CHAPTER 5: THE BOND

18.7K 407 35
                                    

ETHAN REN POV

Haba ng huuurrr koooo. Ginawan talaga ako ni otor ng POV, lablab ko talaga ang babaeng yun. Ok payn, kwekwento ko na ang nangyayari dito ngayon.

Well, andito ako sa university namin ngayon ni Czera. Naman, sya lang yung star at hindi ako kaya patuloy ako sa pag-aaral. Pero dahil bestfriend ko sya, hindi ko sya pweding pabayaan sa poder ng mga kalalakihang yun.

Aaminin ko, mga yummy nga sila pero mas importante pa rin si bestie sa akin kaya abangan nyo kung panu ko mababantayan ang gagang yun. Pinapairal kasi nun palagi ang kasamaan nya at yung talino di na nagagamit kaya ito ang papel ko sa kwentong ito. Ang ituwid ang daan nya.

Ok ok ito na nga. Tama na daldal. Take two. Andito ako sa university namin ngayon ni Czera at may videong kumakalat ngayon ni Czera sa social media na kumakanta sa isang restaurant.

But what caught my attention, since alam ko na ang talent ng gaga ay yung mensahe nya before the song. Kasi naman, natural na kakalat sa social media ang video nya lalong lalo na dahil maraming nagandahan ng boses nya kaya it also mean na lilipad din ang video na yan sa taong yun. Yun ba talaga ang gusto nya?

Kaya nga dapat nasa tabi nya ako palagi eh.

"Landon, pare! Ex mo nagtretrending. Nakita mo na ba to?"

Oops. Mukhang may nasagi ang tenga ko ah. Speaking of the gorgoyle.

Andito kasi ako ngayon sa labas ng canteen ng school kung saan may mga stone tables and benches. Dito kami mahilig tumambay ni Czera kaya palagi akong andito. Tumingin ako sa gilid kong stone table at andun nga si lalaki na ngayo'y pinapanood na sa cellphone ng kaibigang tumawag sa kanya kanina ang video ni Czera.

Dinig na dinig ko pa ang mensahe at ang buong kanta. Pagkatapos nyang mapanood ay napatingin sya sa akin. Agad ko namang binaling ang tingin ko sa laptop ko at nagkunwaring may tinatype.

"She's not my ex. She's my bestfriend before."

ABA! Ang kapal ng mukha! Bestfriend? Ako lang ang bestfriend ni Czera at ikaw! Ikaw lang ang nag-iisip nun habang ang kaibigan ko iba ang iniisip sa relasyon nyo!

Oo, tanga nga ang babaeng yun pero kung hindi ka ganun ka sweet at may selos selos epek ka pa, eh di sana hindi ganun ang iniisip nya.

"Ethan?"

"Ay itlog ng kambing ka!" nagulat lang naman ako sa biglaang pagsulpot nya sa harapan ko.

Ngumiti sya at umupo sa harap ko.

"Landon."

"Ang ganda pala ng boses ni Czera noh?"

Napataas naman ang kilay ko sa tanong nya, "Ganun? Ang akala ko ba BESTFRIEND mo sya BEFORE? Eh bakit hindi mo alam?" capslock the intensity.

"Nitong college lang naman kami naging bestfriend, panu ko naman malalaman? Hindi tulad sa inyong dalawa, nakatira sa isang bubong."

"So? Bakit mo sinasabi sa sarili mo tsaka sa mundo na bestfriend mo sya?"

"Eh kasi bestfriend naman talaga ang turing ko sa kanya. Di ko naman inaasahan na magbabago ang tingin nya sa akin."

"Bakit? Sinabi nya bang maging bestfriend kayo?"

"Hi-hindi. Pero...di ba sabi nga nila... if you meet a person with the same craziness as you do, that person is your bestfriend?"

"Nako naman Landon. College ka na ngayon. Sana alam mo na na ang ganyang katagang yan eh pang hayskul lang. Tingnan mo tuloy ginawa mo sa BESTFRIEND KO." at isinara ko ang laptop ko at umalis na ng marinig ko pa sya,

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon