asunscion. Bukod sa charisma ko na kagaya kay Jun ay may hawig din daw kami. So I answered them that we're cousins. Dahil dun ay mas dumami ang mga babaeng lumalapit sa akin asking about Jun.

Bakit nga ba ako nag-aaral ulit? At bakit sa parehong univeristy pa ni Czera?

My family is one of the Underground Elites. Meaning? Isa ang pamilya ko sa mga pinakamayaman at pinaka-bigatin na nagmamay-ari ng mga underground places sa loob at labas ng bansa. Ilan? Di na mabilang.

Dahil sa mundo ng mga Elites, walang may gustong bumaba ang lebel. Araw-araw nagpapataasan. Kung kelangang pumatay upang malampasan lang ang nasa ibabaw nila, gagawin nila. At kung sino ang nasa pinakamataas? Kami. Ang pamilyang Asuncion.

Dahil hindi pa kami napapatumba, maraming banta sa buhay ng aking pamilya, lalo na sa akin. Bakit? Dahil umalis ako ng bahay namin na walang kasamang bantay and that leaves me open sa mga kumakalaban at gustong malampasan kami.

Hindi ko gusto ang buhay ng isang Elite kaya napagdesisyonan kong maging malaya sa sarili kong paraan.

Nakikipaghalubilo ako sa mga mababang nilalang. Naging malaya ako, nakikipagsuntokan, nakikipag-away. Sa underground, walang may pakialam kung isa kang Elite. Hindi ako nagpapapigil kina mama at papa. Tumatakas ako kung kinukulong nila ako sa kwarto ko at kung may ipapasunod sila sa aking bantay. Hindi ako sumusunod sa mga saway nila at alam kong kinaiinisan nila yun.

Hanggang ang pumapangalawa sa amin, ang mga Demonteverde, ay nagsimula ng kumilos. Hundreds of death threats at ilang naliligaw na gun shots na rin na obvious naman na para sa akin ang natanggap ko mula sa kanila.

So my parents decided to send me secretly to Canada. Doon, nabuhay ako ng ligtas. I started taking classes at the same time taking interest sa pagsasayaw.

Suportado ako nina mama at papa sa pagkahilig ko sa pagsasayaw kaysa naman sa rambol ako mahilig so they enrolled me in a dance school. Nahasa doon ang pagsasayaw ko. And then I got bored and decided to try something else.

Mahilig akong makinig ng mga R&Bs kaya mula sa simpleng hum ng mga kanta ni Chris Brown, dumating sa panahon na kinakanta at nasusunod ko ang boses at istelo nya. Then without trouble, I also started rapping.

Hanggang natunton ako ulit ng mga Demonteverde and I need another hiding place.

Sa pagbalik namin dito sa pinas, nabalitaan nina mama na may audition para sa mga talented na mga kalalakihan para sa bubuoing boy group. Ang Dark Rebels.

Pina-audition ako para magtago mula sa mga Demonteverde. Hindi nila ako magagalaw kung kilala ako ng lahat. They were too careful not to kill any innocents upang maiwasang lumutang ang pangalan nila sa ibabaw ng underground kaya kapag nasa paligid ko ang mga tao, hindi nila ako magagalaw.

Walang kahirap-hirap ay nakapasa ako sa audition. Sino pa naman ang hindi makakapasa kung hindi lang pagsasayaw ang alam ko kung hindi pati pagkanta at pagrarap. Nasa akin na ang lahat na hinahanap nila.

Sa pag-usbong ng Dark Rebels, I was later on named the Golden Devil dahil nagagawa ko ang lahat na wala sa iba lalong-lalo na dahil ako pa ang pinakabata. Vein and James can only sing and dance. Hope and Soul can only rap and dance while Aron can only rap and Jin can only sing. At hindi lang ako tinatawag na devil dahil lang dun, alam nilang isa akong Elite. Syempre kung nanggaling ka sa isang underground, kilala mo ang pangalan ng Asuncion. At dahil alam naman nila na isa akong Elite, I can be myself. Mas malaya kong nagagawa ang gusto ko kung nababagot ako. I can play with anyone. And how? Magbasa na lang kayo. Belat.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon